CHAPTER 4

131 7 2
                                    

Chapter 4: Twins

“ANO’NG nangyari sa panganay ko, hija? Nagmamadali masyado at nakita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya,” komento niya nang mapansin niya nga ang pagmamadali ng kanyang anak. Sinundan ko nang tingin ang paglalagay ni Ninang ng foods and drinks sa coffee table.

“Ewan ko nga po sa kanya, Ninang, eh.” I shrugged. Wala akong idea.

“Kain ka muna, hija. Tapos magpahinga ka. May jetlag ka pa.” Sinabayan naman ako ni Ninang Hazel.

“Thank you po rito, Ninang. Alam niyo po sa sobrang excited ko na makarating agad dito ay hindi po ako nakatulog sa biyahe,” pagkukuwento ko.

“Nah, tiyak akong babawi ang katawan mo sa pagtulog niyan mamaya. By the way, Avey. Kumusta naman ang parents mo at bakit mag-isa ka lang ang nagbakasyon dito?” mayamaya ay tanong niya.

Paano makakasama ang family ko, eh sa desisyon kong mag-isa ito?

“Okay lang po sila, Ninang. This is my plan po na mag-vacation sa inyo. Wala pa po sa plano nina Mommy at Daddy,” sagot ko.

“Sana ay maisipan din nila. Matagal-tagal na rin noong huli kayong nagbakasyon na buong pamilya. Naka-m-miss ang family bonding natin, Avey.”

“Kaya nga po,” ani ko. Nagkuwentuhan lamang kami ni Ninang Hazel hanggang sa ihatid niya ako sa guest room.

Pagpasok ko sa loob ay sa bed agad ang bagsak ko. Hinubad ko lang ang slippers na suot ko at padapa akong tumalon sa kama. Sa sobrang lambot nito ay nag-bounch pa ang katawan ko.

“Nasa baba lamang ako, Avey. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiya sa akin.”

“Wala po kayong pasok today, Ninang?” tanong ko at sumilip ako mula sa balikat ko. Nasa pintuan pa kasi siya.

“Mayroon, hija. But I chose to stay at home para salubungin ka sa pagdating mo. Para may kasama ka naman dito. Nasa school pareho ang kambal at ang bunso ko. Ang Ninong mo at so Haze ay nasa trabaho naman nila,” she said. Ang bait-bait niya talaga. Hindi siya pumasok para lang salubungin niya ako.

“Thank you po.”

“Rest for now, Avey.” I nodded and closed my eyes.

Nakatulog naman ako at naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Tinatamad akong bumangon.

“M-Mom, ikaw po ba ’yan?” inaantok kong tanong at umayos ako nang higa. Kumunot ang noo ko sa pagmulat ko ay dilim lang ang makikita ko. Bigla naman akong nakaramdam nang takot. “Mom! What happened to my eyes?! Bakit wala akong makita?!” natatarantang sigaw ko at napabalikwas ako nang bangon. Dahil sa comforter ko na na-stuck sa paa ko ay bigla akong nahulog sa kama.

Napaigik ako sa sakit dahil sa malakas na pagbasak ko. Malakas na bumukas ang pintuan at nakarinig pa ako nang malutong na pagmura mula roon. Nabuksan naman ang ilaw at doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Akala ko pa naman ay nabulag na ako!

Bigla namang umangat pataas ang katawan ko at may bumuhat sa akin. Nagtatakang tiningnan ko ang lalaki. Maingat niya akong ibinaba sa kama at umupo rin siya sa gilid nito.

“Are you alright?” nag-aalalang tanong nito at sinuri ang magkabilang braso ko pataas sa mukha ko. My eyes widened in shocked when I saw him.

Right! Nasa Philippines pala ako at pinili ko ang magbakasyon dito sa Montefalcon family. Hala, nakalimutan ko!

“I’m fine, Haze. Thank you.” Marahan kong binawi ang braso kong hawak niya. Matamis na nginitian ko siya.

“Bakit ka nahulog?” salubong ang kilay na tanong niya.

Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon