Chapter 13: Meeting his Friends
PINAPANOOD ko lang si Haze nang tikman niya ang niluto kong chicken soup. Nakagat ko ang daliri ko at kinakabahan ako na baka hindi iyon masarap. Napataas pa ang isa kong kilay nang humigop na siya sa bowl. Hindi naman siya nagsalita at parang hindi pa tapos tumikhim ng luto ko.
“Ano na, Haze? Kumusta ang luto ko, hmm?” I asked him. Excited ako, eh. Napahalukipkip pa ako. Ayaw magsalita ni Haze.
“Tikman mo muna saka ko sasabihin,” aniya at inilapit niya ang spoon sa bibig ko. I taste it na lang at namilog ang mata ko. Dahil nalasahan ko ang tamang lasa ng recipe ng ninang ko.
“Masarap!” masayang bulalas ko at napangiti siya.
“No doubt na makukuha mo agad ang tamang lasa ng chicken soup. Ganito iyong luto ni mommy. Because you have a good chef,” he said at tumingin pa siya sa may pinto. Nang tingnan ko iyon ay nandoon si Ninang Hazel.
“Ninang, ang sarap po ng chicken soup ko. Para nakuha ko po agad ang recipe niyo!” sabi ko pa at napalakpak naman siya. Natutuwa rin siya.
“Sabi ko na nga ba ay makukuha mo agad. Nakikita ko kasi na fast learner ka, Avey. Tingnan ko nga at matikman din,” sabi niya at lumapit siya sa amin. Si Haze mismo ang kumuha pa ng soup saka niya ibinigay sa kaniyang ina. Napatango-tango ito nang malasahan na niya at nag-thumps up pa siya. “Magaling, puwede na. Pasado na ito sa anak ko, hija.” She glanced at him. “So, Haze? Pasado na ba ang inaanak ko?” she asked her son.
Napahawak sa batok niya si Haze at maski ako ay naghihintay na rin sa isasagot niya.
“Ano na, Haze? Aalukin mo na ba ako ng kasal? Dahil may future ako sa kusina, eh. Hindi kita gugutumin,” biro ko sa kaniya at matamis ko pa siyang nginitian. Doon siya hindi nakapagpigil at natawa na lamang siya.
“Puwede na po, Mom. Hindi na masama para sa baguhan, and Avey. Hintayin mo ang future mo na mag-propose sa ’yo ng kasal,” aniya.
“Hindi ba ikaw iyon, Haze? I have no fear sa commitment kung ikaw naman ang kasama ko,” aniko at sabay kindat sa kaniya. He just shook his head. Totoo naman ang sinabi ko.
“You’re very cute, Dhea Averay,” he said, and just like that. Bumilis ang heartbeat ko.
Hindi na ako pinatulong pa ni Haze na maghain ng lunch namin. Siya na raw ang gagawa. Palagi siyang ganito. Mas bet niya yata na nakaupo lang ako rito tapos pinapanood ko siya.
“Ikaw po, Ninang? Hindi ka po ba kakain?” tanong ko kay Ninang Hazel.
“Nasa labas din ang Ninong mo, Avey. Doon na kami kakain, sasabayan ko ang honey ko. Dito lang ba kayo, Haze? Nandoon din ang mga kaibigan mo, son. Kasama mo silang pumunta rito, tapos nandito ka lang din sa kusina.”
“Hayaan niyo po sila, Mom. Customer niyo po sila ngayon,” sagot niya sa mommy niya. Na walang balak lumabas.
“Ikaw talaga. Baka kasi hanapin ka nila. Oh, siya. Lalabas na ako. Enjoy your meal. Avey?” I nodded.
“Thanks po, Ninang. Kayo rin po,” nakangiting usal ko and then lumabas na rin siya. Umupo na rin si Haze sa tapat ko at dahil may kaliitan ang island table ay halos magkadikit na ang mga tuhod namin. “Next time ay iyong kari-kari naman ang susubukan kong iluto. Kumakain ka rin ba no’n, Haze?”
“Of course. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Lahat naman ay kinakain ko,” tumatangong sagot niya.
Inilapit niya ang bowl sa plato ko na may laman ng sabaw. “Thanks.”
