Chapter 7

2.7K 66 3
                                    

--Still in the past—


--Aly's POV—


Saturday morning. "Oh Dear... How can I train myself to be numb about my feelings for this human when she's the one that I'm dreaming about, literally and metaphorically." I am next to her and I just woke up. I am next to this future doctor woman.

"Gising Pands.", gising ko sa katabi kong mahimbing na natutulog. I know I am blushing right now just by studying her peaceful sleeping face. And you have no idea how much I wanna kiss her right now. But... I just can't let myself go wild and tell the world she makes me happy... Like she makes me happy in a different level or something.

"Hoi Pands. Gising na.", sabay kiliti ko sa tinga niya. Alam kong nakangiti na ako ngayon. Pero ewan, di ko alam kung bakit ako kinikilig sa ginagawa kong pagkiliti sa tinga niya. Nawala naman ang ngiti sa mukha ko nang bigla akong yakapin ng mahigpit nitong katabi ko, sabay sabing, "Mycs...hmmmm..aga pa..maya na..."

Napakunot ang nuo ko. "Wow Dennise Michelle Lazaro... alam na alam mo kung pano ako gisingin sa ilusyon kong ito. Awtch." Kaya naman inabot ko ang phone ko at pinatugtog ang isang screamo song. Yeah, I love screamo. Bumangon na ko at nag-inat. Habang si Den naman ay parang gumising na kakagaling lang sa isang bangungot. Pfffff. With matching muta at laway pa ang mukha niya ah... But I swear, she's still beautiful. In fact, the most beautiful. "And... Sexy... and hot... hmmmm...Ok. Scratch those thoughts out Ly. Enough. Focus." , my perverted instinct said.

"Oh. Morning Pands! Bangon na dali! Ikaw magluluto ng agahan ngayon woi! Ako kaya ang naglinis ng budiga kahapon. At! Nilabag mo pa ang curfew. So...." Inabot naman niya ang phone ko at tinigil ang music na nakakunot ang nuo.

"Wow Baks... ang ganda na sana ng panaginip ko. Tsss." Bumaba naman siya sa kama sabay tulak sakin na parang nakaharang ako sa daanan niya.

"Oh... pansin ko nga din Pands... ang ganda siguro ng panaginip mo. Pero bago mo ituloy yang panaginip mo. Pakiluto muna ng agahan ko ah? Ok ba miss?" ginulo ko na naman ang buhok niya. At nagtungo ako sa banyo, nagmumog at naghilamos. Yan si Dennise? Hindi uso sa kanya ang pagmumumog at paghihilamos pagkagising sa umaga. Pero ewan, di ko naman alam kung bakit... I find it sexy that she does not do those morning rituals.

Pumunta na ko sa kusina at amoy ko ang niluluto niyang fried rice. Kitang-kita ko yong hubog ng likuran niya. If she was my wife? I would've probably eaten her. You know what I mean. Hehe. "Ly, kalma. Kape lang katapat niyang kalibugan mo ok?.", advice daw ng isip ko. Pero bago pa ako makapagtimpla ng kape ko. Inilahad ni Den ang cup niya sakin.

"Oh. Sayo na tong sa akin. Kunti lang naman nainom ko eh, tsaka magkakape rin naman ako mamaya.", sabi niya sakin habang nakatuon lang ang pansin sa hinahalo niyang nilulutong pagkain. Tinanggap ko naman at ininom ko. "Early morning indirect kiss. Hmm... way to go Ly. Ehe." Pang-aasar ng matalino kong isipan.

"Oh? Di ka naman mahilig sa kape ah? Bat magkakape ka mamaya? Pfff." Sabi ko naman sa kanya. Pero parang alam ko na kung ano isasagot niya.

"Ah. May date ako mamaya Baks. Kaya maiiwan ka na naman dito. Hahahahahha!", masigla niyang sagot sa akin.

"Sabi ko na nga ba eh. Forever alone ang mukha mo ngayon Ly. Cheers.", sabi ng isip ko.

"Oh... hulaan ko yong name ng ka-date mo ah? Hmmm... parang nagsisimula siguro yan sa litrang... M? Ohh... Mycs?", tanong ko habang iniinom ang kape niya at pinagmamasdan ang nakangiti niyang mukha. "Grabe naman tong liit na to, di man lang tinatago ang kilig niya para di ako lalong magselos. Tsss.", sabi ko sa isip ko kase nababadtrip na ako. Hihi.

Reason to Live and Die (ft. AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon