Lian's POV
Ilang weeks na ang nakalipas simula nung sa Resthouse,bumalik kami agad dahil may kailangan asikasuhin si ate Cass sa work niya at Pasukan na rin. Si Tommy naman ayun laging dumadalaw dito sa bahay at ngayon pupunta ulit siya dito dahil kami ay pupunta sa Mall,hindi ako mag sho-shopping ...sasamahan ko lang siya at tutulungan. Bibili kasi siya ng regalo hindi ko alam kung kanino niya ibibigay.
"Liannnn,nandito na si 'Tommy MO' !!" Narinig kong sigaw ni Kuya galing sa baba kaya naman nag madali na ako sa pag aayos at bumaba na,naabutan ko pa sila kuya na nag tatawanan pero nang nakita nila ako ay tumigil sila.
"Oh? Alis na kayo?" Tanong kuya at tumayo na.
"Uhmmm... oo. Babalik ko din si Lian ng mga 5 pm, i think?" Aniya sabay tingin sa akin.
"Sige... ingat kayo!" Pahabol ni kuya bago kami lumabas.
"Uhmmmm...Tommy?"
"Oh?" Tanong niya at sumulyap sa akin saglit bago tumingin ulit sa daan.
"Uhhh...." pwede ko bang tanungin yun sa kanya? Kung para kanino yung regalo?? O mananahimik nalang ako? Perooo, curious talaga ko e!!
"Ano yun Jill?" Lingon niya ulit sa akin
"Uhh... para kanino yung regalo na bibilhin mo?" Tanong ko sabay yumuko napa angat lang ulit ako ng tingin nang marinig ko siyang humalakhak. May problema ba sa tanong ko??
"B-bakit? Anong problema?" Tanong ko at humarap sa kanya.
"W-wala... ang cute mo lang kasi" sabi niya habang pinipigilan tumawa ulit. Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya.
Natigilan siya sa pag tawa ng makita ang nag tataka kong mukha.
"Hindi naman talaga ako bibili e, I just want you to go out with me pero kung gusto mong bumili...bibilan kita" aniya, nakita ko pa siyang namula.
"D-dapat sinabi mo nalang, sasama na--" natigilan ako sa pag sasalita dahil sa pag tunog ng cell phone ko...si Zeke tumatawag.
"Oh?best! Bakit?" Tanong ko pero walang sumasagot kaya tiningnan ko ulit yung CP ko at baka na wrong call lang siya.
"Best..Zeke..Best!!!" Paulit ulit kong tawag sa kanya pero hikbi lang ang narinig ko...hikbi? WTH?!! Umiiyak siya?
"Zeke... umiiyak ka ba?" Lumingon ako kay Tommy nang narinig ko ang pag singhap niya sa narinig.
"Besssst..." narinig kong tawag niya na nagmistulang bulong nalang.
"May problema ka ba? Nasaan ka?"
Nagaalala na ako sa tono niya...
"Okay lang ako....*toot* *toot*"
Peste ! Bakit namatay?
"Tommyy, pwede bang idaan mo muna ako sa ************* subdivision?"
"P-pero..."
"Pleaseeeee? Nag aalala kasi ako kay Zeke e, baka kung ano na ang nangyari. Pleasee?" Babawi na lang ako sayo sa susunod .
"Hayyy.. okay"
Tinuro ko sa kanya yung way papuntang bahay nila Zeke at nang makarating kami agad akong bumaba at nag sorry sa kanya .
Pinapasok agad ako ng katulong nila dahil narin kilala na ako.Nakita ko pa si Tita (mom ni Zeke) na pabalik balik ang lakad sa salas nila.
"Tita! Nasan po si Zeke?!"
"Nako Lian...buti dumating ka , si zeke kasi ayaw ako pag buksan ng pintuan niya at may mga narinig pa akong pagbasag ng mga bote." Aniya habang paiyak na ,niyakap ko siya at hiningi yung mga susi nila sa mga kwarto ayaw kasi nila gamitin yun sa room ni Zeke kasi baka daw lalong mag wala pero nag pumilit parin ako..hindi ko naman talaga ito gagamitin ,gagamitin ko lang kapag hindi niya ako pinag buksan ng pinto.
Umakyat na ako sa floor kung nasaan ang kwarto ni Zeke at kumatok.
"HUWAG NIYO AKONG PAKELAMAN DITO!!" Narinig kong sigaw niya sa loob
"Zeke.... Best, ako toh si Lian. Buksan mo tong pinto plss?"
natigil ang mga sigaw na naririnig ko at maya maya lang naka rinig ako ng mga yabag palapit ng pintuan.binuksan niya ang pinto at tumalikod ulit at umupo ulit sa sahig ng nakayuko at may hawak na bote.
"Zeke... anong nangyari dito?!"
Hindi niya ako pinansin kundi umiyak ....hindi humagulgol pala siya. Ang daming nagkalat na basag na bote at gulo gulo ang mga gamit niya ...yung lampshade basag din.
"Best..... ano bang problema? Nag away ba kayo ni Jenny?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya ...at sumagot na ikinagulat ko.
"Pinagpustahan lang nila ako best! Pina ikot! PESTE'NG PUSTAHAN YAN!!!" Lumingon siya sa akin at kita ko ang nag aalab niyang mga mata na lumuluha ng tuloy tuloy.
"Bestttt...." lalapitan ko sana siya kaso bigla niyang hinagis yung hawak niyang bote kaya natigilan ako.
"MINAHAL KO NAMAN SIYA AH? BAKIT NIYA AKO NAGAWANG PAG LARUAN? MGA WALANG HIYA SILA!! MGA MANLOLOKO ! AHHHHHH! " sigaw niya.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napahikbi na...yumakap ako sa kanya . Ngayon ko lang siya'ng nakitang ganto nasaktan. Yakap ko lang siya habang umiiyak pa rin pero makalipas ata ang 30 mins ay natigil na siya pero nakatulala sa kawalan, umalis ako sa pag kakayakap sa kanya at inayos yung mga gamit na nag kalat at mga basag na bote.
.
.
.
Nakatulog na siya nang iwan ko sa taas dahil narin siguro sa pagod kaya nakatulog.
"Tita, ano po bang nangyari kay Zeke?"
"Ewan ko ba iha..... kagabi naman masaya siyang umalis dito dahil nga susurpresahin niya daw yung girlfriend niya ,pero nang umuwi siya ...madaling araw na at lasing na lasing na siya. Hindi naman kita matawagan dahil nahihiya ako sa'yo" aniya at naglapag ng mirienda sa tapat kong lamesa "kain ka muna, salamat Lian ah?"
"Walang anuman po iyon"
Susurpresahin? ...Ah! 2nd Monthsary nga pala nila kahapon June 4. Pero ano'ng ibig sabihin nung sinabi ni Zeke na 'NILOKO' siya ni Jenny? Pinagpustahan lang ba siya? Kung pinag pustahan o niloko lang niya si Zeke ...humanda siya sa akin!!! Malaman ko lang talaga!