CHAPTER 16

193 5 0
                                    

Chapter 16: Pagtatampo

“TATAWAG ako sa bahay para sunduin ka rito, Avey,” sabi niya at muli kong pinunasan ang luha ko sa aking pisngi. Pinapauwi na niya ako agad. Gayong kadarating ko lang.

Kung sabagay, hindi naman ako magtatagal pa rito kung alam kong kasama niya ang ex-girlfriend niya. Na mukhang nagkabalikan na talaga sila.

“Haze, I love you,” I uttered at bigla siyang napahinto. Ilang sandali siyang nawalan nang imik.

I stood up at hinawakan ko siya sa braso niya. Mabilis niyang binawi iyon. Ayaw na niyang magpahawak pa. Nagbago na agad siya nang makabalik ang matagal na niyang minamahal.

“Haze? What’s going on here?” pagsingit na tanong naman ng babae.

“Just get inside, Kreza. Nag-uusap pa kami,” malamig na utos niya rito. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga nito at nagsara na ulit ang pinto. “Whatever. Pakibilisan mo lang diyan. Huwag mo akong paghintayin dito nang matagal.” Pumintig ang sentido ko sa sinabi nito.

“Hindi ba ngayon ang huling araw ng bakasyon mo, Avey?” Naibalik ko ang atensyon ko kay Haze nang magsalita na naman siya at matapang na sinalubong ko lang ang tingin niya. Napahakbang siya palapit sa ’kin at hinawakan niya ang pisngi ko. “Magpapa-book ako ng plane ticket mo para makauwi ka na sa Europe, Avey.” Naiyak lang ako sa sinabi niya.

Gagawa talaga siya nang paraan para lang makabalik na ako sa amin. Siya ang bibili ng plane ticket ko at gusto niyang maaga na akong makaalis. Excited siyang makaalis na rin ako sa buhay niya.

“Pinapaalis mo na agad ako, Haze. Ang bad mo naman. Pagkatapos mo akong hindi siputin ay ganito na lang? Pagtatabuyan mo na agad ako?” may hinanakit na sumbat ko sa kaniya. Napakasama niya talaga.

“I can’t promise you for that, Avey. I’m sorry. Let’s go. Ako na lang ang maghahatid sa ’yo pauwi.” Nang hawakan niya ang kamay ko ay marahas na tinanggal ko iyon. Humakbang din ako paatras.

“Ako na lang ang uuwing mag-isa. Salamat na lang, Haze,” walang emosyon na sabi ko at nagmamadali na akong nagtungo sa elevator.

“Avey!” sigaw niya sa pangalan ko. Naabutan pa rin ni Haze ang elevator.  “I’ll take you home, Avey.” I didn’t say anything at yumuko lamang ako. “Avey.” Mariin ko lang pinisil ang kamay ko.

“Please, huwag ka munang magsalita, Haze,” aniko at napabuntong-hininga ako.

Sa pagbukas ng elevator ay bumungad naman sa amin ang kaibigan niyang si Dr. Andrey. Tipid na ngumiti ako rito bago ko siya nilampasan. Mabilis namang sumunod sa akin si Haze. Hinawakan niya ang siko ko at iginiya niya ako sa kung saan.

Pumara siya ng taxi at binuksan ang pinto sa backseat. “I forgot my key. Mag-taxi na lang tayo,” aniya.

“Kaya ko namang umuwi nang mag-isa. Bumalik ka lang doon. There is someone waiting for you,” malamig na sabi ko at isasara ko pa lamang ito nang pinigilan na niya. “Haze, ano ba?!” naiinis na sigaw ko dahil binuhat niya ako para lang ilipat sa kabila. Puwede naman siyang umikot at doon sumakay, eh.

Sinabi niya ang address ng subdivision nila at habang lulan na kami ng sasakyan ay hindi ko na siya kinibo pa. Until nakarating lang kami roon ay wala pa rin akong kibo.

Nagulat naman ako nang madatnan ko roon si Ninang Hazel. Akala ko ay nasa resto siya. Nasa bahay lang pala siya. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Sa room lang po ako, Ninang,” paalam ko at tumango siya.

“Bakit ngayon ka lang umuwi, Hajinn? Kailangan pa talaga ni Avey na puntahan ka para makauwi ka na rin dito?” tanong ng ninang ko at nagmamadali na akong umakyat sa hagdanan.

“I’m sorry, Mom.”

***

ITINAPON ko lang ang handbag ko sa kama at padapang humiga. Naiiyak pa rin ako. May posibilidad nga na dumating ang babaeng iyon sa araw sana ng date namin at kaya siya nagmamadaling. Baka rin sinundo niya ito.

Tapos doon sa clinic niya ay curious ako kung ano ba talaga ang ginawa nila roon. Na kung bakit nag-aayos pa lamang ng butones nito ang babaeng iyon? May ginawa kaya sila roon?

Napahawak ako sa dibdib ko. Sumikip ito nang husto. Naisubsob ko ang mukha ko sa kama at mariin na pumikit. I need to call my mom to comfort me.

Inabot ko ang bag ko at inilabas ang cell phone ko. I called my mother. Ilang ring lang ang narinig ko from the other line ay sinagot na agad ni mommy ang tawag ko.

“Mom, I have big problem,” agad na sabi ko.

“Hello to you too, darling.” I chuckled.

“Hi, Mom. I miss you,” sabi ko at tumihaya ako. Tumingin ako sa kisame ng kuwartong tinutulugan ko.

“Umuwi ka na, anak. Two weeks ka na rin diyan. Gusto mo yatang mag-extend pa ng one week sa vacation mo,” aniya.

“Ganoon na nga po, Mommy,” aniko at nakarinig ako nang malalim na paghinga sa kabilang linya.

“Avey, you promised us na two weeks ka lang diyan. Nami-miss ka na namin, anak. Gusto mo bang ipasundo na lang kita riyan sa kuya mo?” Napailing ako.

“Uuwi naman po ako, Mommy. Nagkaroon lang po ang problema dahil kay Haze,” pahayag ko sa aking ina.

“Gusto ko bang gawan namin ng paraan ng daddy mo ang problema mo, Avey?”

“No, Mom. I can handle po, and besides ayoko pong mamilit. I just want to try my luck. In this war, Mom. Mukhang talo na po agad ako,” aniko.

“Just go home, darling. Wala kami riyan para i-comfort ka. Avey, kilala kita. Alam ko na alam mo na rin ang limistasyon mo. Huwag mong ipilit ang isang bagay na hindi naman dapat at hindi puwede. Umuwi ka na lang, please.”

“Ayaw ko pa, Mommy. Bigyan niyo pa ho ako nang sapat na oras. Promise, hindi na po ako magtatagal pa rito,” sabi ko pa para hindi na ako pilitin pa ni mommy na umuwi na. Gusto ko pang mag-stay rito nang ilang mga araw.

Gusto ko pang makausap ulit si Haze at ipilit pa ang gusto ko. Ngunit paano nga ba kung nandiyan na ang ex niya? Iyon na naman ang makikita niya at alam ko rin na balewala na naman ako.

Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon