Chapter 15: Paasa
NAGTATAWANAN lang ang tatlong kapatid ni Haze. Nagsasabuyan kasi sila ng tubig sa isa’t isa. Ako naman ay nakalubog na sa pool.
Si Haze naman ay nanatiling nakaupo at natatawa rin siya habang pinapanood niya ang mga ito.
“Ayaw mo bang maligo, Haze?” tanong ko sa kaniya kasi ang mga paa niya lang ang nakalubog.
Yumuko siya para tingnan ako. Hinawakan niya lang ang ulo ko. “Malamig, eh,” sagot niya lamang. Napailing ako.
“Bahala ka,” sabi ko na lamang. Kasi parang wala rin naman siya sa mood na mag-swimming. Itinaas ko ang kamay ko para sana magpaalalay sa kaniya para makaupo ako sa tabi niya.
Hindi naman siya nagdalawang-isip isip at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Akala ko nga ay iyon lang ang hahawakan niya pero naramdaman kong pati pala sa baywang ko. Kahit basang-basa ako ng tubig ay nararamdaman ko pa rin ang init na nagmumula sa kaniyang kamay.
Pagkaupo ko ay inabot niya ang towel bago niya pinatong sa magkabilang balikat ko. Inayos ko naman iyon.
“Ako naman ang maliligo,” sabi niya.
“Grabe, kanina niyaya kita ay sabi mo malamig. Tapos noong nandito na ako ay saka ka naman maliligo,” naiiling na sabi ko sa kaniya. Napasimangot pa ako.
Mahinang humalakhak lang siya at pinisil ang kanang pisngi ko bago siya tumayo. Hinubad niya ang t-shirt niya mula sa collar na nasa likod niya.
Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang magandang pangangatawan ni Haze. Talagang alaga siya sa work out niya. Hindi halatang doctor, eh.
“Come on. Join us again,” pag-aaya niya at tinanggal ko agad ang bimpo sa likod ko. Bago pa nga lang ako makalusong sa tubig ay naglahad na siya ng kamay. Napangiti ako at tinanggap ko iyon. That’s the best bonding na kasama ko ang Montefalcon siblings.
***
IN THE next day ay naka-ready na ako para sa date namin ni Haze. Whole day naman kami lalabas kaya 8 a.m pa lamang ay naghanda na rin talaga ako. I wore my purple halter dress and my white sneakers.
“Enjoy kayo sa date niyo, ha?” sabi ni Ninang Hazel. Tumango ako.
“Excited na nga po ako, Ninang,” nakangiting sabi ko. Nasa sala kami ng mansyon nila ngayon at nandito rin si Ninong Eujinn.
“Puwede pa bang i-extend ang vacation mo, hija?” tanong ng ninong ko. Umiling ako.
“Kahit gusto ko po ay hindi na puwede, Ninong. Tawag nang tawag sa akin si mommy. Miss na raw nila ako,” sagot ko at napatango naman siya.
“I can’t blame them, Avey. Nag-iisa kang anak na babae ng mga magulang mo. Kahit nga si Haze ay sinasabihan ko na kapag hindi naman kailangan ay huwag na siyang manatili pa sa condo niya. Dito muna siya hangga’t hindi pa siya ikinakasal,” pahayag naman ni Ninong Eujinn.
Nakikita ko talaga ang pagmamahal niya sa panganay nilang anak at palagi niya itong iniintindi.
“Tama ho kayo, Ninong,” tumatangong usal ko pa at napatayo ako nang makita ko na si Haze. Nakaligo na rin siya pero bakit kaya parang nagmamadali siyang bumaba mula sa hagdanan?
“Haze? Saan ka pupunta, anak?” tanong ni Ninang Hazel nang magtungo ito sa pintuan.
“May pupuntahan lang ako, Mom,” sagot niya at bago pa man siya makalabas ay tinawag ko siya.
“Haze, hindi ba may date tayo ngayon?” I asked him.
“I’m sorry, Avey. Mamaya na lang,” sagot niya lamang at nagmamadali na talaga siyang umalis.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomanceHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...