Chapter 29: Jealous

18 2 0
                                    

Lian's POV

"Lian... is this okay? " tanong ni Hailey.

Nagluluto siya ngayon ng seafood pasta. Yung seafood nalang ngayon ang niluluto niya . Two weeks had passed.

"Let me taste it. "

Kumuha ako ng kutsara at kumuha doon sa pan para tikman.

"Hmmm. Okay na. You can turn off the stove then plating nalang natin. "

Tinitigan ko siya na tutok na tutok sa pag p-plating. Hindi ko alam na ganito siya kaganda. Mukha siyang isang hollywood actress. Ang tangos rin ng ilong niya, nahiya ang ilong ko na hindi naman ganon katangos. Yung eyelashes niya ang haba na animo'y naka extension. At yung mga mata niya na ang inosente at parang walang problema. Kaya siguro siya nagustuhan agad ni Zeke.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang magangat siya ng tingin sa akin.

Ngumiti siya kaya gumanti rin ako. " i'm done!"

Hawak niya pa ang tissue nang pumasok si Zeke sa kusina. Yes. Nandito ako sa bahay nila. Wala dito sila Tita nasa France pa daw.

"Tapos na kayo?" Tanong ni Zeke kay Hailey.

"Yup! Taste it . Masarap yan! Luto namin ni Lian. Sabi niya kasi iyan daw yung favorite mong kainin dati , siya din ang nagturo sa akin kung paano gawin yan. "

"Talaga?"

Ngumiti ako ng liningon ako ni Zeke at tumango. Ngumiti rin siya pabalik at umupo na para makakain.

Sana may maalala siya kapag natikman niya iyon. Favorite niya iyon kasi ako ang gumawa noon. Iyon ang pinaka kauna unahan kong gawa at siya ang unang nakatikim non. Siya ang unang humusga at pumuri. Kaya sana sa pamamagitan non kahit onti lang sana... may maalala siya.

"This is delicious! Parang gawa ng isang professional na chef. " narinig kong halakhak ni Zeke. " It taste familiar , though"

Napalingon ako sa kanila. T-that's exactly what he said noong una niya iyong natikman! Nangilid ang luha sa mga mata ko. Kahit iyong simpleng mga salita na iyon ay parang pinipiga na ang puso ko sa saya. Unti unti... makakaalala rin siya.

Nawala ang saya ko nang makita ko na sinusubuan ni Hailey si Zeke na namumula na ang mukha ngunit malaki ang ngisi. Nagiwas ako ng tingin sa kanila at lumunok. Parang nilagyan ang lalamunan ko ng semento .

"Oh, lian! What are you doing? Kain ka rin! " paanyaya ni Hailey sa akin.

Agad akong umiling at pinakita ang cellphone ko na nag v-vibrate dahil sa tawag na galing kay Chleo.

Makahulugan namang ngumiti sa akin si Hailey bago tumango.

"Hello" sagot ko.

"Where are you? " malamig na tugon ng nasa kabilang linya.

"Why? "

"Susunduin kita! What were you thinking, Jillian!? "

"Chleo---"

"Nasaan ka?---"

Napatingin ako sa Cellphone ko na biglang namatay dahil sa pagka lowbat. Hindi ko pala ito naicharge kagabi.

Nagkibit balikat nalang ako. Kakausapin ko nalang siya mamaya. Pihadong pupunta naman yun sa Cafè . Lalo na't naputol yung tawag at may sermong nakahanda sa akin. Hayy... ako ata ang dahilan kung bakit mabilis na tatanda iyong lalaking iyon. Lagi nalang niya kasi akong pino problema.

"Away?"

Lumingon ako sa nagsalita sa likod ko. Si Zeke. Luminga ako para hanapin si Hailey pero wala akong nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon