--Still in the past days(lol)—
"Baks! Alis muna 'ko ah?" pasigaw na sabi ni Den kay Aly. Biyernes ng hapon at kakatapos lang ng midterm exams nila Den habang kila Aly ay sa susunod na week pa kaya busy pa rin siya sa paggawa ng iba't ibang plates.
"Wait lang Pands!", sumilip siya mula sa pintuan ng study room nila para makita si Dennise. At na napakunot ang nuo niya habang tinitignan si Dennise mula ulo hanggang paa. "Really Miss Lazaro? Yan ang susuotin mo sa lakad mo? Wait. San ba lakad mo?"
"Excuse me Sir Valdez." Habang tinataasan niya ng kilay si Aly. "Ako po ay pupunta sa isang pool party. At hindi ko po type na pumunta doon na balot na balot ang katawan." Naka-short denim shorts at black tank top lang si Dennise, parang nakapang-bahay lang. At hindi alam ni Aly kung bakit hindi siya komportable sa ideya na lalabas si Dennise na ganun ang kasuotan.
"Waaaawww... grabe ah. Midterm pa nga lang ang natapos niyo tapos magpapaparty na ang isa mong classmate. Rich kids ah...at saka, di naman kayo atat no?", sarkastikong sabi ni Aly at bumalik sa paggawa niya ng plates. "Oii balik ka agad dito bago ang curfew Miss Lazaro! Baka paluin kita ng walis-tambo sa pwetan mo kapag di ka sumunod!", sigaw ni Aly na nnakaikis na ang mga kilay.
Si Dennise naman ang sumilip sa study room para makita si Aly. "Pardon Sir Valdez!? Walang sinabi si Manang Feli na curfew ah?! At may palo ka pang nalalaman diyan ah?!"
Lumingon naman si Alyssa kay Dennise. "Aaaah... kase po Miss Lazaro, bilin sakin ni Nay Feli na bantayan ang mga boarders dito at ako na daw po ang bahala sa curfew. 11:00 pm sharp ang curfew! Naiintindihan ba Miss Lazaro?"
Kung nagtataka kayo kung bakit close sina Aly at Manang Feli na may-ari ng tinutuluyan nila. Ito ay dahil si Manang Feli ang mismong boss ni Aly sa pinagtatrabahuan na part time job niya. Nagtataka nga si Aly kung bakit ang bait ni Manang Feli sa kanya. Una sa lahat, nakilala lang niya ang matanda noong minsang napadpad siya sa kainan ni Manang Feli. Tapos noong nagtanong si Aly sa matanda kung pwede pa siyang mamasukan bilang katulong sa kainan ay tinanggap agad siya ni Manang Feli, kinailangan talaga ni Aly na makahanap ng trabaho para buhayin sarili niya. Para nang naging nanay si Manang Feli kay Aly, alam nga mismo ni Manang Feli kung pano kiligin si Aly kapag kinikwento niya sa matanda yong housemate niya. Si Manang Feli din mismo ang nagpresenta na sa bahay na pinarerentahan niya na patutuluyin si Aly.
Walang nagawa si Dennise. "Tsss... swerte ka lang kasi kampi talaga kayo ni Manang Feli. Opo boss, makakarating po bago ang curfew. Tsss.. inggit ka lang eh kase di kita maisasama sa party.", pabulong na sinabi ni Den ang huling linya.
"Anong sabi mo Miss Pands?" –Aly
"Ah. Wala po Sir Baks... sabi ko po good luck sa plates mo po..hihi." –Den
"Aaah.. sige mag-ingat ka at wag masyadong uminom kung meron mang alcoholic drinks.", pahabol ni Aly habang nagdu-drawing. Nagulat naman siya ng may biglang yumakap sa likuran niya ng mahigpit.
Gigil si Dennise habang nakangiti at niyayakap ng mahipgit si Aly mula sa likod. "Grrrrr... Alam mo Baks? Ang cute mo pag nag-aalala ka. Hihi. Wuv you too.", habang gigil na pinapaulanan ng halik ang kanang pisngi ni Aly. Nakayuko kasi si Aly hang nagdu-drawing kaya abot ni Dennise yong pisngi.
" Aiisshh! Tumigil ka nga. Tsss naglalambing ka lang para hindi na ko bigay ng curfew time eh. Di mo ko madadala sa ganyan Pands. Kaya pumunta ka na sa party niyo." Masungit na sagot ni Aly kay Dennise. Hindi rin naman tumigil si Dennise sa pangungulit kay Aly.
![](https://img.wattpad.com/cover/43212442-288-k301582.jpg)
BINABASA MO ANG
Reason to Live and Die (ft. AlyDen)
Fanfictionrandom stuff that i started doing because of too much hopia feels sorry guys haha