Lian's POV
Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila Marie ay nakita kong kumpleto na nga... at walang boys. Alright! Buti naman.
"Uyyyyy... Blooming ka Lian ah?" Sigaw ni Liezel na naglikha ng ingay kasi naghiyawan yung iba.
Natatawang Umupo ako sa tabi ni Jana .
"Hindi naman! Etong mga 'to." Nahihiya kong sambit.
Nagtawanan sila. 7 kaming lahat . Si Marie, Jana, Janine, Yannie, , Celestina ,Alecia at ako. Pare-pareho si Marie,Janine,Yannie,Celes at Alecia na galing sa iisang School noong high school at pare-parehong only child. Si Jana naman ay may kakambal... lalaki. Nagpunta daw ng states iyon simula noong, i think mga 3rd year high school? Nagpalit daw kasi sila, si Jana yung nasa states dati. Iyon yung sabi niya. Hindi niya nga rin sinasabi kung ano ung pangalan no'n e!
"Mga Iha, kain muna kayo!" Tawag sa amin ng mom ni Marie.
"Sige po tita."
Sabay sabay kaming nagpunta sa dining table at kanya kanya ng umupo. Maraming hinanda ang mommy ni Marie iba't ibang putahe. Napuno ng tawanan at kwento ang hapag hapag kumakain kami, mabait ang mom ni Marie madali namin siyang nakasundo, sayang wala yung Dad niya.
Pagkatapos naming kumain ay nakatanggap ako ng text kay Zeke.
Unggoy
Babs ... kumain ka na? I miss you :(
Me:
Babs? What the hell is that?
Dinagdagan ko ng emoticon na heart ang name niya sa contacts ko pero hindi ko pinalitan . Haha ,as you can see/read Unggoy parin. Ang sweet noh? Hihi.
Unggoy
Short term for Baboy. Babs. Diba ang sweet ko? Don't you miss me? Ba't hindi ka nagreply ng i miss you too?
What the? BABOY?!
Me:
Ha, Babs pala ah! O sige kung diyan ka masaya ,MONKS! :/ MONKEY!!!
Akala mo ah? Hmmp!
"Uy! Tara na ,Lian. Spin the Bottle raw tayo" tawag ni Celes.
"Sige susunod na ako, iinom lang ako."
Tinago ko ang Cellphone ko at uminon ng tubig bago sumunod sa kanila sa Salas.
Kung ano- anong kalokohan lang abg pinagtatanong namin sa natatapatan ng bote kapag truth ang pinili nila at kapag Dare naman ay kung ano- ano lang ring kabulastugan an inuutos. Tawa lang kami ng tawa.
"Oh, Marie spin mo na ulit yung bottle"
Inikot ni Marie yung Bote , unang ikot wala, yung pangalawa naman ay kay Jana na tumapat.
"Truth or Dare?" Tanong namin at tiningnan siya.
Tumawa siya " Truth nalang! Baka kung ano pa ang iutos niyo sa akin "
"Okay ,truth! Diba may Twin kang lalaki? Yung nasa states?" Tanong ni Marie.
Napawi ang ngiti ni Jana at biglang sumeryoso . Tumingin siya sa akin, ngumiti lang ako at inintay ang sagot niya.
"Y-yeah...," sagot niya at nag iwas ng Tingin sa akin.
Humagikgik sa gilid sina Yannie.
"So... may kilala ka bang naging Girlfriend niya or ...Ex?" Curious na tanong ni Janine.
Nakita kong mas lalong nalukot ang mukha ni Jana, kumunot ang kanyang noo .
"Ganyan ba talaga ang mga tanong? Iritado niyang sinabi.