CHAPTER 24

91 11 2
                                    

Chapter 24: First priority

“WHAT if dumating si Nero? Tapos mas gusto kong kasa—” Hindi ko natapos ang pangungusap ko nang kinabig niya ang batok ko. Nanlaki ang aking mga mata nang mariin niyang inangkin ang mga labi ko.

Ito ang unang beses na hinalikan niya ako gayong wala pa akong naaalala tungkol sa kaniya. Nakagugulat pero pamilyar sa akin ang bawat paggalaw ng kaniyang labi at napakatamis nito na parang kumain siya ng prutas.

Parang malulunod ako sa sarap ng sensasyon na ito habang hinahalikan niya ako, ginagalugad ang panlasa ko gamit ang dila niya. Nalukot ko ang damit niya sa sobrang higpit nang kapit ko sa kaniya.

Nang pinakawalan niya ang labi ko ay kumalat ang init sa pisngi ko. Habol-habol ko ang hininga ko at namumungay ang mga mata ko.

Mariin na dumikit ang labi niya sa noo ko at magaan niya akong niyakap.  Humilig lang ako sa dibdib niya, dinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang nagugustuhan kong pakinggan ito nang paulit-ulit.

“I love you, Avey,” he whispered. Hindi ko na nga namalayan na nakangiti na rin pala ako.

Bakit ang saya-saya ko? Napakasaya ko dahil mayroon na nga akong guwapong boyfriend, mabait pa at mahal na mahal ako.

“I’m sorry, kung hindi pa kita naaalala,” mahinang sambit ko. Hinaplos niya lang ang buhok ko.

“Alam kong mahirap itong sitwasyon mo. Ayokong madaliin ka, Avey. Maghihintay ako kung kailan mo ako maaalala pero sa tingin ko. Sapat na sa akin ang ganito, kahit hindi mo ako naaalala ay basta kasama kita. Basta nasa tabi mo lang ako palagi,” aniya na may lambing sa tono ng boses niya. Napangiti lang ulit ako sa dibdib niya.

But I don’t want it, magiging unfair ako sa kaniya kapag hindi ko siya maalala at kailangan ay mayroon din akong idea sa past namin. Gusto kong maalala siya, iyong first meeting namin. Kung paanong naging kami.

“Gusto kitang maalala, Haze,” sambit ko. Pinisil niya ang pisngi ko.

“No pressure, baby,” he said and I nod my head. Basta gusto ko pa rin maalala ang nakaraan namin. Parte siya ng alaalang nakalimutan ko dahil sa aksidente.

Sa tingin ko rin ay kaya akong hintayin ni Haze, sobrang bait at pasensiyoso soya. Ganito ang ugali sa lalaki ang gusto ko. Mabait, maalalahanin at mapagmahal din.

“Basta huwag mo akong sukuan agad, ha?” parang batang tanong ko sa kaniya.

“Mahal kita at hindi kita susukuan agad-agad,” usal niya at hinalikan niya ako uli sa aking noo. Yes, I can feel it. Ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Ramdam na ramdam ko.

***

“HOW are you feeling, Avey?” tanong ng aking kuya nang bumisita na naman siya. Dala-dala niya ang punpon ng bulaklak saka niya ito ibinigay sa ’kin.

Humalik pa siya sa pisngi ko. “I’m good na, Kuya. Nag-a-adjust pa rin ako kasi feeling ko ay teenager pa rin ako,” sagot ko at napanguso pa ako.

Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan niya ang mukha ko. Ako naman ay inamoy-amoy ko ang bulaklak.

“Ang importante ngayon ay maayos ka na. Huwag mo munang i-pressure ang sarili mo na makaalala,” habilin niya na ikinatango ko naman.

Napatingin naman siya sa pinto ng banyo nang bumukas ito. Lumabas doon si Haze na bagong ligo pa. Puting v-neck shirt ang suot niya at maong na pantalon naman pababa. Kinukuskos niya ng tuwalya niya ang kaniyang buhok.

“Hey,” usal niya nang makita naman niya ang kapatid ko.

“Bakit hindi ka muna umuwi sa bahay, Haze?” tanong naman ni Kuya Derman. Lumapit sa amin ang lalaki—I mean si Haze. Umupo siya sa tool na nasa gilid lang ng kama.

“Nasa Pilipinas ang bahay ko. Hindi ko afford ang umuwi agad,” sagot nito.

