Chapter 8

2.7K 69 4
                                    


-still in the friggn past (lol)—


-Den's PoV—


I just got home. Gabi na. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon sa nangyari kanina. Basta ang alam ko, gusto ko ng humiga sa kama at matulog. Gustong kong umiyak, pero parang hindi gustong umiyak ng mga mata ko. Nilagay ko ang bag at pasalubong ko kay Aly sa kama pero napakunot ang nuo ko nang unti-unti kong narinig ang tuno ng drums. Mabilis ang beat nito at halatang hindi beginner ang tumutugtog. Ang weird lang kasi parang ang lapit lang ng tumutugtog, wala namang drums at drummer dito sa bahay. Kaya tinawag ko si Aly, baka kung san na naman nagsusuot yon.

"Baks!!!", malakas na tawag ko kay Aly. Pero walang sumagot, pwera na lang sa ingay ng drums na naririnig ko. Hinanap ko si Aly at nang makapunta ako sa kusina, parang lumalakas ang ingay. Parang nanggagaling ata sa budiga ang ingay. Tinawag ko ulit si Aly pero wala pa ring sumasagot. Papalabas na ako sa pintuan ng kusina papunta sa labas na malapit lang sa budiga nang mapansin ko ang sticky note sa may pinto.

Note:

Welcome home Pands. Kumusta lakad? Yong pasalubong ko pala ha? Hindi pa ako naghapunan ih. Hihi.

-Aly 

Napabuntong hininga lang ako nang maalala ko na naman ang lakad kanina. Lumabas na ako at parang sa budiga nga yong tumutugtog. Nakasindi din ang ilaw sa loob ng budiga.

--Third Person's POV—

"May pinapasok bang iba si Aly dito? Tssss. Seriously? Wala naman siyang nabanggit na marunong siyang drums pfffff tsaka wala namang drums dito ah?" sabi ni Den sa isip niya. Hindi naman kase niya ma-imagine na nagda-drums si Aly. A drummer Aly has never happened to flash in her mind, not in the slightest chance.

Pero dahil din sa curiousity ni Dennise, mahina niyang binuksan ang pinto at sumilip kung ano ang nangyayari sa loob ng budiga. Inikot niya ang kanyang tingin sa loob ng budiga at ang una niyang napansin ay ang iba't ibang gamit na parang itinambak lang doon at tinatabunan ng mga puting tela. Pero nang matuon ang paningin niya sa nag-iisang tao sa loob, bumilis ang pintig ng puso niya at hindi siya makapaniwala.

Sa isang maalikabok at lumang drum set, papikit-pikit at nakangiti si Aly habang hinahampas ng kanyang hawak na mga drum sticks ang mga drums at cymbals. Naka-earphones ito at halatang masayang-masaya at damang-dama ang paghampas. Naka-plain white v-neck shirt na naman ito at naka checkered boxer shorts. Nakatali ang buhok nito pero bahagyang magulo na dahil sa kilos na ginagawa niya. Pawis na pawis na ito at bakat na naman ang suot nitong sports bra.

At naulit na naman ang sensasyon na naramdaman ni Dennise noong una niyang nakikilala si Alyssa. Napalunok na naman siya habang walang kakurap-kurap na pinagmasdan si Aly, ang bawat kilos nito, ang bawat expresyon ng mukha nito at kahit nga ang bawat pagtalsik ng pawis nito. Para kay Den ay nag-slowmo na naman at kitang-kita niya ang bawat detalye ni Aly. Parang kasabay ng bawat hampas ni Aly ang malakas na kabog ng puso ni Den. Nawala sa isip ni Den ang mga nangyari sa lakad niya.

"Why does this feeling always comes back to me every time I see you like this? You, smiling like it's your last day on earth and enjoying just whatever it is that you're doing. I know this is crappy weird, but I think I am physically attracted to a woman. Urgh." Ito lang ang tanging umiikot sa utak ni Dennise habang pinapanuod si Aly. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala siya sa loob at napatigil si Aly nang makita niya si Den. Nawala ang purong ngiti nito at halatang gulat habang kinukuha ang earphones niya. Ngunit bumalik agad ang ngiti ni Aly at hinarap si Den. Hindi nga lang kagaya nong ngiti niya kanina.

Reason to Live and Die (ft. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon