CHAPTER 27

30 1 0
                                    

TWENTY SEVEN


Pagkalipas ng dalawang araw, pumasok na ulit siya sa clinic. For her first day, she was occupied by a lot of dogs needed to be examined and others for deworming. Some clients came with their cats pero dahil may mga ibang vet at mga trainnees na doon sa clinic, sila na ang nag handle sa mga pusa.

Kasi alam ng iba na takot siya. Though, it's tolerable sometimes, she doesn't want to risk it. At saka para maka save naman sila ng oras. Sa dami ng kliyenteng kailangang pagtuunan ng pansin.

Minsan kasi, doon nauubos ang oras niya. S'yempre pa, she needs to calm herself first before she can perform well whatever the cat need.

It was lunch time when she heard her colleague called her sa pinaka office niya. Nagtaas siya ng ulo at tumingin sa nakaawang na pinto. "Bakit?"

"Nandito po ang... Asawa niyo daw?" Tila naguguluhan nitong saad.

Tumaas ang kilay niya. "Let him in please"

Bumukas ang pinto ng office niya at iniluwa niyon si Thirdy with his usual maong pants, gray t-shirt, white rubber shoes and his topknot hair. Yeah. Gray! Ang daming gray na damit! Kung hindi naman e black. Ugh. Nagtaka pa siya e mansion nga nito sa farm itim e!

Napalunok siya sa tikas at kisig nito. Kitang kita ang mga mauugat na braso at lalong nagmarka ang mga iyon bawat galaw dahil may ipinatong sa mesa niya.

"Kain ka na. May cornick at suka ka din diyan. Si Era ayos lang, iniwan ko kay nay Helen. Ayaw kong dalhin dito e baka mapano"

Eto siya. Hinahati ang oras sa kanilang mag-ina. Kahit siguro pagod na, basta maiparamdam na may oras ito sa kanila, ginagawa pa din ang lahat.

And that makes her in love with him even more. Right. Who's the woman in her right mind who doesn't fall with a man like him? While we know that time and attention are the most precious gift a man could give?

"Hmm. Salamat" She said in glee.

"Pay me with kiss then"

Napasimangot siya. Humalakhak naman ito saka siya ginawaran ng halik sa noo. Nahagip ng mata niya ang mga nakatungangang kasamahan niya sa labas. Tila mga giraffe sa haba ng leeg kung makalingon. Kulang na lang lumuwa ang mga mata.

Paano ba naman kasi, sa loob ng ilang taon na pagtatrabho niya dito, wala siyang naging boyfriend. Ni manliligaw hindi niya pinagtuunan ng pansin.

At sa pagbabalik niya, ganito ang makikita. And damn, their too curious to just stare at them like this at walang mga pakialam kahit nakikita niya ang mga itsura ng mga ito!

Why. Because her office is a damn glass wall! Clear pa nga kaya kitang kita sila sa loob!

She cleared her throat. "Uwi ka na"

"Huh?" Tila nagulantang ito sa sinabi niya.

"Daming nakatingin sa'yo. Ayoko"

He chuckled. "Hmm. Hindi ko alam nakaka inlove pala ang asawang selosa?" Now smirking like he heard the most precious words.

"Tse. Tumigil ka. Hindi mo pa ako asawa!"

"Hindi kasal sa papel pero asawa na kita, kasal sa puso ko.. Sa isip ko.. At Sa—he smirked—gawa" Sabay hagod s baywang niya, pataas pababa. She shivered.

Oh. She knows that kind of smirk! Damn him for poisoning her innocent mind!

"Tang'na neto!" Okay na sana e! Dinagdagan pa!

Tumawa lang ito. Hindi pinakawalan ang baywang niya.

Imagine, ayaw na ayaw niya sa mga kabit pero hinahayaan niya ang sarili niyang maging gano'n. Ang hirap. Masakit sa loob niya pero talaga yatang mahal niya ang lalaki.

SUBMISSIVE 2: THIRDY VILLANUEVAWhere stories live. Discover now