Chapter 17: It's Me, Baby

39 3 0
                                    

Lian's POV

Simula nung araw na iyon niligawan nga ako ni Zeke kahit na niloloko ko siyang hindi naman ako pumayag na magpaligaw pero ang lagi niyang sagot ay .. ' Basta! Liligawan kita gusto mo man o gusto mo.' . At yung bulaklak na pinapadala sa akin ni Mr. Mystery ( mystery dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin siya kilala -_-) ay tuloy pa rin kaya naman kapag natatanggap ko iyon ay lagi kong binibigay kay Paula para ilagay nalang sa Vase doon sa Shop.Sayang kasi kapag itinapon .

"Lian mamaya doon ulit tayo sa inyo ah?." Sabi ni Jana.

Mag  pa-finals na kasi kami next week kaya naman ngayong week ay sunog kilay talaga kami sa pag aaral.

"Doon naman tayo sa inyo! Lagi nalang sa amin nakakasawa na sa bahay eh, tsaka para narin makapunta naman ako sa inyo." Sabi ko. Lagi kasi kami sa bahay eh.

"A-uhmm, b-bawal kasi sa bahay namin kasi ano....kasi si..sila Mommy ay may bisita mamaya. "

Lagi niyang sagot iyan! Ang weird ah? Laging may bisita mga magulang niya.

"Hmmmmp. Daya! Pero, sige na nga saamin na. Pero walang mag hahatid sayo pauwi , hindi sasama si Zeke dahil may tatapusin pa raw siya tas si kuya naman bukas pa uuwi dahil may outing sila ng mga katrabaho niya.." si kuya kasi ang naghahatid sa kanya pauwi tapos pag wala pa si kuya ay si Zeke naman.

"Okay lang , papasundo nalang ako sa driver namin."

Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa Locker room. Pauwi na kasi kami kukunin ko lang yung bulaklak para maibigay ko kay Paula, dadaan kasi ako sa Shop ngayon.

Pag kadaan namin sa shop ay dumiretso na kami sa bahay.

..

..

..

..

..

"Bye bye. Ingat kayo!" Paalam ko at kumaway kila Jana na paalis na.

Kakatapos lang namin mag study , mag tatagal pa sana siya ang kaso biglang dumating yung driver nila at pinapasundo na raw siya ng parents niya. Ang wierd nga e , kasi diba kapag may driver sa likod ka uupo? Sa front seat kasi umupo si Jana tapos hindi pa bumaba yung driver para pagbuksan siya.

Nang hindi ko na makita yung sasakyan nila ay pumasok na ako sa loob. Niligpit ko muna yung mga gamit na ginamit namin kanina bago umakyat sa kwarto .

Naligo muna ako. Nag bo-blower ako ng buhok nang biglang tumunog ang cellphone... baka si Zeke. Alam niya kasing wala akong kasama ngayon dahil wala si kuya , si Mama naman kasama ni Papa na bumalik sa Korea. Si manang nag day off muna dahil may sakit daw yung anak niya. Pag katingin ko sa phone number lang yung nakalay, hindi ang pangalan ni Zeke. Sino kaya ito?

"Hello? Sino po ito?" Tanong ko sa kabilang linya. Walang sumasagot.

"Hello? Hello~~~" ulit ko pa pero wala parin.

"Hello--" biglang nawala.

Tiningnan ko yung cellphone ko. Namatay na yung tawag. Sino kaya iyon? Hindi pamilyar yung number e.

Itetext ko na sana yung number para itanong kung sino ba siya pero biglang nagpop out yung number ni zeke .

Monkey's Calling...

Sinagot ko yung call.

"Hello!!" Bati ko.

"Hi, kamusta ka diyan? Are you okay being alone there? Want me to go there?" Sunod sunod na tanong niya.

Napangisi ako.

"OA much? Okay lang ako noh! Ako pa! Macho ata 'to." Biro ko.

"Tsss. Sure ka? Macho ka pala e. Nga pala , tinawagan ko na si Sadako ,.white lady tapos si Shomba. Tatabi nalang daw sila sayo mamaya kapag tapos mong patayin ang ilaw . " Leshe!! Yung kinatatakutan ko pa.

