Chapter 24:Mas Matimbang

20 2 0
                                    

Lian's POV

"But... I love Zeke too"

Pagkasabi ko non ay tuluyan na talaga akong napahagulgol.

"W-what? " halos pabulong na sabi niya.

"I'm sorry. I don't know! Hindi ko alam kung paano! Basta nung umalis ka? Doon nag simula yung kay Zeke! At nung dumating ka? Nahati yun! Kasi yung kalahati ... yung kalahati na-nasa iyo! Ikaw yung kalahati! Hindi ba? Ang sama ko? Sobrang ganda ko naman ata at nagmahal ako ng dalawa! " lumuluha na sabi ko.

Pumikit siya na para bang sobrang hirap sa kanya ng nangyayari.

"So... it's all my fault. Haaa! It's all on me. I made my own problem. Ako rin ang may kasalanan kaya ka nawala sa akin. I'm so stupid! I lost you because of my stupid and immature decision. "

Nakita kong may tumulo na luha sa mga mata niya, nagiwas siya ng tingin.

Ayoko na ng ganito. Gusto ko na talagang malinawan. Sobrang gulo na ng puso ko at isip ko. Sino ba talaga? Si Zeke o si Chleo?

Pagkatapos non ay nagpaalam muna siya. Ako naman ay dumiretso ng pasok sa kwarto ko, nagpaalam na iidlip muna hangga't sa dumating si Zeke. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Ayokong makita ako ni Zeke na ganito. Ayokong makita niya na ganito ako kagulo .

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang oras. 10 na ng gabi at ang usapan namin Ni zeke ay alas otso!

Agaran ang pagbangon ko at dumiretso sa banyo at naligo. Nagbihis ako ng dress na above the knee at nag flat shoes lang.

Pagkatapos ko sa mga ritual ko ay bumaba na ako.

Nagaayos na sila mama sa lamesa kasama ang iba kong tita. Si kuya naman ay kausap si papa sa skype.

Nag hi muna ako kay papa at bumati bago nagpunta kaila mama kasama sila tita.

"Hi Ma! " humalik ako sa kanya at nagmano sa nga tita ko na tumutulong rin.

Kumuha ako ng isang Chicken lollipop at kumugat don bago nagtanong kay mama.

"Ma? Hindi ba dumating si Zeke?"

"Uhh .. no. Why? May usapan ba kayo?" Tanong niya at sumulyap sa akin saglit galing sa ginagawa niya na Macaroni Salad.

Umiling ako at ngumiti.

Hindi siya dumating? Baka busy? Or... he forgot?

Nakalipas ang isang oras at hindi ako mapakali. Kanina pa ako nagtatype ng message para kay Zeke pero nauuwi lang lahat ng iyon sa bura. Ngayon ko sasabihin lahat, pero paano? Hindi nga kami nagkita.

Napatayo ako sa kinauupan na sofa nang makitang tumatawag siya. Lumabas ako ng bahay at sinagot na ang tawag.

"Hi Monks! 'You busy? Hindi ka nakapunta? "

Sinipa ko yung bato na nakita ko sa garden.

"Jillian..."

Napahinto ako sa narinig. Ngayon ko lang narinig na tinawag niya non. Kadalasan kasi Lian lang.

"W-why? Hey... " humina ang boses ko

"Let's break ."

"You're breaking up with me? " i murmur "...is that what you want? Really? "

"Yes" seryoso at pinal na sabi niya.

Bumuntong hininga ako

"Okay then. Let's break up"

Saktong pagkakasabi ko non ay mamatay ang tawag. Walang lakas na ibinaba ko yung kamay ko na hawak ang Cellphone

Okay rin naman yun diba? Para naman matauhan na ako kung sino ba ang mas matimbang sa dalawa. Hayyy...lovelife nga naman magulo!

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon