Aly's--
Mga isang oras na ata ang lumipas. Natuyo na nga ng kaunti buhok ko at ito ako busy sa pag aasikaso ng mga nabasang mga damit ko. Buti naisipan kong ibalot muna sa plastic ung mga gamit ko sa school bago ko isilid sa bag ko kanina. At ang lakas pa rin ng ulan sa labas. And guess what? Hindi pa ko nakabihis. Basang-basa pa rin ang damit na suot ko. Kailangan ko na talagang maligo, sigurado akong sisipunin na naman ako neto. Tsk. Ang problema naman, basa din yong tuwalya ko kaya wala akong pamunas. Isang checkered na pambahay na short shorts at panty(haha) lang nga ang nasalba ko sa mga damit ko eh. Basa lahat.
"Hiram na lang kaya ako ng tuwalya at damit kay miss chix? Tsk tsk. Kakahiya dude! Argh." ADvice daw ng isipan ko. Wait. Do you know that I literally talk to myself and my mind all the time? Yeah. I do that a lot. You can say, I have a bestfriend. And her name is... me. "urgh ok fine. I'll go to her room and ask her for some clothes and towel. Tss."
And so I went in front of her bedroom door and knocked. The door opened immediately. "Oh. Yo."sabi ko. Tsaka good thing nakabihis na siya ng maayos ngayon. Naka-checkered pajama trousers siya at naka-gray hoodie na may sulat na "CHILL" sa harap.
"Oh.", sagot niya. Tapos tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at nagulat. "Oi. Wait. Basa ka pa ata ah?!" kinapa naman niya yong mga balikat ko para tignan kong basa ung shirt ko.
"Ahh.. Ate. Yon nga sana pinunta ko dito." Nagsmile naman ako ng unti. "eh kasi nabasa lahat ng damit ko. Isang under wear tsaka shorts na lang natira. Pati yong tuwalya ko basa rin... so...... kung pwede sana makihiram muna kong tuwalya tska kahit anong pantaas na shirt o kahit ano na pwede suotin? Hehe."
Nakatitig naman siya sakin at wala man lang sagot. Kaya, "ehe. Wag kang mag-alala Ate! Lalabhan ko agad yong mga hiniram ko pagkatapos ko gamitin! Promise po!" At nagsmile ako na parang nagmamakaawa. "Please po?.." Nakatitig po rin siya sakin. This is awkward and damn embarrassing. May naisip naman ako. "Ah! Wait lang Ate!" Dali-dali kong kinapa kong mga bulsa ko. "wait. Hmm..andito lang yon." At nakita at kinuha ko agad yong lollipop sa bulsa ko. I offered it to her. "Please po? Hehe. Ito muna mababayad ko sa ngayon sa pang-aabala ko po sa inyo." This time, I smiled normally. I just looked straight into her eyes.
Den's—
Tinanggap ko naman yong lollipop niya. Ang cute lang niyang tignan habang hinahanap yong lollipop niya sa bulsa niya. Nakakunot pa yong nuo.
"Pfffffffff. Hahahahhahahahaha!" Grabe ng cute ng bakulaw na to ah? Yong magandang smile naman sa mukha niya napalitan na naman ng awkward smile dahil din siguro sa biglang pagtawa ko ngayon. Pffff. Lollipop? Seriously? Ang cute! Parang kanina lang napikon ako dahil sa Ate siya nang Ate sakin. Eh parang magkasing tanda lang naman kami ah? Pero di ko alam ngayon bakit gumaan loob ko at sobrang naku-cute-an ako sa bakulaw na to!
"Chill ka lang! Haha! Wag kang mag-alala." Dali kong kinuha yong spare na tuwalyo ko at binigay ko sa kanya. "Here. Gamitin mo lang yan. Wag kang mag-alala may isang tuwalya pa naman ako don. Ilalagay ko na lang sa kama mo yong damit ko na kasya sayo at maligo ka na. At dalian mo! Tsk. Magkakasakit ka na talaga niyan." Di ko alam pero. Seryoso. I felt like i want to care of this creature.
"Yes! Phiwww.. salamat talaga! Yes...." masayang sabi ng basang babae sa harapan ko na parang nabunutan ng tinik. "hehe.. sige po ah. Maliligo muna ako sandali. Salamat talaga!" At dali niyang pinasok ang bathroom. Napailing na lang ako at di ko namamalayan na nakangiti na pala akong ng todo.
"pffft. Parang intimidating yong dating niya sakin kanina pero ngayon para siyang bata na masayang-masaya kung umasta." Sabi ng isipan ko. Naalala ko tuloy tuloy yong nakababata kong kapatid na babae. Namiss ko yong mga kapatid ko bigla. I brushed the thought off at naghanap ng damit.
![](https://img.wattpad.com/cover/43212442-288-k301582.jpg)
BINABASA MO ANG
Reason to Live and Die (ft. AlyDen)
Fanfictionrandom stuff that i started doing because of too much hopia feels sorry guys haha