Chapter 14

2.5K 72 1
                                    



--Aly's POV—


Nagising ako sa lamig. Crap. I fell asleep on my open air car. Nakalimutan kong i-put up ang bubong.
"Ha-aahhchu!" I sniffed. Grabe pano nagawang makatulog dito? Tumungin ako sa bahay namin. It's 6:09am but I can't see any moving figure inside the house. So I decided to get out my car and take a closer look. Naka-lock pala ang gate.

I was still standing near the gate when I heard someone.

"Ineng? Ah... wala na tao diyan. Wala nang nakatira diyan." Lumingon ako at nakita ko ang isang may katandaan na rin na lalaki.
"Mang Simon?" Kapit-bahay namin at katulong namin farm.

Naningkit ang mga mata ng matanda at tinutukan ako ng maigi sa mukha.

"Ba-baldo?! Alyssa! Baldo!" At nakilala din ako ni Mang Simon. "Grabe! San ka ba galing ha? At ilang taon din kitang hindi nakita?! Ang tangkad-tangkad mo nang bata ka! Mas gumanda pa! Ahahahahahhaha! May asawa ka na ba Ineng?"

Nahiya naman ako sa sinabi ni Mang Simon.

"Woah! Grabe naman po Mang Simon! Hehehehehhehe. Ah... nawala po ko ng ilang taon dahil po nag-aral at nagtrabaho po ko sa ibang lugar. Tska wala pa po akong asawa. Hhahhahahaha! Tska babae po ang gusto kong mapangasawa Mang Simon hahhaahhaahha!" Biro ko sa kanya na may bahid ng katutuhanan.

"Ay! Ganoon ba Baldo? Ahahahhaha! Ayos yan! Mas gwapo ka pa nga kaysa sa mga kuya mo! Hhahahaha! Ah.. teka, bat ba ikaw naparito? Wag mo sabihing dadalawin mo ang iyong pamilya? Ilang taon na silang wala dito Baldo. At wag mo sabihing hindi mo alam na nag-migrate na sila sa America."

What the hell did I just hear? They migrated? Wala akong kaalam-alam na iniwan na pala nila ang Pinas. Damn it.

"A-ah... alam ko naman po Mang Simon na nag-migrate na po sila. Nagpaiwan lang po ako dahil sa trabaho ko po dito. Ah... Mang Simon, sayo po ba binilin ang mga susi sa bahay? Napadaan lang po kasi ako dito galing sa isang trip. Gusto ko po sanang dito muna manatili." Nagsinungaling na lang ako para wala na masyadong tanong si Mang Simon.

"Ay oo Baldo. Sa akin ibinilin. Saktong-sakto at maglilinis sana ako sa buong bahay niyo ngayon. Sayo ko na lang ibibilin muna tong mga susi ha?" Sabay bigay ni Mang Simon sa akin ng mga susi sa buong bahay.
"Sige po. Salamat Mang Simon. Papasok po muna ako." Sabi ko.

"Sige. Sige. Puntahan mo na lang ako sa farm kung may kailangan ka ha?" Tumango ako at umalis na siya.
Binuksan ko ang gate at ipanasok ko ang kotse sa garahe.

Hindi pa naman sira ang mga gamit sa loob ng bahay namin. Tamang-tama pa ngang tirhan eh. May tubig at kuryente pa. Grabe well-maintained pa ang lahat.

Pumasok ako sa dati kong room. Wala pa ring pagbabago. Kahit ilang taon na akong hindi nakabalik ganoon pa rin ang porma ng kwarto ko. Andon yong trophy, medals, mga anime figurines na binili ko noon. Yong gitara at bola na binili nila Papa at Mama para sa akin noon.

Ngumiti na lang ako na may halong pait sa mga naalala ko. Hinalughog ko nga yong kabinet ko at nakita ko pa yong mga notebooks na parang journal ko na noong high school pa ako. Natawa na lang ako ng mabasa ko ang mga entries ko tungkol sa ultimate crush ko noon. Si Captain Cha. Si Cha Cruz. Mas nakakatanda sa akin ng isang taon at naging captain ball ng aming basketball team noon. Humanga ako sa kanya non kasi syempre sa ganda at galing niya sa basketball. Siya kasi yong tipong astig sa loob ng court pero chicks sa labas ng court. Ehe. Saan na kaya siya ngayon? Haha. Hanggang tingin lang kaya ako non. LOL hanggang ngayon naman eh... hanggang tingin ka pa rin...

Reason to Live and Die (ft. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon