Chapter 3: Blush
I OWNED the DheAvey’s Clothing Line, business partner kami ni Kuya at siya naman ay malaking fashion show company, his DeLarkin’s Company. Si Kuya Derman ay isa ring fashionist. Well, pagdating sa mga outfits ay expert siya. Babae man o lalaki, minsan ay napagkakamalan siyang gay dahil lang doon but straight naman ang kuya ko.
Minsan ay nagiging coach siya lalo na kung may catwalk ang mga modelo niya. He’s good with that, and also dress designer din ako.
I was born on December 25, yes, a Christmas. 24 years old na ako at si Kuya ay 28 naman siya. Four years lang ang age gap namin. Napatitig ako sa naka-side view na mukha ni Haze.
Kasalukuyan na kaming lulan ng puting BMW niya at focus siya masyado sa pag-d-drive. At ako naman ay wala akong ibang ginawa kundi ang pinagmamasdan lamang siya. Tumatagal lang iyon sa mga kamay niyang maugat.
He is a surgeon doctor pero ganito ang kamay niya?
“Staring is rude, Miss,” mariin na sabi niya na mahinang ikinatawa ko. Mabilis niya akong sinulyapan.
“Hindi mo ba ako naaalala, Haze?” I asked him.
“I thought anak na lalaki ni Ninong Haze ang darating. Babae pala and yes, hindi kita naaalala,” honest na saad niya. I pouted.
“Grabe naman. May short term memory ka pala. Akala ko pa naman ay na-excite ka rin nang makita ako,” malungkot na sabi ko.
“I am sorry. I was just busy sa hospital. How old are you again?” he asked.
“I am 24 years old,” sagot ko na tinanguan niya.
“Then call me, Kuya. Four years ang tanda ko sa ’yo.” Kaedad niya lamang ang Kuya Derman ko.
“Ayaw ko nga,” tanggi ko kahit na I used to call him like that.
“You will,” giit niya and I shrugged.
“Crush kita at hindi kita puwedeng tawaging ganoon,” diretsong sabi ko na ikinahinto niya sa pagmamaneho. Muntik na akong sumubsob sa dashboard ng kotse niya. Mabuti na lamang ay may seatbelt pa ako.
“You are so honest and transparent. Seriously, Averay?” Bahagya pang tumaas ang kilay niya.
“Call me Avey, please...”
“Okay, sorry about that.” He started to maneuver his car again.
Pumasok sa isang pamilyar na subdivision ang sasakyan niya at ilang minuto lang ang nakalipas ay huminto na rin ito sa katapat ng malaking mansion. I smiled again.
I didn’t wait for him to open the door. I stepped out from his car at napatitig sa magandang mansion na nasa harapan ko ngayon.
Kinuha niya ang maleta ko sa compartment at naglahad ng kamay para mauna akong pumasok. Sumunod din naman siya sa akin at sa main door pa lamang ay nakita ko na ang pamilya na mukha ng isang magandang ginang.
“Ninang Hazel!” I called out her name at patakbong lumapit ako sa side niya. She opened her arms para salubungin din ako kaya mahigpit akong niyakap.
“Welcome back, Avey,” she said at humalik sa ibabaw ng ulo ko.
Mabait at maasikaso ang wife ni Ninong Eujinn. Magkasundo sila ni Mommy. Ang suwerte rin kasi nila sa isa’t isa. Maski si Ninong ay mabait din naman. No wonder na sa kanila magmana ang panganay nilang anak na si Haze.
“Thank you po, Ninang. Na-miss ko po kayo,” ani ko at humalik sa magkabilang cheeks niya.
“I miss you too, Avey. Tara na sa loob. Anak, Haze. Dalhin mo muna sa guest room natin ang maleta ni Avey. Pinalinis ko na iyon kahapon.” Magkahawak kamay kami ni Ninang Hazel nang pumasok sa loob ng mansion nila.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomansHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...