Chapter 5: Brokenhearted
MASAYA akong kasalo sa dinner ang Montefalcon family. Palakuwento rin sila, iyon nga lang ay tahimik lang si Haze kahit na minsan ay sinasadya ko siyang tanungin. He just nod his head.
As I recall ay happy-go-lucky si Haze at palabiro din siya. Maingay at palaging nakangiti. Pero ngayon ay nararamdaman ko ang bigat sa dibdib niya, na parang malungkot siya at may nangyari na hindi maganda sa kaniya.
Visible iyon sa eyes niya kasi hindi ko makita ang kislap nang kasiyahan kahit na kasama pa niya ang family niya.
Kaya pagkatapos naming kumain ay balak ko sanang puntahan siya at kausapin. But before that, I approached her mother to ask something about him.
Nagpaiwan ako sa kitchen at tutulong sana to wash the dish but ayaw niya, kasi raw bisita nila ako. My Ninong wanted to help her too, pero sinabihan niya rin na mag-rest na raw lang ito sa room nila kasi pagod ito from his work.
“Ninang?” tawag ko sa aking ninang.
“Hmm?” tugon niya at mabilis niya akong sinulyapan.
Nakaupo ako sa highchair at pinagmamasdan ko lamang siya habang umiinom ako ng pineapple juice.
“May nangyari po ba kay Haze? Bakit po mukha siyang malungkot ngayon?” curious kong tanong.
“Gusto mong malaman kung ano ang nangyari sa anak ko, Avey?” tanong niya pabalik at tumango ako kahit nakatalikod siya mula sa gawi ko.
“Yes po, Ninang,” tumatangong sagot ko naman.
“My son, he is brokenhearted because his girlfriend Kreza left him for some reasons.” Sumikip ang dibdib ko sa nalaman kong nagkaroon pala ng girlfriend si Haze pero iniwan lang siya nito? Bakit naman kaya?
Brokenhearted nga siya kaya pala sobrang lungkot niya. Siguro mahal na mahal niya ang babaeng iyon kaya hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya.
“Kung ganoon po, Ninang. Saan po nagpunta ang girlfriend niya?” I asked her.
“His ex-girlfriend, she went to abroad. Ang alam ko lang, hija. May pangarap ang babae at kailangan niyang iwan ang anak ko. Kahit ayaw ni Haze ay wala naman siyang nagawa pa. He chose to let her go kaya siya ganyan. But the girl, hindi naman niya sinabi sa aking anak na hintayin siya nito kaya roon talaga nagtapos ang relasyon nila,” mahabang kuwento ni ninang. Ako ang naaawa kay Haze.
Halatang mahal na mahal niya ang babae, dahil sa mga nakikita kong emosyon niya ngayon ay malungkot siya at nasasaktan pa rin hanggan ngayon.
“Ilang taon po silang naging boyfriend and girlfriend, Ninang?” pagtatanong ko ulit. Natapos sa paghuhugas niya ng mga pinggan si ninang at lumapit siya sa akin.
“Three years, hija. Sa loob ng tatlong taon na iyon ay umiikot lang talaga ang mundo ni Haze sa babaeng minahal niya na hindi naman siya magawa nitong piliin. Kaya nasasaktan pa rin siya. Isang taon na ang nakalilipas pero parang hindi pa rin siya nakapag-move on. He loves her so much to the point na hindi na niya magawa pang maging masaya,” pahayag pa ng ninang ko. Matinding kirot sa dibdib ko ang siyang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ganoon nga talaga kamahal ni Haze ang ex-girlfriend niya dahil kahit isang taon na nga raw ang nakalilipas ay mahal na mahal pa rin niya ang babae.
Sana lang ay magawa kong matulungan si Haze upang kalimutan na rin niya ang babaeng nagbigay lang sa kaniya ng sakit sa puso niya.
“Sana po ay maitutulong ako kay Haze para makalimot siya, Ninang,” sambit ko na ikinailing niya.
