Chapter 13: Ikaw

29 3 0
                                    

Lian's POV

Pag katapos umalis ng waiter ay natahimik na kaming dalawa ,walang imikan habang kumakain ,nakikita ko pa siyang sumusulyap sa akin pero iniirapan ko . Bahala siya sa buhay niya!

Nang matapos kami kumain nag aya siyang manuod muna ng sine bago kami tumuloy sa National Book Store.

Ako ba yung tinutukoy niya na mahal niya? Kasi yung tingin niya parang ipinaparating na ako yun. Ayokong mag assume pero hindi ko mapigilang umasa. Napabuntong hininga ako sa naisip.

"Oy,Lian. Kanina ka pa bumubuntong hininga diyan,may problema ba?" Lingon niya sa akin mula sa pinapanood na palabas.

Pinanliitan ko siya ng mata at sinagot.

"Wala! Iniisip ko lang yung katangahan na ginawa mo." Taray ko

"Grabe naman 'to! Pasalamat ka........" may binulong pa siya pero hindi ko na narinig dahil sa malakas na sound na nanggaling sa palabas ...nasa climax na kasi nung story.

Hindi ko na pinansin yung binulong niya dahil iniisip ko parin yung ginawa niya. Sino kaya yung tinutukoy niya na mahal niya? Ako kaya? Ayy nako Lian sabi nang 'wag maging assuming e! Pero parang wala naman kasing pinapansin na babae yun bukod sakin at kay Jenny ( noong mag on pa sila) , hindi lang halata pero suplado yung mokong na 'to. Wala naman din siyang nababanggit noon. Hayyy.

Pag katapos noong palabas (na hindi ko naman naintindihan) ay nagpunta na kami ng National at namili na ng mga gamit.

"Best oh,Rilakkuma!" Mabilis ko siyang nilingon. May hawak siyang notebook na rilakkuma tapos may kasama pang ballpen  waaaah partner!

"Akin na!" Kukunin ko na sana kaso bigla niyang itinaas. Pinilit ko pang kunin kaso ayaw niya talagang ibigay kaya tinalikuran ko nalang siya at naglakad papunta sa counter para magbayad na.

"Oy... best galit ka?" Tanong niya habang naglalakad na kami palabas ng SM . Hindi ko siya pinansin at diretso lang ang tingin ko.

"Uyyyy wag ka na magalit best...Lian. "hinarangan niya pa ako sa daanan at nag pacute sa harap ko ,may pa pout pout pang nalalaman kala mo naman cute! Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinulak para makadaan ako. May narinig pa akong usapan ng mga babae.

"Kawawa naman yung Boy tinalikuran lang,ang cute pa naman at gwapo!" Anila.

Anong cute d'on? Mukhang siyang duck na unggoy!

Sumakay ako ng Bus na hindi tinitingnan kung sumunod ba si Zeke, bahala siya matanda na siya . Nagulat nalang ako nang makita ko siyang umupo sa tabi ko at hingal na hingal...nakasunod pala ang mokong. Tumingin nalang ako sa labas dahil masyado akong naiilang sa mukha niyang pawis at gulo gulo ang buhok. Ang gwapo!  Hapon na pala ...kaya pala ang sakit na nang paa ko kanina . Ang tagal naming nagikot sa SM.

"May panyo ka best?" Napalingon ako sa kanya.

"Meron...bakit? "

"Hindi ko kasi mahanap yung panyo ko ee . Tignan mo 'tong mukha ko pawis na pawis " hinawi niya pa yung buhok niya na humaharang sa gwapo niyang mukha para lang makita ko yung mukha niyang pawisan. Nag iwas ako ng tingin at hinanap sa bag ko yung panyo at binigay sa kanya ng mahanap.

"Thanks.. " sabi niya pag ka abot ko nung panyo.

"Saan ka pa kasi nag sususuot at pinawisan ka ng ganyan?"

"May binalikan kasi ako sa National tapos pagka balik ko nakita kitang palabas na at papunta dito kaya tumakbo ako" paliwanag niya. Nag iwas ako ng tingin kasi nakakailang , pinupunasan niya yung buhok niya at batok ,yung buhok niya gumulo lalo dahil sa pag pupunas niya.  ANG HOT!

"Ano namang binalikan mo aber? May nakita kang magandang babae ano?" Biro ko.

Tiningnan niya naman ako ng seryoso .

"Bakit selos ka? Tsaka Kailan ba ako tumingin sa mga babae huh,Lian?"

"Sus! Alam mo kayong mga lalake pare pareho lang ganyan ang sagot ."

"Pwes! Ibahin mo ako.  Kilala mo naman ako ah?"

Nag kibit balikat nalang ako sa sagot niya at tumingin nalang sa labas.

Malay mo diba? Ganun naman e, akala mo kilalang kilala mo na pero malalaman mo nalang na may baho pa palang itinatago. 

Pag ka baba namin ng Bus ,naisipan ko munang dumaan sa park tutal madadaanan nadin naman papasok sa  Village.

May mga tao pang namamasyal kasama ang mga anak nila at may mga iilan ding nag di-date. Umupo ako sa bench na walang tao at nasa ilalim ng puno.

"Best  . . Anung gagawin natin dito? " tanog ni Zeke at umupo sa tabi ko.

"Wala..." sagot ko naman

Waaaahh, ang cute nung puppy! Gusto ko n'on...

"Anong wala?! Bakit tayo nandito?" Hinarap niya ako ,hinarap ko din siya at pinanliitan ng mata.

"FYI! Hindi kaya kita inaya na sumama dito, kusa kang sumama. Kung gusto mong umuwi , edi mauna ka na!" Taray ko.

Binalikan ko ng tingin kung nasaan yung cute na puppy... wala na siya d'on. Kainis kasi si Zeke eh! Nawala tuloy.

"Hoy.. Zeke sino nga pala yung babaeng 'TOTOONG' mahal mo? Parang wala ka namang nababanggit sa akin bukod kay Jenny ah?" Tanong ko sa kanya ng hindi ko na talaga makita yung puppu. Tatanungin ko nalang siya tutal mag kasama narin naman kami eh.

"Ikaw...." napalingon naman ako sa kanya , iyan na naman ang tingin niyang parang may pinaparating . SHIT! Bakit ba yung bawat sagot niya eh nabubuhayan ako ng loob na may pag asa pa para sa amin? Peste Zeke! Umayos ka.... "I-i mean ...ikaw... ikaw kasi! Hindi ka naman nagtatanong " dugtong niya.

Nag iwas ako ng tingin at yumuko . Feeling ko napahiya ako d'on sa inisip ko kahit na ako lang naman ang nakakaalam at wala namang nakarinig. Ikaw pala ang peste Lian! Sige assume pa... push mo yan!

"Ah..... hindi ko naman akalain e  ang akala ko kasi si Jenny lang ang gusto mo." Matamlay kong sambit at tumayo.

"Tara na , uwi na tayo... gumagabi na rin" aya ko at nag simula nang mag lakad .

Nang makarating kami sa tapat ng bahay , nagpaalam na ako sa kanya . Papasok na sana ako ng tinawag niya ako.

"Bakit?" Lingon ko.

"Eto oh.. " nagulat ako ng inabot niya sa akin yung Notebook na Rilakkuma ang design at may kapartner na Ballpen.... yun kanina sa National.

"Iyan yung binalikan ko kanina sa National " kamot batok na sagot niya.

"B-bakit... i mean bakit mo pa binalikan?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

"Kasi, diba favorite mo iyan? Tsaka sorry gift ko na rin. Sige best... pasok ka na , uuwi na ako" tinalikuran niya na ako at nag simulang mag lakad. Gusto ko pang mag tanong kung bakit pa niya binili ito at  mag thank you narin pero walang lumabas na salita sa bibig ko .  Nakaalis na siya't lahat. Kaya naman itinext ko nalang siya.

Me:

  Zeke, thank you ah?

Pag kasend ko n'on mga 1 min. Lang ang nakalipas nakapag reply na siya.

Zeke:

Welcome ! Basta ikaw :)

Napangiti ako sa reply niya. Hindi na ako nag reply ,pumasok na ako sa loob ng bahay.

Hindi parin nag si-sink in sa akin lahat ng nalaman at nangyari ngayong araw. Hayyy  buhay!



Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon