Lian's POV
"Okay ka lang ba talaga ?huh,Jill?"
"I'm okay..."
Hindi ko alam kung saan kami papunta ,hinayaan ko nalang siya mag drive.
Nag e-eco pa rin sa akin yung sinabi kanina nung lalaki...
"Alam mo miss...favor na nga sayo yung nangyari dahil pwede na siyang sayo tutal pareho naman kayo.Parehong uto uto"
"Alam mo miss...favor na nga sayo yung nangyari dahil pwede na siyang sayo tutal pareho naman kayo.Parehong uto uto"
"Alam mo miss...favor na nga sayo yung nangyari dahil pwede na siyang sayo tutal pareho naman kayo.Parehong uto uto"
It's not favor....dahil alam ko ..alam kong kahit na ganun...hindi ko makukuha yung puso ni Zeke ..hindi ko ito mabubuo ulit. At hindi kami pareho ...hindi siya nauto..nagmahal lang siya ,yung nga lang sa maling tao. Ako...ako yung uto uto dahil hinayaan kong lokohin ako kahit na harap harapan ko nang nakikita yung panlolokong nangyayari.
"We're here.." natauhan lang ako nang mag salita si Tommy.
Bumaba ako ng sasakyan niya. Ang sarap...ang sarap ng hangin ...ng tanawin ,mula dito makikita mo ang mga matatayog na mga gusali at ang mga nagkikislapang ilaw na galing sa mga sasakyan. Matagal din pala kaming bumyahe ,hindi ko na namalayan.
Umupo ako sa isang bench na nakita ko. Nakakarelax dito...nakakatanggal ng stress ang tanawin.
"Jill..."
"Hmmm.?"
"She's Jenny right? The girlfriend of Zeke? Is she cheating on him?" Lumingon ako sa kanya na kakatabi lang sa akin.
"Yeahhh...cheating. She's a cheater. "
Ngayong alam ko na ..na siya nga ang dahilan kung bakit nasaktan si Zeke,hinding hindi ko na siya mapapatawad ...noon natanggap ko pa pero ngayon na bestfriend ko na yung nasaktan e hindi ko na siya mapapatawad. Tutulungan ko si Zeke ...tutulungan ko siyang maka move on,alam kong magiging madali lang dahil hindi pa naman sila nagtagal ng 1 taon though sa kabilang banda alam kong mahirap din dahil siya...siya ang firstlove ni Zeke.
"Jill... aalis na ako."
Napalingon ako kay Tommy nang sabihin niya yun .
"Aali ? Saan ka pupunta? Out of town? Ilang days ka dun?" Tanong ko kahit alam ko sa kaloob looban ko...nafefeel ko na hindi lang out of town ang mangyayari. Iiwan niya na naman ako....nangilid ang luha ko kaya naman yumuko ako.
" Babalik na ako sa States ,Jill. "
"You mean ..hindi na matutuloy yung pag ka-College mo dito?" Hindi ko na napigilan yung pag tulo ng luha ko ..ng crack na rin ang boses ko.
"Yeah....Kailangan kasi ako doon. Lumalala na ang sakit ni Dad ,hindi niya na kayang magtrabaho ...kaya ako muna ang mag ha -handle ng kompanya. Sorry Jill..."
alam kong may sakit ang dad niya dati pa..pero hindi ko alam na malala na.Ayokong maging selfish, ayoko siyang pigilan ... mas kailangan siya do'n...mas kailangan siya ng family niya..nila tito. Pinunasan ko ang luha ko ..na hindi parin tumitigil sa pag tulo.
"Kailan ang alis mo?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang humikbi ...at tumingin sa kanya. Kita ang lungkot at pag aalinlangan sa mga mata niya nang tumingin ako ng diretso doon.
"B-bukas..." tumango ako at pinunasan ulit ang luha.
"O-okay...walang kalimutan ah? Ikamusta mo ako kay tito,pasabi na rin na mag pagaling siya ...dadalawin ko siya pag nag kapera na ako,pupunta ako do'n" nag crack na ang boses ko.
"Jill..." lalapit na sana siya sa akin para tahanin ako pero umiling ako at ngumiti ng malungkot sa kanya.
"Paano nga pala yung Ice Cream Parlor? Hind ako marunog mag handle ng negosyo ."
"May tutulong sayong mga tao.. kinuhanan ko na rin ng manager yung shop. Jill,sorry"
"Ano ka ba! Bakit ka nag so-sorry? "
"Kasi ..hindi ko na naman matutupad yung promise ko sayo." Yumuko siya...
"Tommy...tumingin ka sa akin." Inangat ko ang ulo niya,para tumingin sa akin.
"Okay lang yun... tsaka mas importante yung gagawin mo do'n . Kailangan ka ni Tita...ni Tito, ikaw lang makakatulong sa kanila doon."
"P-pero..."
"Shhhhh..tama na. Basta ipromise mo sa akin na sasabihin mo kay tito yun ah? At syempre hindi pwedeng mawalan tayo ng communication..mayayari ka sa akin! " biro ko..
"Oo..promise!"
"Pinky promise?" Ginulo niya ang buhok ko kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Pinky Priomise!"