Chapter 18: Date

54 3 0
                                    

Lian's POV

Stranger:

Yah ! It's me baby. I'm the one who keep giving you flowers. I'm Back!. I still love you baby. Hope you still love me too...sorry. Sana matanggap mo parin ako :(

Hindi na ako nakapagreply dahil sa sobrang gulat at hindi ko narin namalayan na umiiyak na ako.

Papikit na ang mga mata ko ng may marinig akong nag doorbell. Sino naman kaya yon??

Pagkasilip ko sa bintana nakita ko si Zeke sa labas. Nang makita niya ako ay kumaway siya at isinenyas na buksan ko yung gate. Ano namang ginagawa niya dito? Hindi naman sa ayaw ko siya rito pero... pero kasi gusto ko munang mapagisa... magisip ba?

Pagkabukas ko ng gate ay tinanong ko siya.

"Bakit ka nandito?" Medyo malamig kong tanong .

"Ayaw mo?? Sige uuwi nalang ako..." malungkot niyang sambit.

Hinawakan ko agad ang braso niya para mapigilan.

"H-hindi... i mean ,magkausap lang tayo kanina ah? Tsaka gabi na ah?" Mas pinasigla ko ang tono ng pagsasalita ko .

Hindi ko dapat ipahalata sa kanya na may problema ako. Hingang malalim Lian. Inhale... Exhale.

"Ee.. kasi magtext sa akin kuya mo, pinapapunta ako dito e sakto namang papunta na ako. Hehe" kamot batok niyang sagot

"Ahh. Edi dito ka matutulog? May pasok pa bukas... tsaka wala kang dalang damit,malelate ka lang . Tsaka okay lang naman ako mag isa rito" kahit hindi.

"Sino bang may sabing wala akong dalang damit?? Boy scout ako 'no! Eto oh. " sabi niya at pinakita ang bag pack sa likuran niya na ngayon ko lang nakita na naroon pala.

"Yeaaaah~ tapos narin!" Naguunat na sinabi ni Jana.

Kakatapos lang ng Finals namin. Madali ko namang nasagot lahat ng tanong kaso sa iba ang hirap talaga.

"Ano ,Jana, Lian? Sama kayo bukas? overnight kila Marie. Bakasyon na rin naman next week eh, 2 weeks rin tayo hindi magkikita kita." Tanong ni Janine ( kaklase namin)

Bukas? Saturday... may date kami ni Zeke. Tumingin sa akin si Jana na parang tinatanong kung sasama ako.

"Hmmmm. May gagawin kasi ako e. Anong oras ba? " hahabol nalang ako.

"Mga 6 dapat nandoon na tayo kina Marie para maraming oras." Sagot ni Yannie

"6? Sige ta-try ko" ngumiti ako sa kanila bago binalingan si Jana. "Tara na!"

Nagpaalam na kami kina Janine bago naglakad sa Corridor.

"Hindi ka pupunta sa Locker Room?" " nagtatakang tanong ni Jana.

Huminto ako sa paglalakad at Nilingon ko siya .

"Hindi na... wala namang bulaklak."

"Errr. . Okay" nag iwas siya ng tingin at naglakad na uli.

Wierd netong babaeng ito! Kapag yung tungkol sa bulaklak yung pinaguusapan o kaya kung sino yung nagbigay n'on , minsan umiiwas o kaya nagtatanong nalang bigla.Sumunod na ako sa kanya sa paglalakad.

Nagpaalam na ako sa kanya pagkadating namin sa may gate. Doon kasi siya pupuntahan ng Driver nila , ako naman maglalakad pa papunta sa sakayan ng Bus. Lumingon ako ulit sa kanya at tinawag nang may maalala ako.

"JANA!" Tawag ko, lumingon naman siya . " Kilala ko na kung sino si Mr. Mystery! Yun lang, Babay" kumaway ako sa kanya bago tumakbo paalis at hindi na hinintay makasagot siya .

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon