CHAPTER 18

173 7 0
                                    

Chapter 18: Confessions

HALOS mawalan ako nang balanse dahil sa panginginig ng mga binti ko. Ang sikip-sikip pa rin ng dibdib ko at ayaw talagang tumigil ang mga luha ko.

Ganito naman pala talaga kasakit ang magmahal. Iyong pinaasa ka lang sa una at akala mo ay masusuklian din ang pagmamahal na iyon. Pero uuwi ka rin pala na talunan at nasasaktan.

Tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi kaya mabilis kong pinunasan iyon. Pumila na rin ako at mahigpit pa ang hawak ko sa passport ko pati na sa plane ticket ko.

You can do this, Avey. Magagawa mo naman siyang kalimutan agad, ’di ba?

I did everything I can para lang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko at panay ang paghinga ko nang malalim.

Nang aabutin ko na sana sa babae ang passport ko nang may mabilis na kamay ang umagaw niyon at kasabay nang paghawak nito sa aking kamay. Nagulat ako at lilingunin ko pa sana iyon nang hinila na ako nito palayo roon. Nabitawan ko ang hawak kong maleta dahil siya na ang bumitbit niyon.

Tila bumagal ang oras nang dahan-dahan kong nilingon ang lalaking humihila ngayon sa ’kin palabas ng airport.

“H-Haze?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Lumipat sa baywang ko ang braso niya at siya ang umalalay sa akin. Naguguluhan ako na kung bakit binalikan niya ako rito.
Nagpatianod lamang ako hanggang sa makarating kami sa parking space. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit gulong-gulo ako sa pangyayaring iyon ay hindi na lamang ako kumibo pa. Mabilis din siyang nakasakay at pinaharurot na niya ang kotse niya. “Haze, s-saan mo ako dadalhin?” namamaos ang boses na tanong ko sa kaniya at sumisinok pa ako. Masakit nga ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko kanina at magang-maga ang mga mata ko.

Pinahinto niya ang sasakyan niya sa tabi ng isang café at humugot nang malalim na hininga.

“I’m sorry, Avey. Dàmn it,” he said. Tinanggal niya ang seatbelt sa katawan niya at nagulat din ako sa biglaan niyang pagyakap.

“Haze, ang flight ko. M-Ma-li-late na ako,” sabi ko. Humigpit lalo ang pagyakap niya. Na halos mapisi na ako.

“No, hindi ka na aalis. Dito ka na lang. I’m sorry. Fvck, I’m so sorry, Avey.” Natulala ako nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig niya at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. “I’m sorry, baby. H-Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya na mawala ka.”

Hindi ko maintindihan si Haze. Kanina lang ay hinatid pa niya ako sa airport para tuluyan na akong makaalis at makabalik sa pinanggalingan ko.

Atat na atat siyang paalisin ako pero bakit ngayon ay ayaw na naman niya akong umalis? At ano naman itong pinagsasabi niya na hindi niya kaya?

“Haze, a-ano. . . Ano ang ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ko kay Haze. Gulong-gulo ang isip ko at ayaw magproseso nito.

“I love you.” Umawang ang labi ko sa gulat. Parang namanhid ang batok ko at ang lakas-lakas nang kabog sa aking dibdib.

“P-Pinagloloko mo lang ba ako, Haze? Dahil hindi ako natutuwa! Don’t play with my feelings please! Pagkatapos mo akong saktan at pagtabuyan!” umiiyak na sigaw ko at malakas na pinalo ko ang balikat niya. Pinagtulakan ko na rin siya dahil talagang hindi ako natutuwa sa kaniya.

“I’m sorry, Averay. Akala ko kasi ay wala lang ito. Na wala lang itong nararamdaman ko para sa ’yo.” Naghahalo-halo ang emosyon ko, ang sakit, inis at galit sa kaniya.

Kahit narinig ko na ang sinabi niya na mahal niya ako ay hindi ko magawang maging masaya. I feel like pinaglalaruan niya lamang ako.

“You’re such a fvcking liar, Haze! After what you did to me?! May pahatid-hatid ka pa sa akin sa airport tapos babalik ka pa roon para lang pigilan ako sa pag-alis? Hindi ba excited ka masyado na makaalis na rin ako rito? Kaya bakit?! Bakit sinasabi mo ’yan sa ’kin lahat, Haze?” umiiyak pa rin na tanong ko at pinagbabayo ko na ang likuran niya.

Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon