HOT RAINY DAY
--FLASH BACK— (let us go back to when where how they met)
Tik tak tik tak tik tak........
...
...
Nakatitig lang sa orasan si Dennise habang nilalaro ng kanang kamay niya ang kanyang high lighter. Nag-aaral dapat siya ngayon. Kaya nga nasa harapan niya ang makapal na libro na sana ay inaaral niya. Isang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang pasukan nila at boom, sunod-sunod agad ang pagbibigay ng quizzes at exams ng mga profs nila. Linggo ngayon at study time daw.
...
... " Focus den baby. Mag focus ka pls?!" sabi ng munting tinig sa isipan ni Dennise.
At hindi na napigilan ni Den ang pagkabagot at katahimikan sa buong bahay na tinutuluyan niya.
" Aalsdjvlaskjdclvasioehc;laiscglaise!!!!! Aaaaaghhhhh!!!! Uurergghsdcjsdkj!!!!!" sigaw ni Den na parang baliw at hingal na tumigil at pinakinggan ang paligid.
...
"uuurgggh," napa-facepalm na lang si Den. " i'm friggin bored. Fooooooodd!!!"
At napaisip siya bigla. "woah. Di ba ngayon daw dadating yong isa pang housemate ko? Nabanggit sakin ni Manang Feli yon ah. Bat wala pa siya?! Ang tahimik dito! Dumating ka na please?! ehurmm! Ok den..? please lang ha? Mag-aral ka na. Ang haba pa ng babasahin at aaralin mo."
Magsisimula na sana si siya sa pag-aaral nang mapansin niya na lunch time na pala at naramdaman niya ang gutom. Kaya napagpasiyahan na lang niya na kumain muna sa labas.
Tumingala siya sa langit pagkalabas niyang bahay at napakunot ang nuo nang mapansin na maulap pero ang init pa rin. Yong para bang uulan pero sikat pa rin ang araw. Ang init tuloy, walang hangin at sikat ang araw.
"seriously? Bat ang init ngayon? Aaish. Siguro HOT NA HOT lang talaga ako kaya pati mundo nag-iinit na rin. Aishh hot chix probs. Haha."
At umangkas na siya sa bike niya, walang helmet kase pasaway siya, at nagtungo sa kung saang kainan na natipuhan niya.
------
Sa kabilang dako naman, abala sa paglalakad habang hinahanap ang isang bahay si Aly. Akay niya ang kanyang bike na sakay ang kanyang maleta, t-square, tracing tube, triangles at iba pa niyang mga gamit. Ramdam na rin niya ang pananakit ng kanyang likod dala ng malaki at mabigat niya bag na laman ang kanyang mga damit at iba pang gamit. Hawak din ng kanyang kanang kamay ang isang papel na may nkasulat na address ng bahay na tutuluyan habang siya'y mag-aaral. Ang init pa naman. Buti na lang nakasumbrero siya pero ramdam na ramdam pa rin niya ang init at pawis na pawis na siya.
"urgh. Ano ba Ly? Mga dalawang oras ka nang nghahanap ah? Tsk."
Tumunog naman ang tiyan niya, sinyales na gutom na ang mga alaga niya.(wiw haha)
"urrggggghh.. what a fishin great day..now i'm starving. Where the hemssshh is that fishin rental house?! LawegflajsedgckjaHGSDCKSA!"
Pero kahit anong pasigaw-sigaw pa ang gawin ng isipan ni Aly, wala siyang magagawa kung di hanapin ang tutuluyan niya. Pagod na siya at marami pa siyang gagawin na plates.
Mga 30 mins pa siguro ang nakalipas pero mukhang nagsimula nang umambon.
Napabulong na lang si Aly. "ooh sshhh....sshrimp." Patingin-tingin siya sa mga nadadaanan niya pero wala siyang makitang shed man lang na pwedeng silungan. No choice. Mabilis siyang nagpatuloy siya sa paglalakad habang papalakas nang papalakas ang ulan.
---------
Tapos na si Den sa pagkain at nagpasiyang umuwi na at mag-aral. Busog na eh kaya inspired ng kunti.
Malapit-lapit na siya sa bahay ng umambon kaya binilisan niya ang pagmamaniho ng bike niya. Habang mabilis na nagmamaniho dahil sa papalakas ang ulan may nahagip ang kanyang mga mata sa gilid ng daan. Nakita niya ang isang babae na nakasumbrero, may akay na bike, madami itong dala at basa na.
Parang napahina niya nang kunti ang pagpapadyak habang tinititigan ang naglalakad na matangkad na babae o baka naman... nagslow-mo?
Pero dahil nagmamadali siya. Dumiretso na siya sa bahay na tinutuluyan niya.
At nakarating siya na basa na rin. Sinilong niya muna ang bike niya sa front porch ng bahay at pumasok na siya. Dali-dali siyang uminom ng tubig.Hinubad na niya ang kanyang mga damit pati na rin ang panloob na damit dahil nabasa rin ang mga ito. Pinapatuyo niya ang kanyang buhok gamit ang tuwalya ng marinig niya ang malakas na katok na nanggagaling sa main door ng bahay.
Magbibihis na sana siya pero mukhang di na makahintay ang taong kumakatok kaya binalot muna niya ng tuwalya ang katawan niya. Naisip niya na baka yong housemate niya ang kumakatok kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto upang pagbuksan ang bisita, suot lamang ang tuwalya.
" Babae naman ang housemate ko kaya pwede na tong tuwalya na suot ko. Haha."
" Wait! Andito na! Sandali lang!" sabi ni Den habang nagmamadali papuntang pintuan. Nakapinta din sa kanyang mukha ang isang magandang ngiti dahil sa di niya maipaliwanag na nararamdamang sabik.
At binuksan niya agad ang pinto upang salubungin ang kanyang bisita.
Pagkabukas agad ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang basang-basa na nilalang. Habang ang nakapintang ngiti sa mukha ni Dennise ay nabura at napalitan ng bahangyang nakangangang bibig dala ng kanyang pagkamangha sa nakita.
--------------
Lol.
-gray
r
BINABASA MO ANG
Reason to Live and Die (ft. AlyDen)
Fanfictionrandom stuff that i started doing because of too much hopia feels sorry guys haha