Lian's POV
"Ma'am , what's your order po?" Tanong ko sa customer.
"I'll have a cheese cake and large frappè "
"Okay, noted. Please wait for a minute ma'am" ngiti ko.
Nandito ako sa T and J cafè namin ni tommy tumutulong na rin ako sa pag se-serve sa dami ng customer, actually kaka open palang namin kahapon pero sadyang maganda talaga ang pwesto na napili namin na pagtayuan kaya naman dinayo agad. Nasa tapat kasi kami ng eskwelahan kaya halos puro estudyante ang customers.Hindi na lang ice cream parlor ang business namin. Nakalipas na ang limang taon at sa nakalipas na iyon ay marami na ang nagbago.
Pagka graduate ko last year ay pinagtuunan ko ng pansin yung ice cream parlor na lumalaki narin habang hindi pa umuuwi si Tommy. At dahil sadyang pangarap ko na talagang magkaroon ng cafè ay ,sinabi ko iyon kay Tommy. Na nagustuhan naman ang ideya ko tutal naman daw malaki na ang Ice cream parlor at may naipon narin galing doon ay ginamit namin yun upang maitayo ang T and J cafè. At kahapon nga ang naging opening non.
Kinuha ko na yung order at ibinigay na sa customer na nag order.
Ilang oras ang nakalipas ay humupa na ang tao sa shop kaya naman ay naisipan ko munang pumunta sa isang table para mag lista ng mga kailangan sa shop.
Malapit na akong matapos sa paglilista nang makarinig ako ng ingay . Nilingon ko ito at napanganga nang makita si Chleo na nasa bukana ng shop at may dala dalang Bouqet ng white roses. Yung mga costumer na mga estudyante ang tumili.
Napailing nalang ako nang lapitan ako ni Chleo. Ang kulit talaga!
"For you!" Abot niya sa bulaklak.
Tinignan ko siya at pinanliitan ng mata .
"what's that? " tanong ko.
"A flower...? " pilosopo niyang sagot kaya akmang ihahampas ko sa kanya yung hawak kong clip board.
Humalakhak siya at umupo sa harapan ko at inilapag ang bulalak sa mesa.
"That's just a... congrats gift! " ngisi niya.
"Really huh?"
"Really! "
Umiling nalang ako sa kakulitan niya.
Kung matatanong niyo kung kami ba? Hindi. At kung nililigawan niya ako ulit? It's a NO. We stayed as friends and he understand that.
And if you ask about him? I dunno. Kasi kahit ako walang naging balita sa kanya, ang alam ko lang he's in France and currently taking his degree there. Hindi ko alam kung kailan siya babalik.
" Where's your twin?"
Nagangat ako ng tingin sa kanya . Ayos na kami ni Jana.
" She's in her work now and sabi niya dadaan nalang sila nila Celestina dito after work. "
Tumango ako at inayos ang gamit bago tumayo at kinuha ang bulaklak na dala niya.
"Thanks for this. By the way, do you want anything? "
"Your treat? Yes! I want Cappucino and Tacos " ngisi niya.
Nginitian ko siya.
"Okay, i will charged it to you and i'll just deliver the receipt to your office . Aryt?"
Humahagikgik na tumuloy ako sa may counter .
Hindi pa pwede ang treat treat na yan! Kaka open ko palang ee! Haha.
Totoo ngang dumiretso sila Jana dito sa Cafè. Kinamusta lang nila ako at nagkwentuhan narin kami. Nagsi uwi narin nang mag alas syete na.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa Ice Cream Parlor . Nang maka uwi ako ay sinalubong agad ako ng 3 years old na pamangkin ko na si Hera. Anak ni Ate Cass at kuya Nathan. Nandito siya sa bahay kapag nasa trabaho si Kuya at may inaasikaso si ate Cass sa Boutique niya.