Chapter 9: Holding hands
AFTER our lunch ay sila pa ring dalawa ang nagligpit ng pinagkainan namin at ako ay prenteng nakaupo lang sa couch. Ako na kasi ang gagawa pero hindi nila ako hinayaan, eh. Sila na raw dahil kaya naman daw nila.
Nakatutuwa lang kasi may mga lalaking katulad pa sa mundong ito. Na napaka-gentleman nila at ginagawa nila ang simpleng trabaho lang naman.
“Ang sarap talaga ng luto ni Tita Hazel. Ang dami kong nakain at busog na busog ako,” narinig kong komento ni Dr. Andrey.
Tama siya, masarap naman talagang magluto ang ninang ko. Isa na nga ito sa nakilala ko na pinaka-the best chef dito sa Philippines at proud ako na naging ninang ko siya.
Magkaibigan din kasi si Ninong Eujinn at daddy ko kaya sila rin ang naging ninong at ninang ko.
“You’re right,” sabat ko naman.
“Magaling din itong si Doc Haze magluto. No wonder na nagmana nga rin siya sa mommy niya,” sabi naman niya at napatingin ako kay Haze.
Kumunot lang ang noo ni Haze na ikinailing ko. “Hindi pa ako nakatikim ng luto mo, Haze. Iyong gatas lang ang tinimpla mo para sa akin. Ipagluto mo ako kung may oras ka, ha?” munting hiling ko at binalingan niya ako.
Nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at dahan-dahan siyang tumango. Nang matamis akong ngumiti sa kaniya ay tila nahawa naman siya. Si Dr. Andrey naman ay napailing-iling sa nakita niyang reaction nito. He even licked his lower lip at parang may nakita siya na interesanteng bagay. Base pa lamang kasi sa mga mata niya na namamangha.
“Ngayon lang uli kita nakita na ngumiti ng ganyan, Doc Haze, ah. Simula nang maghiwalay kayo ng ex mo,” puna nito and expected na susungitan na naman siya ni Haze.
“Shut up,” Haze blurted out. I chuckled. Baka rin ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa ex-girlfriend niya pero masaya naman ako para sa kaniya.
Na kung totoo rin ang sinabi ni Dr. Andrey. Napapansin ko rin talaga ito na bihira kung ngumiti. Akala mo naman ay napakamahal pa at kailangan pang bilhin ang mga ngiti niya.
“Psh. Oh siya, iiwan ko na kayo roon. May operasyon pa ako mamayang 2 p.m and I need to prepare. See you later, Miss Dhea. Thank you sa pagsabay sa akin ng lunch,” sabi ni Dr. Andrey at tumayo. Kumaway pa siya sa akin nang nasa pintuan na siya.
“You’re welcome, and goodluck sa surgery mo later,” sabi ko naman at kumindat lang siya bago siya lumabas ng clinic ni Haze.
“Come on, Avey. Ihahatid na rin kita pabalik sa resto ni mommy. May appointment din ako sa isa kong pasyente later. Baka kasi hindi kita maihatid agad,” sabi naman ni Haze at naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at hindi ko na pinansin pa ang boltahe ng kuryente na parang nagmumula iyon sa palad niya.
Itinayo niya ako gamit lang ang paghila niya sa aking kamay. Ngumiti pa ako sa kaniya bago niya iyon binitawan. Sumenyas siya na mauna nang lumabas.
Since hinubad na niya kanina ang lab gown niya ay muli niya ngang isinuot iyon, pati na ang susi niya ay kinuha na rin niya sa table niya saka siya mabilis na sumunod sa ’kin.
Sumakay kami ng elevator at kitang-kita ko ang sarili kong nakasuot ng uniporme ng restaurant ng ninang ko. Parang salamin kasi ang pintuan ng elevator, eh. Siya naman ay nakasuot ng uniporme niya bilang doctor. Kapag umuuwi siya ay hinuhubad naman niya iyon agad. Pero kapag siguro late na ay nagsusuot na agad siya niyon.
“Haze, bagay ba sa akin ang uniform ko?” pagbibidang tanong ko sa kaniya. Hawak niya sa isang kamay niya ang paperbag na dala ko kanina.
“Yes, you looks like an intern. Isang intern ni mommy sa restaurant niya at mukha ka ring estudyante,” komento niya at napangiti ako.
“Talaga lang, ha?”
“Hindi ba nakapapagod mag-part time roon? Maraming customer, eh.” Tumango ako.
“Enjoy naman siya. Mababait ang staff, tapos masarap pang magluto ang chef owner ng Nanay’s resto,” nakangiting sambit ko at hinawakan niya ang ulo ko. Marahan na tinapik niya iyon. Parang bata naman ako kung hawakan niya ako nang ganoon. But okay lang naman.
“I hope na ma-enjoy mo ang bakasyon mo rito sa amin bago ka umuwi sa inyo,” wika niya. I nodded.
“Mas mai-enjoy ko rin kapag inaya mo akong mag-date, Haze. Gusto ko iyong romantic date, ha?” aniko at napahalakhak na lamang siya kasi may request pa ako.
“Ako na yata ang inaaya mong mag-date, Avey,” he said.
“Puwede rin naman. Puwede ba kitang i-date, Haze?” tanong ko at ang akala niya at joke ko lang iyon kasi tinawanan niya lang talaga. Totoong gusto ko siyang maka-date, eh. Ayaw niya lang seryosuhin.
Bumukas ang elevator at pinauna na naman niya sa paglabas kaya naman nang sabayan niya ako sa paglalakad ay humawak ako sa kanang kamay niya. Clingy talaga ako kapag komportable ako sa isang tao. Lalo na kung si Haze na gustong-gusto ko.
Natigilan pa siya pero agad din siyang nakabawi. Mula sa pagkakahawak niyon ay pinagsiklop niya ang mga daliri ko. Iyong heartbeat ko tuloy ay hindi na naman siya mapakali.
Hindi na tuloy mabura-bura ang mga ngiti ko sa labi at parang dinuduyan ako sa alapaap. Kay sarap ng feelings ng ka-holding hands mo ang crush, mo ’di ba?
Pagdating naman sa parking lot ay pinatunog pa niya ang sasakyan niya bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Sumakay na rin naman ako at saka niya lang ibinigay ang paperbag ko.
“Mabuti at hindi ka naligaw noong pumunta ka rito sa hospital, Avey,” sabi pa niya.
“Nag-taxi kasi ako, that’s why.” I shrugged my shoulders. Umikot na rin naman siya sa driver’s seat para makaalis na rin kami.
“Fastened your seatbelt, Avey,” paalala niya at nakalimutan kong ikabit iyon sa katawan ko.
“Opo,” sagot ko at napailing na naman siya.
BINABASA MO ANG
Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)
RomanceHajinn Montefalcon is a surgeon doctor, he's so kind and a carrying type of guy. A dream guy of women, he's soft and sweet. He cares people, even though he didn't know them. Of course, he's a doctor that's the reason why he is cared them and besides...