Chapter 7: Secret of Jenny? 0.o

47 3 0
                                    

Lian's POV

Ang boring~  *huwaaa* (-0-)

nag di-discuss lang naman  kung ano ano si Ma'am tungkol sa mga gagawin sa graduation.

Antok na ako ×.×

"huy..Lian wag kang matulog mapapagalitan ka ni ma'am " bulong ng katabi ko si Jane

"niaantok na ako e ×.×"

hayy nako.

kwento nalang kaya ako sa inyo? e anu namang ku-kwento ko.. hmm..ah alam ko na yung nangyari nalng nung sabado sa Amusement Park gusto niyo? ayaw niyo? k. wag niyo basahin kung ayaw niyong malaman Bleeh :p

(A/N>> bad ka Lian niaaway mo yung readers )

Ay wag na lang pala umuwi lang naman kasi kami non pag katapos kong makarecover dun sa pagkakasugat ko sa tuhod.Si Tommy yung naghatid sa akin tapos si Ate Cass sumabay kaila Zeke ,inaya ako ni Zeke na sumabay na sa kanila kaso umayaw ako kasi baka mag karambol sa sasakyan dahil baka hindi ko mapigilan yung sarili ko na sabunutan yung si Jenny nayon  TALANDI e tapos kung makatingin pa sa akin kala mo may ginawa ako sa kanyang mali..asar langss

"Ms.Monzales ? MS.MONZALES!!"

"ay palaka!" kakagulat naman si ma'am bigla nalng nantatawag. tawa tuloy ng tawa yung mga kaklase ko tinignan ko sila ng masama kaya ayun nagpigil ng tawa yung mga loko.. >.

"kanina pa kita tinatawag Lian may problema ba?"

"wala po..sorry po ma'am ,ano nga po ulit yung sinasabi mo?"

"so as i was saying ..mag handa ka ng speech for graduation dahil ikaw ang Valedictorian ng Graduating  Batch na toh."

"sige po ma'am, thank you po"

"sige.Okay class pumunta na kayo sa Gymnasium at may practice kayo for the upcoming Graduation." nag sitayuan na yung mga kaklase ko tapos lumabas ,naiwan ako kasi inaayos ko pa yung gamit ko.Palabas na sana ako nang tawagin ako ni ma'am.

"Lian.."

"Ma'am?"

"Congrats.. pag patuloy mo lang yan,i know in the future  magiging successful ka "

"Thank you po ma'am"

**********

"Okay 15 mins  break muna!!" sabi ng nagtuturo sa aming teachers..

"hayy.. nakakapagod naman Punta tayo Canteen ,sama ka lian?" aya ng kaklase ko pero tumanggi ako pagkatapos kong sabihin yun umalis na sila.

"Ma'am can i go to CR?" pagpapaalam ko.. naiihi na ako eee .

"okay bilisan mo lang kasi after 15 mins. mag s-start na ulit tayo.."

"okayy po"

Palabas na sana ako ng Cubicle nang may marinig akong pumasok at nilock kaya naman nag stay muna ako sa loob.

"Girl ano ng plano mo?"

"syempre stick to the plan.. gagamitin ko siya para mapabagsak yung babaeng yon."

parang may kaboses yung babaeng yun ah? si jenny ba yun?

"e jenny bakit ka ba galit na galit dun ?"

tama nga ako si Jenny nga, pero sino naman yung babae tapos sino yung ginagamit niya lang na si 'i-don't-know-who'

"Malalaman mo rin.."

"pero pano kung malaman nung girl tapos sabihin niya sa kanya ,anung gagawin mo?"

"hindi niya malalaman. at kung malaman man niya hindi naman siya papaniwalaan dahil diba nga malakas ang tama nun sa akin? so wala ding kwenta kung sabihin niya dahil d siya paniniwalaan nito "

"so confident ah?"

"ofcourse.let's go "

narinig ko nalang ulit  na bumkas yung pinto ng cr tapos lumabas na sila kaya naman lumabas na din ako ng cubicle at bumalik na sa Gym.

*************

"Tahimik mo ata best?" tanong sa akin ni Zeke ,nandito kami sa may Garden ng school hinihintay niya si Jenny ako naman ayaw ko pa umuwi dahil nitatamad pa ako..

"uhhh wala may iniisip lang"

"anong iniisip ng bestfriend ko" sabay akbay niya sa akin

"wag mo nga akong akbayan baka makita tayo ng GIRLFRIEND mo" pag e-emphasize  ko pa sa 'girlfriend' tapos tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sa akin.

"Okay..pero ano ngang iniisip mo share ka naman jan.Minsan nalang tayo magusap e,lagi ka kasing busy" tama minsan nalng kami mag usap dahil lagi silang magkasama ni Jenny tapos ako pag aayain niya d ako sumasama dahil para lang akong third will kaya hindi na ako sumasama sinasabi ko nalng na busy ako.

"ikaw din naman  ah lagi kading busy ..busy kay jenny"

"ee sige na best sabihin mo na *pout*"

"wag ka ngang mag pout ampanget mo! saka ko na sasabihin kapag sure na ako wag ka nang umangal ..ayan na yung girlfriend mo" sabi ko sakanya

"Hi Babe! *tsup*  "  bati ni jenny kay Zeke at humalik kaya umiwas ako ng tingin..

"hello Lian " bati niya sa akin sabay flash ng Fake smile niya .

tinitigan ko muna siya saby flash ko ng napakaganda kong ngiti at binati ko rin  siya

"Hi Jenny ^___^"

"oh..una na kami best ah? "

"ge "

habang paalis sila nakatingin lang ako sa likuran nila ..

siguraduhin mo Jenny na hindi ang bestfriend ko ang ginagamit mo dahil once na malaman kong si Zeke ang tinutukoy mo patay ka sa akin..ako ang makakalaban mo.

..

..

..

..

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon