0ne
After four years..
"Jeff"
Napatingala si Jeferrylle mula sa pag-i-inspeksyon sa pasyente niyang aso. "Yes boss? "
"Prepare yourself, may big client tayo at kailangan mong pumunta doon. I already signed the contract for six months" Walang pasubaling saad ng big boss ng animal clinic kung saan siya nagtatrabaho bilang vet.
She's already working for two years here. Malapit lang kasi sa bahay nila ang clinic. And it's a wi-win situation for her.
Hindi na niya kailangan pang gumastos ng malaking perang pang-gas. At nakaka-uwi siya ng naaayon sa oras.
"Pero boss" Ayaw niyang umalis sa clinic. Lalo naman sa bahay niya.
"No buts Jeferrylle. May I remind you na kailangan mo ang trabahong ito. At wala kang karapatang magsabi ng hinde" Paismid na saad ng boss niya.
And that was yesterday.
Napabuga ng marahas na hangin si Jeferylle, nasa isang bus na siya ngayon papuntang Nueva Ecija. Bakit? Kasi doon siya pina-transfer ng malandi niyang baklang boss na may-ari ng pinagtatrabahuan niyang private clinic na para sa mga hayop.
May kliyente daw na naghahanap ng private veterinarian para sa farm nito. Ayon sa boss niya, mga baka at kalabaw kasama na ang mga kambing ang nasa farm na iyon.
May mga kabayo din daw at kailangan nito ang doctor na mag-aalaga sa kalusugan ng mga hayop nito.
"Kung hindi ko lang kailangan ng pera e! " Naiinis na saad niya. Pero mahina lang ang boses niya. Ayaw niyang may makarinig sa pagrereklamo niya.
Tapos hindi man lang siya pinahatid sa company car! Binilhan naman daw siya ng ticket kaya ayos lang.
Naku kang bakla ka. May araw ka din sa akin talaga! Gigil na gigil siya dito. Akala nito sa sarili, hari. Kaya sobrang asar siya dito. Pero kailangan niya ng pera!
She doesn't have a choice doesn't she?
After for how many hours, nakarating din sila sa bus station. Then she saw a man, maybe nasa 50's na ito. May hawak na placard na naglalaman ng pangalan niya.
Dr. Jeferrylle Santos.
"Tay. Ako po ang hinihintay niyo" May simpleng ngiti sa mga labi niyang saad. At ipinakita ang I.D niya sa clinic.
Ngumiti ito ng bahagya. "Halika na ma'am" Sambit nito at kinuha ang maleta niya at dinala sa trunk ng sasakyan. Binuksan niya ang passenger's seat at pumasok. Kapagkuwan ay sumunod ito at pinaandar ang sasakyan.
"Ano pong pangalan niyo?" Tanong niya.
"Ipeng ho ma'am"
Ngumiti siya "Naku tawagin niyo na lang po akong Jefferylle tay. Ayoko po sa ma'am. Wala po ako sa hospital"
"Sige ineng"
That's much better.
Habang binabaybay ang papunta sa kung saang banda ng lugar, inabala niya ang paningin sa dinaraanan. The place is beautiful.
Sa gilid ng daan ay may creek, kung creek nga ang mga iyon dahil malawak ang kanal, ang linaw ng tubig na alam niyang siy'ang ginagamit na patubig sa napakalawak na taniman ng palay. Napakalawak niyon at halos hindi niya makita ang dulo ng palayan.
Kapagkuwan ay lumiko ang sasakyan at wala siyang ibang makita kundi puro berdeng lupain. May nakita siyang signage 'JVV farm' sa bukana ng pinagsamang barbed wire at hog wire na gate.
YOU ARE READING
SUBMISSIVE 2: THIRDY VILLANUEVA
RomanceNang maghagis yata si Lord ng kamalasan sa mundo, nasalo na yata ni Jeferylle ang kalahati. She was cheated by her boyfriend. Ang masaklap, hindi sa babae siya ipinagpalit kundi sa lalake. Ang sakit no'n sa parte niya. Maganda naman siya, mabait a...