“Silly. Doon sa bahay namin. Simula nang ma-confine ang kapatid ko sa hospital ay nanatili ka lang dito para bantayan siya. Hindi komportable ang matulog dito na wala ring kama at nakaupo ka lang. Kahit may sofa at extra bed diyan ay hindi ka naman diyan humihiga.” Umawang ang labi ko sa narinig. Shock naman ito.

“Hindi ko kaya iyon, Derman. Ang maging komportable sa pagtulog gayong hindi pa okay ang kapatid mo. I can’t sleep thinking about her na wala pa ring malay.” Parang may humaplos na malambot na kamay sa aking dibdib. Bumilis din ang tibok ng puso ko. 

Lalo lang nagwala nang tumingin ito sa akin. Ngumiti pa siya, na agad kong ginantihan. Kung tutuusin ay parang estranghero lang siya pero komportable pa rin naman ako sa presensiya niya, dahil pamilyar na pamilyar ang pakiramdam na iyon. Just maybe na hindi ako mahihirapan na maalala siya.

“Oh, yeah. Lovesick boy,” my big brother uttered and I chuckled. “Bakit mo ako tinatawanan, ha? You don’t have any idea kung gaano kami nag-alala sa iyo. Hindi ka nag-iingat.” Mahinang kinurot ni kuya ang kanang pisngi ko.

“Aba, malay ko nga ba, Kuya? Unconscious pa kaya ako,” nakangusong sabi ko.

“Tsk. Aalis na ako, dumaan lang ako ngayon para kumustahin ka.”

“Bukas ay puwede na siyang ma-discharge,” sabi ni Haze.

“How about her treatment?” he asked him.

“Nagbigay na ng schedule ang doctor niya.”

“Tapos sasamahan mo siya sa hospital? Haze, abala ka rin naman. Hindi puwedeng nasa tabi ka palagi ng kapatid ko gayong may sarili ka ring buhay. Ang career mo sa Pilipinas. Nandito naman kami, sasamahan namin si Avey sa therapy niya.” Tila may gumuhit na kirot sa aking dibdib nang marinig iyon kay kuya.

Tama naman siya, hindi porket boyfriend ko si Haze ay sa akin na lang iikot ang buhay niya. Doctor siya, higit na kailangan siya sa trabaho niya. Ako, nandito naman ang pamilya ko.

“Derman, I’m a doctor. Mahal ko ang kapatid mo. Sa tingin mo ba ay kaya kong bumalik sa Pilipinas, eh hindi pa magaling si Avey? And besides she’s my girlfriend. Hindi siya abala sa akin. Sasamahan ko siya at mananatili ako sa tabi niya, hangga’t maging maayos na rin ang kalagayan niya. Kung puwede ko nga lang siyang isama pauwi at doon ipagagamot ay ginawa ko na sana. Pero alam kong wala pa naman akong karapatan na gawin iyon. May pamilya pa siya,” mahabang pahayag niya.

Naantig ang puso ko. Makikita talaga sa kaniya ang kabutihan niya. Napakasuwerte ko naman pala talaga sa kaniya. Mayroon yata akong ginawang kabutihan sa past life ko kaya biniyayaan ako ng pinakamabait na boyfriend ngayon.

“Bahala ka na nga. Buhay mo iyan. Bahala kang magpakabaliw sa kapatid ko.”

“Kuya,” mariin na tawag ko sa kaniya. Tumayo na rin siya at inilingan ako.

“Aalis na ako, ang baliw mong boyfriend na ang bahala sa iyo.” I glared at him.

“Hindi naman po baliw ang boyfriend ko, Kuya!” sigaw ko at talagang pinagtatanggol ko si Haze. Narinig ko pa ang masayang tawa nito.

“O, hindi na. Aalis na nga ako,” paalam pa niya at sinundan ko na lamang siya nang tingin. Hanggang sa lumapit na rin sa akin si Haze.

Hinawakan niya ang kamay ko na pinaghawak ko sa bulaklak na bigay ni kuya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

“I’ll stay with you no matter what. Hindi ko uunahin ang career ko, ikaw ang first priority ko. Ikaw muna bago ang lahat,” saad niya. Hayan na naman ang nagwawala kong puso. Ganito talaga ito kapag kasama ko na ang boyfriend ko. Napasuwerte ko naman talaga.

“Thank you, Haze” I said to him and cupped his jaw. “Babawi ako sa iyo.” I kissed his cheek.

Sumiksik naman siya sa leeg ko, paborito niyang gawin ito. Mabuti na lamang ay tinulungan ako kanina ni mommy na maligo. Dahil kung hindi ay ewan ko na lang talaga. Baka ma-turn off na siya at hindi na niya magustuhan pa ang amoy ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Forget to Remember (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon