Chapter 1: The meet-up
“HAZE, son.” Napatingin si Haze sa Daddy niya nang tawagin siya nito. Nasa living room sila at nakaupo sa magkabilang sofa.
It’s Sunday afternoon and his parents stayed at home. Ngayong araw ang restday ng parents niya from their work.
His father is an architect. Nasa mid-50’s na ito at alam niyang malapit na rin itong mag-retired at isa sa pinakamahusay na architect ang kanyang ama sa larangan nito.
He is supposed to be the heir of his father, but he chose his dream. He’s a surgeon doctor at nirespeto naman ng parents niya ang pangarap niyang maging isang doktor.
And maybe, ang nakababatang kapatid niya ang magpapatakbo ng business ng Daddy niya. Na si Euzen, nga lang ay nasa third year college pa ito at handa naman ang kapatid niyang i-handle ang company nila. Kakambal ito ni Euzel at ito naman ang susunod sa yapak ng mommy nila. Ang maging isang chef din.
Nasa grade 7 naman ang bunso nilang kapatid na si Euza at bata pa lang ito ay marunong nang magluto. Mukhang ang bunso nila ang nagmana sa Mommy nila.
Euzen? Balak din nitong mag-aral ng architecture pero priority raw nito ang business management.
“Bakit po, Dad?” tanong niya rito.
“Darating bukas ang anak ng Ninong Zerald mo at ikaw ang gusto kong sumundo sa kanya sa airport,” sabi nito sa mahinang boses.
“Anak ni Ninong? Si... I forgot his name, Dad.” Napakamot siya sa ulo niya dahil totoo talagang nakalimutan na niya ang anak ng Ninong niya.
“She’s a girl, son. Siya si Dhea Averay. Mabait na bata iyon at matalino,” nakangiting sabi nito at napangiwi siya.
“Lagot ka sa kinakapatid mo, Haze. You forgot her? Eh, ilang buwan din siyang nagbakasyon dito sa atin at magkasama pa nga kayo,” ani ng Mommy niya at sumulpot na lang ito sa usapan nilang mag-ama.
“Hey, honey.” Tumabi nang upo ang Mommy niya sa Daddy niya at hinalikan nito sa labi, saka mataman siyang tiningnan ng kanyang ina.
“Don’t look at me like that, Mom. Eh, sa nakalimutan ko talaga siya. See? Kahit gender niya ay nakalimutan ko rin,” pagdadahilan niya.
Pilit niya ring inaalala ang mukha ng anak ng Ninong niya pero hindi na niya namukhaan pa at hindi na niya maalala.
“Kailan ba ang huling nagbakasyon sila rito, Mom?” tanong niya sa Mommy niya at sumandal ito sa balikat ng Daddy niya.
Ang sweet talaga ng parents niya at isang magandang halimbawa ang mga ito, bilang best couple on this earth. Kahit may katandaan na at tatlo na ang anak ng mga ito ay nandoon pa rin ang pagmamahal ng mga ito sa isa’t isa.
At alam na alam niyang marami ring pagsubok ang nangyari sa mga ito. Lalo na ang Mommy niya na mag-isa lang siyang inalagaan simula ng pinanganak siya at umabot sa pitong taong gulang.
At madalas niya itong nakikitang umiiyak nang tahimik at sobrang nasaktan ang Mommy niya. Isa lang ang natutunan niya sa pag-ibig ng mga ito.
Trust, trust is the most important for a relationship. Hindi ka lang magmamahal, kundi tiwala. Kailangan mo ring magtiwala at dapat may tiwala kayo sa isa’t isa.
“Five years ago, Haze. Ang gandang batang iyon pero ngayon sinasabi mong nakalimutan mo na siya?” nakataas na kilay na tanong ng kanyang ina at kiming napangiti na lang siya.
“Sorry, Mom. Masyado na po kasi akong busy sa trabaho ko.”
“Why don’t you want to take a vacation, Haze?” his Dad said.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomanceHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...