Chapter 2: Her Arrival
DHEA AVERAY LACSAMANA’S POV
MAAGA akong nagising today, it’s my restday pero kailangan kong maabutan ang Daddy ko para sabihin sa kanya ang tungkol sa vacation ko.
Pumasok ako sa bathroom para maghilamos at magmumog saka dali-dali akong lumabas mula sa aking silid. Sinuklay ko lang gamit ang mga daliri ko ang brown hair ko.
Nakita ko naman sa kabilang kuwarto ang kalalabas lang ni Kuya Derman. Nang mapansin niya ako ay napangiti siya. Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para mahalikan siya sa pisngi niya.
“Good morning, Kuya,” nakangiting bati ko sa kanya. Hinawakan niya ang baywang ko at gumanti nang halik sa aking pisngi.
“How’s your sleep? Restday mo ngayon. Bakit ang aga mong nagising?” tanong niya habang panaog na kami sa hagdanan. Nakaalalay sa akin ang nakatatanda kong kuya.
“I told you po yesterday na magpapaalam ako kay Dad na magbabakasyon,” sagot ko.
“Ah,” sabi niya lamang at sa dining area ay nandoon na ang parents namin.
Tatlo lang kami ang magkakapatid, si Kuya ang panganay, ako ang pangalawa at ang bunso namin ay si Dhelo. Sampung taong gulang pa lamang siya and yes, nag-iisang anak na babae lamang ako pero never naman nagkaroon ng favoritism ang parents namin dahil pantay-pantay naman ang pagmamahal nila sa amin.
“Nandiyan na pala kayo. Come here at nang sabay-sabay na tayong kumain ng dinner,” nakangiting pag-aaya ni Mommy. Lumapit kami kay kuya para halikan siya sa pisngi. Hinalikan ko rin si Daddy at si Kuya Derman ay nagmano lang sa kanya saka siya umupo sa tabi nito.
I sat down beside my little brother Dhelo. “Good morning, kiddo,” I greeted him. I kissed his cheek and mess his hair. He smiled at me.
“Good morning, Ate,” he greeted me back. Si Mommy naman ay umupo sa tabi ko kaya kaming tatlo ang magkatabi, samantalang nasa tapat naman namin sina Dad at Kuya.
Sa table namin ay nakahain na ang fried rice with chicken, half-cooked eggs, hotdog and ham. May coffee and pineapple juice.
Napangiti ako nang nilagyan ni Mommy ng ulam ang pinggan ko. “Thanks, Mom.”
“It’s your restday today, Avey. Akala ko ay mamaya ka pa magigising,” sabi ni Dad at napasulyap sa akin si Kuya. Ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
“Magbabakasyon po sana ako, Dad.”
“Gusto mong hanapan kita ng lugar? Beach resort or out of town?” he suggested.
“I want to have my vacation in the Philippines, Dad,” diretsong sagot ko na ikinahinto niya sa pagkain. Maski si Mommy ay natigilan at napatitig sa akin.
“You know that na kapag sa Philippines ay sabay-sabay tayong nagbabakasyon there, sweetheart. Mag-isa ka lang doon at wala kang kasama,” Mommy said and I shook my head.
“Doon po mismo sa house nina Ninong Eujinn at Ninang Hazel po,” sabi ko na ikinatango niya.
“One or two weeks ka lang doon?” tanong ni Daddy.
“One month, Dad.”
“Anak, ang tagal naman. Kung ganoon ay hindi ka namin makikita sa bahay sa loob ng isang buwan?” Napatawa ako sa remarks ng aking ama.
“You can’t go on vacation if you’re alone, Ate. Just wait for our closing sa school then I’ll come with you,” sabi naman ni Dhelo. Inakbayan ko siya.
“I can’t wait any longer, kiddo. Gusto ko na talagang magbakasyon doon,” ani ko.
“Okay, anything you want ay pagbibigyan kita, anak. Sasabihan ko ang kumpare ko. How about you, son? What if samahan mo na lang ang kapatid mo?” tanong ni Daddy kay Kuya Derman.
“Kahit gugustuhin ko po, Dad. Alam niyo na gusto lang din ni Avey na mag-isa lang siya,” tumatangong saad ng aking kuya. Kilalang-kilala niya talaga ako.
“Nadale mo, Kuya,” ani ko.
“See, Dad?”
“Okay then. Just take care of yourself there, sweetheart.”
After the breakfast, Mom help me packed my things and Dad bought me a plane ticket. Hindi rin nawala ang pangangaral sa akin ng kuya ko and Dhelo said, susunod din siya sa akin kasi malapit naman daw ang vacation nila sa school.
Si Kuya Derman lang ang naghatid sa akin sa airport. Bitbit niya ang malaking maleta ko. Nakasukbit naman sa magkabilang balikat ko ang black backpack ko na naglalaman ng importanteng bagay, like cellphone, money and ATM cards. Hawak din niya ang plane ticket and passport ko.
“Mag-iingat ka roon, Avey. Alam kong hindi ka naman magiging sakit ulo nina Ninong at Ninang. Siguro sa panganay nilang anak. Alam kong crush mo iyon,” nakangiwing saad niya. Napangisi ako kasi nahalata pa talaga niya iyon.
“I will po, Kuya. Don’t worry too much. I’ll be alright,” wika ko at hinila niya ang braso ko saka ako mahigpit na niyakap. He kissed my temple.
“I love you, take care, Avey.”
“I love you too, Kuya and I will po!” Hindi agad umalis si Kuya hangga’t hindi natatawag ang flight ko. “Bye, Kuya! Love you!” Nag-flying kiss pa ako sa kanya at natatawang sinalo niya ito saka pabirong dinala sa dibdib niya.
Sa excitement na nararamdaman ko ay hindi ako natulog buong biyahe sa eroplano. Mas na-excite ako nang mag-announce ang pilot na safe nang nakalapag ang airplane.
May ngiti sa labi ko nang bumaba na rin ako at sumabay sa maraming pasahero. Maingay sa loob ng NAIA.
Ang sabi ni Daddy ay may susundo raw ako pero hindi ko naman inaasahan na si Haze pala ang makikita kong nakahawak sa placard na may full name ko.
Walang nagbago sa hitsura niya at kung mayroon man ay siguro dumoble lang ang kaguwapuhan niya.
Ang guwapo niyang mukha na hindi nakasasawang pagmasdan, maganda ang uri ng mga mata niya at nakahahalina ito. Matangos ang ilong at malapad ang panga. Ang lips niya na kasing kulay ng mansanas.
Dark blue ang coat niya at black naman ang longsleeve nito sa ilalim, gray trouser and black shoes.
Side parted ang hairstyle ng buhok niya, na parang mahigit isang oras ang ginugol niya sa pag-aayos ng buhok niya.
I approached him. “Haze Montefalcon?” Hajinn V. Montefalcon ang buo niyang pangalan. Haze is just his nickname.
“That’s me,” he answered and nagtama ang mga mata namin.
“I miss you, Haze! You don’t have any idea how much I’ve missed you!” masayang sabi ko. He’s one of the reason kung bakit gusto kong magbakasyon dito. Gusto ko ulit siyang makita. “I wait this for happen! And finally, nagkita na rin tayo! I am so happy to meet you again, Haze!” Sa sobrang saya nang nararamdaman ko ay hindi na ako nakapag-isip pa nang matino. I kissed him on the lips and he stilled. “Haze?”
He shook his head to collect himself.
“You shouldn’t do that, you know,” malamig na sabi niya.“The what?” kunot-noong tanong ko naman.
“That kiss,” he answered. Napanguso ako. “T-That’s not what I mean, please don’t get me wrong. You can kiss me but not in front of the crowd.” Kilala ko rin si Haze. Pinaka-hate niya sa lahat ay ang nakikitang umiiyak ang mga babae. Ewan ko rin kung ano ang dahilan. Mabait siyang tao, eh. Kaya iyon ang nagustuhan kong pag-uugatan niya. “L-let’s go? My parents are waiting for you at home,” nakangiting pag-aaya na niya sa akin and I can’t help too at ngumiti na rin ako. Niyakap ko ang braso niya at napatingin siya roon.
Bitbit na rin niya ang maleta ko sa isa niyang kamay. Huminga siya nang malalim saka kami nagsimulang maglakad.
This is it! Nagkita na nga talaga kami ng crush ko! At tiyak akong magiging masaya ang vacation ko sa kanila. Dahil makakasama ko na siya for real!
Mainit na klima at maingay na pagbusina ng mga sasakyan ang sumalubong sa amin paglabas namin sa airport. Mainit nga siya.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomanceHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...