Seven
Nasa may bonsai garden si Jeferylle at nakatunganga siya sa ibaba, she was mad. Really mad because hell, it's been what, three weeks? At miss na miss na na niya ang tuta niya.
At ang dami na ding pangyayari sa buhay niya dito sa mansion na 'to. Idagdag pa ang lalaking nagpapa-init at nagpapakulo sa dugo niya! She groaned. Nang may isang pares ng paa ang nakita niya sa paanan niya. Napaangat siya ng ulo at nagtama ang mg mata nila ng may-ari no'n.
Three days din itong hindi nagpakita sa kanya mula ng magkaroon sila ng bangayan. And God. Oh God. It's now that she accepts the reality, she missed him. Badly.
Badly that she wanted to throw herself in his rocked shoulders and be caged there. To feel again the heat coming from him.
Napapikit siya ng bahagya. Then she looked at him. Again. "Bakit?"
Nakatingin lang din ito sa kanya. Hindi man lang kumurap. Na tila ba kapag ginawa nito iyon ay mawawala siya. Then he sighed softly.
"Tara sa palengke"
"Huh?"
"Madaming ginagawa si nay Helen. Kawawa naman. Tayo na lang" Seryoso nitong saad.
Tayo na lang. Bakit parang iba naman ang napunta sa isipan niya. Talaga naman.
Bakit ganito na siua sa lalaking 'to. Nag-iiba na siyang lagi. Dati naman lahat ng salita, wala siyang pakialam. Bakit sa lalaking 'to?
Is she hoping?
No. Don't go there Jeferylle. Please..
"Sure" Tumayo na siya at sumama siya sa binata.
Tahimik lang siya habang nasa loob ng sasakyan. Ang lalaki naman ay pasulyap sulyap lang sa kanya. Nag-iinit ang batok niya aware siya sa titig nito. Titig nitong nagpapa-init sa kanyang katawan.. As always.
Gustong gusto na niyang titigan ang braso nitong nag-uumalpas ang mga ugat. Ang likod ng kamay nitong nagsisitagisan ang mga prenteng mga ugat na tila hari na nagbabantay sa kaharian nito
Napapikit siya. Shit naman this guy!
"Whats wrong?"
Hindi siya nagmulat. "Nothing"
"We're here" Masuyong saad ng binata. Doon pa lang siya nagmulat ng mata.
Binuksan niya ang pinto at sa labas na siya nag-ayos ng sarili. Hinintay ang lalaki at naglakad kasabay nito subalit sinigurado niyng may distansya pa din sila. Enough to not touch his skin but damn, she can feel his body heat!
Jesus! Paano ba ako makaka-iwas sa tukso?
Napatalon siya bigla ng bigla na lang siya nitong inakbayan at kinabig, matigas ang hawak nito sa balikat niya but enough to not hurt her, his face is on her ears, "iniiwasan mo na naman ba ako?"
"Hindi" Ang lakas ng apog makatanong e ito nga ang hindi nagpakita ng tatlong araw!
"So.. Galit ka pa din?"
"Hindi rin"
"Ano lang pala?"
"Wala"
"Okay.. Sorry na.. Hmm? I'm so sorry. Kasalanan ko na.. " Then he sighed " Fuck!" He murmured. Na tila ba hirap na hirap na humingi ng paumanhin.
Na akala mo isang kasalanan ang paghingi ng tawad! Talaga naman!
Lihim siyang napatawa. Bakit ba e, siya lang naman ang boss na bossy pa, tapos hihingi ng tawad sa kanya? Isang himala!
YOU ARE READING
SUBMISSIVE 2: THIRDY VILLANUEVA
RomanceNang maghagis yata si Lord ng kamalasan sa mundo, nasalo na yata ni Jeferylle ang kalahati. She was cheated by her boyfriend. Ang masaklap, hindi sa babae siya ipinagpalit kundi sa lalake. Ang sakit no'n sa parte niya. Maganda naman siya, mabait a...