Humalakhak siya ng maramdamang natigilan ako.

"Leshe! Mamatay ka nang Unggoy ka!! Grr."

"I love you~" lambing niya.

"Tse! I hate you!"

Hindi parin talaga ako makapaniwalang nililigawan na

ako ni Zeke. Oo, may mga nagbago sa kanya ...katulad nalang ng pagiging sweet niya sa akin ngayon yung pag hahatid sundo niya sa akin though hinahatid niya rin naman ako dati.

"Hmmmm. Natahimik ka?" Tanong niya

Gaaaahd! Ba't kailangan husky ang boses?

Kinagat ko ang labi ko ."W-wala... may iniisip lang ako"

"Lalaki? Sino yan? Pinipormahan ka ba huh? Sabihin mo taken ka na." Narinig ko ang bitterness sa tono ng pagsasalita niya.

Humalakhak ako. Seloso!

"Taken ka diyan! May tumawag kasi sa akin ..uh.. bago ka tumawag pero hindi nasagot."

Narinig kong tumikhim siya at nagpalit ng pwesto. Humiga siguro.

"Tumawag? Baka sina Shomba na iyon!" Biro niya pa.

"Ewan ko sayo!"

Bakit kasi kailangan pang manakot ee.

"Takot ka na niyan? "

"Tseh! Tumigil ka ah!"

"Oo na po... titigil na,mamaya hindi mo pa ako sagutin e"

"Asa ka namang sasagutin kita! Tsaka pinayagan na ba kitang manligaw ah?" Biro ko at ngumisi.

"Basta! Diba sinabi ko na sayo liligawan kita. You like it or you like it!."

Nag option pa siya? Parehas din naman!

"Ewan!"

"Wala ka ng Choice ha! Kaya wala ng space iyang stalker mong panget."

Stalker? Sino? Yung tumawag ? Hindi ko nga alam kung lalaki ba iyon o babae eh.

"Baliw!"

"Baliw sayo."

Napangisi ako sa sinabi niya . Sana ... sana walang humadlang sa amin kagaya ng sa mga napapanood kong teleserye .

"Ewan."

"Date tayo!"

Nagulat ako sa sinabi niya,.ngayon lang niya ako niyayang mag date simula nong manligaw siya dahil sabi ko nga hectic pareho ang sched namin.

"Huh? Kailan naman tsaka wala pa akong time, tayo... kasi finals pa natin nextweek. Kailangan magaral"

"Edi Pag katapos ng finals natin!"

Pagkatapos ng finals? Why not diba? Perfect timing para sagutin ko na siya sa panliligaw na ginagawa niya.

"Okay ..pagkatapos. " sang ayon ko.

Pagkatapos ng mahabang usapan na iyon ay nag paalam na ako dahil late na rin, ayokong pumasok ng bangag bukas. Nakangiti ako ng malaki ng humiga ako sa aking kama.

Nahagip sa isip ko kung sino ba talaga iyong tumawag sa akin kanina. Siya kaya yung nagbibigay ng bulaklak sa akin at naisip niya ng magpakilala? I should text that number para malaman ko na. Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa study table ko at nag type.

Me:

Hello! May i know who you are?

Nang maisend ko iyon ay umupo muna ako sa upuan at naghintay ng reply. Wala pang 3 mins. Ay tumunog na ang phone ko.

Stranger:

Why? :)

Me:

I just want to know who you are. Is that a problem? And i also want to ask if.... if ikaw ba y-yung nagbibigay sa akin ng flowers?

Medyo natalagan siya sa pagrereply kaya naman humiga ako sa kama , hawak parin ang cellphone.

Lumipas ang halos 30 mins. Ay nagreply na siya sa wakas. Pero nagulantang lang ako sa reply niya.

Stranger:

Yahh. It's me , the one who keep giving you flowers. It's me baby. I'm back! I Still love you... sorry . Hope you still love me too and i hope matanggap mo ulit ako. :(

B-bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang nakamove na ako? Bakit ngayon pang... may mahal na akong iba at masaya na?

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon