Lian's POV
Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa ngayon. I don't even care kung saan ako mapunta. Basta ang alam ko lang ay takbo ako ng takbo at walang pigil sa pagiyak. Ganito... gantong ganto ang nangyari noon. Yung sakit... yung pagiyak , yung pagtakbo. Bakit ba lagi nalang ganito ang nangyayari? Sinumpa ba ako? Kasi paulit ulit nalang eh.
Ang sakit ! Ang sakit sakit! Feeling ko hindi lang kutsilyo ang tumutusok sa puso. Itak na ata. Bakit ang unfair? Bakit!? Bakit nagka amnesia siya!? At bakit may girlfriend siya!? Yung promise niya? Paano na? Di-diba sabi niya... sabi niya babalik siya.
Oo! Bumalik nga siya! Pero bakit hindi naman niya ako naaalala? Amnesia!? Bakit siya pa!?
Hindi ko na namalayan na sa pagtakbo ko muntik na akong masagasaan. Malakas na busina ang narinig ko. Nilingon ko ang sasakyan, kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha ay nakita kong pababa ang driver nito. Hindi ko lang maaninag ng maayos ang mukha.
"Sorry. I'm so sorry. " sabi ko bago tumalikod.
Sana nabangga nalang ako. Para makalimutan ko itong sakit. Nagulat ako ng biglang may humatak sa braso ko.
"Babs... "
Zeke? mabilis akong lumingon sa lalaki. Yes , lalaki ang he's not Zeke. Mabilis na bumugso ang panibagong luha sa mata ko.
"Lance... "
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagiyak.
"Why are you crying? " takang tanong niya.
Nakita ko pa si Hannah na pababa sa sasakyan. Agad na lumapit sakin si Hannah ng makita ang kalagayan ko.
Inalalayan niya ako paupo sa isang bench. "Lian..."
"Bakit mo ako tinawag na 'babs' kanina Lance? " humihikbi kong tanong.
"Nakita ko dito ." Ipinakita niya sa akin yung usb na bigay ni Zeke saakin.
Mas tumulo ang luha ko. Right! Bakit ko ba inisip na baka si Zeke iyon at sinundan ako at naalala na ako?
Napatigil ako sa pagiyak ng makarinig ng paghikbi sa tabi ko. Napatawa ako ng wala sa oras ng makita ko si Hannah na basa na ang mukha.
"Bakit ka umiiyak diyan? Ako etong nag e-emote dito tapos umentra ka diyan. "
Pinunasan ko ang luha ko.
"Lian naman e!? Pero bakit ka nga umiiyak? Anong nangyari?"
After i told them everything . Inihatid na nila ako sa bahay kaya nagkulong lang ako sa kwarto ko. Buti wala sila mama ngayon.
Nakatihaya ako ngayon sa kama ko at feeling ko kapag tumingin ako ngayon sa salamin bagay na ako mag halloween party. Tuyo na ang water bag ng mata ko at wala ng mailabas. Bumibigay narin ang mga mata ko. ' i promise... i'll be back. Babalik ako no matter what'
Huli kong nakita ang mukha ni Zeke bago tuluyang pumikit ang mga mata ko sa pagod.
Pagkagising ko kinabukasan ay doon ko lang narealize na sobrang malas ko. sobrang bigat ng pakiramdam ko, ramdam ko rin ang pagkabigat ng mga mata ko. Hinawakan ko ang ulo dahil sa sakit. Nahihilo ako. Siguro dahil narin sa mga nangyari kahapon
. Kahapon?Napangisi ako. Oo nga pala . Hindi siya panaginip. Hindi ... at hindi magiging. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil sa sobrang kirot.
Ano bang nangyayari? Hindi naman ako uminom ah? Tsaka noong nakaraan pa ito. I better have it check , pag may time na.
Pinuntahan ko ang pintuan at binuksan nang makarinig ng katok. Si Celes.
"Oh? Ang aga mo ah? Tsaka pano ka nakapasok?"