Kasalukuyan na nga kaming kumakain nang may kumatok sa pinto ng kusina at bumukas agad ito. Pareho kaming napatingin doon ni Haze at si Dr. Andrey lang pala ang nandoon at may kasama pa siyang dalawang lalaki.
“Sabi ko na nga ba at sinosolo mo na si Ms. Dhea. Kasi sabi ng mommy mo ay ipinagluto ka raw ng chicken soup. Care to share us your lunch, Doc Haze?” nangingiting tanong nito. “Hello, Ms. Dhea. Nice to see you again,” he greeted me. He’s friendly.
“Just call me Avey, Dr. Andrey, at masaya rin ako na makita ka ulit,” wika ko naman at tiningnan ko pa ang kasamahan niya.
Ang guwapo rin ng dalawang ito at agaw pansin din sila masyado. Naka-formal outfit pa na halatang rich and professional.
“Hi, I’m Domein Domingo. Kaibigan ko si Haze,” pakilala niya at itinuro pa niya ito. Naglahad din siya ng kamay sa akin. Tumayo ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya.
“Dhea Averay Lacsamana,” I uttered my name at sunod naman nagpakilala ang isa.
“Psyche Chan Quraiz,” he uttered his name too. My lips parted.
“Ang unique ng name mo, Psyche. Nice meeting you two,” aniko at hindi na niya binitawan ang kamay ko.
“If you want to eat your lunch here, umupo na lang kayo at bitawan mo na ang kamay ni Avey, Psyche,” sabat naman ni Haze at ang seryoso masyado ng boses niya.
“Oh, I forgot. Ang komportable kasi ng kamay ni Avey. Ang lambot, eh,” naaaliw na sabi nito at ginalaw pa niya pareho ang aming kamay.
Tumayo si Haze at nilapitan ako. “Just sit down there,” utos pa niya at muli niya akong pinaupo saka siya tumabi sa ’kin.
“Tsk. Mag-iiwan ka na lang doon, Haze? Nandito ka lang pala kasama si Avey,” ani pa ni Dr. Andrey at tinutupi na niya ang sleeves ng damit niya.
“Wala kayong kanin, Haze? Sabaw at manok lang?” tanong naman ni Psyche at itinuro ni Haze ang rice cooker.
“Kumuha kayo roon. Amin ’to,” aniya at hinila niya palapit sa amin ang platito na may laman ng kanin.
“Ako na lang ang kukuha,” I volunteered. Hinawakan ni Haze ang kaliwang kanan ko kaya parang nakaakbay na rin siya.
“Hayaan mo sila, Avey. Malaki na sila, kaya na nila iyan,” wika niya at napailing pa si Dr. Andrey.
“Ako na nga lang. Ayaw ni Haze itusan si Avey,” pagsingit naman ni Domein.
Napako lang ang tingin ko sa paglalagay ni Haze ng ulam sa plate ko at inilagay pa niya sa aking kamay ang kobyertos.
“Don’t mind them, Avey. Let’s eat,” he told me.
“Wait natin sila,” usal ko at binalingan ko ang mga friends, I even smiled at them. “Sabay-sabay na tayong kumain. First time kong nag-cook niya,” pagbibida ko pa.
“Wow, mukhang masarap ito, ah,” komento ni Dr. Andrey.
Nang matapos nang kumuha ng kanin si Domein ay humigop pa sila ng chicken soup ko tapos halos sabay silang nag-thumps up.
“Wife material pala itong si Avey. I wonder kung may boyfriend ka na ba, Avey.” Sasagot pa lamang sana ako kay Domein nang malakas na ibinaba ni Haze ang tubig niya. Napaigtad pa ako sa gulat at nilingon ko siya.
“Ayos ka lang?” I asked him. He shook his head. “Ha, why?” Inabot ko ang panga niya.
“Tama ka nga, Andrey. Binabakuran na niya si Avey,” komento na naman ni Domein.
“Gusto ko ’yan. Gusto ko ring magpabakod sa kaniya.” Tumaas ang sulok ng mga labi nila sa sinabi ko at si Haze naman ay nagpatuloy na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomanceHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...