CHAPTER 17

152 6 0
                                    

Chapter 17: Tears & Heartbreak

NANG sumapit ang dinner ay nasa mansyon na nila si Haze at kasama na nga namin siya. Pero sobrang tahimik naman niya. Sina Ninong Eujinn at Ninang Hazel ay inoobserbahan niya lamang kami.

Pipiliin ko na lamang na ang manahimik. Hindi naman awkward kasi nag-o-open ng topic ang mga kapatid ni Haze. Tinatanong naman nila ako at nagagawa ko rin namang sagutin iyon.

“Can I talk to you later, Avey?” Finally he spoke. But hindi ko na siya tiningnan pa.

“Sure,” tipid na sagot ko lamang.

Naunang lumabas ng dining room sina Ninong, Haze, Euzel at Euza. Kami na lang ni Ninang Hazel ang naiwan kasi nag-volunteer naman kami ni Euzen na tumulong sa mommy niya.

“Sabihin mo sa akin kapag inaway ka ni Haze, Avey.” Napanguso ako.

“Kanina po sa hospital ay pinapaalis niya ako, Ninang. Nandoon din po kasi ang ex-girlfriend niya,” sumbong ko at natigilan si Euzen.

“Talaga?” chorus na tanong nilang mag-ina.

“Opo. Kaya po that day ay nagmamadali siya because it seems sinundo niya ang ex niya sa airport, Ninang, Nakatungo na lamang ang ulo ko kasi mumunting kirot ang nararamdaman ko sa aking dibdib.

Napabuntong-hininga si Ninang Hazel. “Let him be, Avey. Iiyak din iyan siya,” sabi niya at nagkatinginan kami ni Euzen. She nodded.

“I wished for that, Ate Avey. Tingnan na lang po natin.” Napangiti na lamang ako. Parang ako pa ang kinakampihan nila kaysa kay Haze.

“Sige na, hija. Puntahan mo na si Haze.” Lumabas na nga ako roon at hinanap ko si Haze. Wala siya sa living room nila kaya umakyat ako sa second floor.

Doon ko siya nadatnan sa veranda ng mansyon nila. “Haze,” tawag ko sa kaniya at mabilis siyang lumingon sa gawi ko. Mabagal ang paglalakad ko at hinarap niya agad ako. He extended his hand at nakita ko ang plane ticket. “H-Haze.” Nanginig ang labi ko.

“Go back home, Avey. I don’t want to see you hurting just because of me. You are precious to me. Please, huwag na nating gawin na komplikado ang lahat,” he said na halos makiusap na rin siya. Namasa ang mga mata ko dahil sa aking luha.

“Ang dali lang para sa ’yo na pagtabuyan ako, Haze. Ganito na lang ba? Pagkatapos mo akong paasahin?” naiiyak kong tanong.

Humakbang siya palapit sa akin at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. “Ayoko lang na makitang nasasaktan ka, Avey. It’s better like this, ang pagtabuyan ka para hindi ka na mas masaktan pa sa makikita mo.” Naiyak na lamang ako sa dibdib niya. Humigpit ko iyon lalo ngunit kalaunan ay bumitaw rin siya.

Buong gabi rin ako na halos hindi makatulog sa sama ng loob, sa sakit at lungkot. Gayunpaman, nag-impake pa rin ako ng mga gamit ko kasi alam kong wala na talaga. Talo na ako at hindi na rin puwedeng ipilit pa ang nararamdaman ko. One-sided love lang naman ito at mahirap makuha ang isang Haze na isang babae lang ang minahal.

Pero noong nasa airport na kami ay nagbago agad ang isip ko. Na parang ayaw ko nang umalis. Na mas gusto kong manatili na lamang ako sa tabi niya at bigyan na lamang niya ako ng pagkakataon na mas makasama pa siya lalo.

MAHIGPIT na yumakap ako kay Haze at ayokong iwanan niya ako rito sa airport.

“Please... Haze. I don’t want to go. D-Dito na lang ako, please? Haze...” naiiyak na sambit ko.

Ang mga luha ko ay wala nang tigil sa pagbuhos. Sumisikip ang dibdib ko at parang mariin na pinipiga ang puso ko.

“Please, Avey. Just go. This is for your own good. Masasaktan lang ako kapag nasa tabi mo ako. A-Ayokong makita ka na umiiyak, Averay. Pumasok ka na,” walang emosyon na saad ni Haze.

“H-Haze...please, huwag mo n-naman akong pagtabuyan... I want to stay with you, please... I love you.”

He removed my arms on his waist and he turned his back on me. He started to walk but I hugged him from behind.

“H-Haze, I love you! A-Ako na lang... please, a-ako na lang... ang mahalin mo. H-Huwag na si K-Kreza. ’Di ba, iniwan ka niya? A-Ako na lang Haze, ako na lang... H-Hindi k-kita iiwan dito. Mahal kita... Hajinn.”

“I love her, I waited for her so long, now she’s back. Puwede na naming ipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan, Avey,” mariin na saad niya.

“P-Paano naman ako, Haze? Paano na ako?” tanong ko at lumalakas na ang hikbi ko Kung kaya naman ay maraming mga tao ang nanonood sa amin, ramdam ko ang mga tingin nila. Halos lahat nang atensyon ng mga tao sa airport ay nasa amin na talaga.

“Avey, before Kreza you are not existing in my life. From the beginning, walang Averay ang nagmamahal sa akin and I can’t love you back. Just go, Averay. Mas masasaktan ka kung makikita mo kaming magkasama ng babaeng mahal na mahal ko.”

“M-Mahal mo ba talaga siya? K-Kahit minsan ba, Haze. M-Minahal mo ako?” punong-puno ng emosyon na tanong ko.

“I...don’t and never.” Sa sinabi niya ay bumaba ang mga braso ko pababa at binitawan ko na siya. Mariin na napapikit ako at umiyak na lang.

“Haze...” tawag ko sa kaniya. “Haze...” Hindi siya kumibo at hindi niya ako pinansin. “Haze!” sigaw ko pero naglakad na siya palabas ng airport at hindi na rin niya ako pinansin pa. “Haze! Haze! Come back here please! Haze, I love you! D-Don’t forget to remember... How much I love you!”

Napausdos na lamang ako sa sahig at humagulgol. Hinayaan ko na lamang ang mga luha kong bumuhos lang sa aking pisngi. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko.

I guessed, I don’t have any choice, but to let go at iwanan na lang ang lalaking mahal ko. Ginawa ko na nga ang lahat, nagmakaawa at umiyak mismo sa harap niya. But there’s nothing happened, mas nanaig ang kagustuhan niyang umalis na lamang ako.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ako. Humugot nang malalim na hininga at tiningnan ang pintuan ng airport kung saan hindi mo na nakita pa si Haze. Mapait na napangiti ako at nag-uunahan na namang nahulog mula sa mga mata ko ang mga luhang wala ng bukas.

“Haze, I love you so much...” I whispered and I turned my back and started to walk.

Here it is, I need to do this. i decided to let him go. I just wished for him a happy life.

Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon