Lian's POV
Maayos na lumipas ang 2 buwan ng pag sisimula ko sa College. Medyo mahirap pero enjoy naman.
Natanggap ako sa Volleyball team kaya naman mas lalong naging hectic ang sched ko,madalang narin kami magusap ni Tommy. Si Zeke naman natanggap din sa Soccer Team kaya minsanan nalang kaming mag usap at magkita pwera nalang kung walang pasok at practice.
Kasama ko ring natanggap sa Team si Jana kaya naman hindi ako masyadong nahirapan.
"Lian... may nagpapabigay sayo oh." Tiningnan ko si Mikko (kaklase ko sa subject na ito) may dalang boquet ng pinaghalong white at yellow roses .
"Kanino raw galing?" Tanong ko at tinanggap iyon.
Nagkibit balikat siya.
Wierd ... last month pa ito nag simula. Laging may nagpapadala sa akin ng bulaklak tuwing first subject ko kung saan hindi ko kaklase si Jana.
Tiningnan ko ang card, ganun parin ang nakasulat 'Have a nice day :)' ayun lang ang nakasulat ...wala laging pangalan kung kanino ba nanggaling. Sino ba ito? Ba't hindi nalang siya mag pakilala? Dagdag isipin pa e.
"Oh,meron na naman?" Tanong ni Jana ng magkita kami sa Canteen. Pareho kaming walang klaseng kasunod kaya tatambay muna kami dito.
"Oo , ang wierd nga e." Nilapag ko yung bulaklak sa ibabaw ng lamesa at umupo kaharap ng upuan ni Jana.
"Patingin nga daw."
Tiningnan niya ang card nakalagay. Ngayon niya lang ito mababasa dahil yung ibang card ay tinatanggal ko agad pag kabasa at tinatago .
Napalingon ako sa kanya ng makitang natigilan siya sa nabasa.
"Bakit Jana? Kilala mo yung nagsulat?" Na wi-wierduhan kong tanong dahil sa pagkatigil niya.
"A-ah, hindi e. Bili na tayo" hindi niya na ako hinintay na mag salita ,tumayo nalang agad siya at nagpunta sa may gitna ng Canteen kung saan yung bilihan.
Pag katapos niyang makita yung card ,bigla nalang siyang tumahimik. Ang wierd naman netong babaitang ito, bigla bigla nalang tumatahimik.
"Jana... are you okay??" Tanong ko dahil hindi ko na kayang tumahimik.
"Oo naman... excuse lang ah? May pupuntahan lang ako " paalam niya nang saktong mag bell.
Break time na.
Hanubayan! Seriously? Wala akong kasama, ayokong maging loner dito sa canteen . Pupunta nalang ako sa may Soccer Field ,doon siguradong kakaunti lang ang tao.
Pag karating ko sa Field , tama ang hinala ko wala ngang gaanong tao . Umupo ako sa ilalim ng puno , para mahangin mamaya pa naman ang klase ko e . May 1 hour pa ako.
Nagiisip ako kung sino ang nagpapadala ng bulaklak sa akin ng mahagip ng mga mata ko si Zeke. Kumaway ako sa kanya at tinawag para lumapit pero nakatitig lang siya ng seryoso sa akin , mali... sa bulaklak pala siya nakatitig. Problema neto?
Ngumuso ako ng makitang papalapit na siya sa akin. Kumakalabog na naman ang puso ko at yung tiyan ko parang hinahalukay ng maaninag ko ng malapitan ang mukha niya... bagong gupit lang siya kaya naman hindi na masyadong magulo ang kanyang buhok.
"Problema mo?" Tanong ko ng makalapit siya.
"Kanino galing yan" turo niya sa bulaklak. Hindi niya pinansin yung tanong Geez!
"Hindi ko din alam. " kibit balikat kong sagot .
"Hindi mo alam pero tinanggap mo?" Iritadong tanong niya.
Ano bang problema ng isang to at ganito kung umasta.
"Alangan namang itapon ko ito " natatawa ko nalang na sagot.
Natigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang mariing utos niya "Itapon mo iyan" seryoso niyang sambit.
"You must be kidding Zeke? Eto itatapon ko? Ang ganda ganda nga e."
"Basta itapon mo iyan." Mas iritado na ang boses niya ng sinabi iyon.
"Bakit ba huh?"
"Basta! Wag ka na matanong, itapon mo yang bulaklak na iyan Lian"
Nakakairita na siya ah? Bakit ba gusto niya itong ipatapon? Ang ganda ganda ee.
"Bahala ka sa buhay mo, ngayon ka na ngalang mag papakita tapos ganto pa gagawin mo? Aba ang angas mo naman!" Iritado kong sinabi at naglakad palayo.
Papasok na lang ako sa next class ko kesa naman makasama pa ang isang iyon! Nakakainis siya, hindi niya sabihin kung anong dahilan at gusto niyang itapon ko ito. Sasabihin niya nalang bigla na itapon ko tapos siya pa ang galit . Pinuputok ng butchi n'on? ASAR!