“Huwag mong gamitin ang sarili mo para lang makalimot ang anak ko, Avey. Alam ko ang nararamdaman mo sa kaniya, hindi naman kita hahadlangan sa kagustuhan mo. Mabait kang bata at mapagmahal, you deserve to be loved. Hayaan mo na lamang siya. Alam kong darating ang araw ay makalilimutan pa rin niya ang dati niyang kasintahan,” nakangiting sambit niya.
Pero buo na ang desisyon ko, handa akong maging rebound ni Haze para lang makalimot siya sa unang pag-ibig niya. I think I can help him for that. Wala naman sigurong masama, ’di ba? I just want to help him.
Nabawi ko na rin ang pagod ko kanina dahil mahaba-haba rin ang oras na naitulog ko kanina. Kaya naman ay nagpasya akong tumambay sa may balkonahe nila.
Suot ko ang manipis kong bestida na komportable sa aking katawan. Nangalumbaba ako sa railing at napatingin sa magandang tanawin na nasa itaas. Napangiti ako nang makita ko rin ang magagandang bituin na kumikislap. Maliwanag din ang buwan at ang ganda talagang tingnan.
“Bakit gising ka pa, Avey?” Napapitlag naman ako nang marinig ko ang baritonong boses ni Haze at nilingon ko siya.
Simpleng puting t-shirt at itim na pajama lang ang suot niya, nakita ko iyon sa tulong ng mumunting ilaw sa balkonahe nila. Malamig ang simoy ng hangin at ang fresh niya lang.
“Naisipan ko lang ang magpahangin dito, eh,” sagot ko at muli akong tumingala. Naramdaman ko ang presensiya niyang palapit sa kinaroroonan ko at hinintay ko lang ang paglapit niya sa ’kin.
Pumuwesto rin siya na hindi kalayuan at ginaya niya rin ang ginagawa ko ngayon.
“You need to rest early, Avey,” sabi niya at napanguso ako. Lumalabas ang profession niya.
“Gusto ko pang magpahingin dito sa balkonahe na, eh. At saka hindi pa naman ako inaantok. Mahaba-haba rin ang naging tulog ko kanina,” pagdadahilan ko.
“Gusto mo bang ipagtempla kita ng gatas para makatulog ka agad?” bigla ay suggestion niya na ikinanguso ko.
“Haze, hindi naman ako bata para gatas pa ang iinumin ko. Mas bet ko pa rin naman ang kape, eh,” aniko.
“Hindi healthy ang kape na inumin, Avey at ako mismo ang nagtitimpla ng gatas para sa mga kapatid ko sa tuwing nahihirapan silang makatulog,” sabi niya. Parang kapatid din ang turing niya sa ’kin kung ganoon. Hay naku naman. “Come on. Ipagtempla kita ng gatas,” pag-aaya niya at nang hindi ako kumilos ay binalingan niya ulit ako. “What are you waiting for, Avey? Come on, let’s go.”
Lumubo ang pisngi ko at sumunod na lamang ako sa kaniya. Nagtungo nga kaming dalawa sa kitchen nila. Nakapatay na nga ang ilaw sa baba at nagpapahinga na rin ang mga kasambahay nila.
Umupo ako sa highchair at agad na nga siyang nagtimpla ng gatas. Bahala na nga. Kahit hindi ko gusto ang gatas ay iinumin ko pa rin. Besides first time niya itong ginawa.
“Haze, I heard na brokenhearted ka raw,” sabi ko at hindi na ako nahiyang sabihin iyon sa kaniya. Mabilis niya lamang akong sinulyapan at nagkibit-balikat lamang siya. “But Haze, one year na iyon but until now ay mahal mo pa rin siya?” I asked him again.
“Avey, bata ka pa para intindihin ang isang kabiguan ng isang tao,” sabi niya at napakamot naman ako sa pisngi ko. Mukha pa rin ba akong bata sa kaniyang paningin? Ayayay.
“Hindi na ako bata, ’no. 24 years old na rin kaya ako. Alam ko na ang mga bagay na ’yan,” pangangatwiran ko. Akala niya ay hindi ko kayang intindihin iyon. Eh, ako nga ay iba na rin ang nararamdaman ko para sa kaniya at wala akong balak na isantabi ito dahil gusto ko rin naman.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomanceHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...