Chapter 14: kilalang kilala

30 3 0
                                    

Lian's POV

"Tommy, musta na?" Kumaway ako sa may camera, ka skype ko kasi si Tommy.

"Okay lang, medyo nagiging hectic na ang sched. ko ngayon . Sorry Jill ah? Ngayon lang ako nakatawag."

" 'Nu ba! Okay lang iyon tsaka alam ko namang magiging busy ka na jan e. Alam mo ba naiinggit nga ako sayo eh."

"Bakit ka naman naiinggit ah? Ang hirap kaya dito."

Napanguso ako ...

"E kasi... ikaw kaya mong pag sabayin yung pag aaral tsaka pag te-train mo para sa pag handle ng negosyo niyo!" Paliwanag ako.

Tinaas ko ang paa ko katapat sa dibdib ko at niyakap .

"Sige palit tayo, dito ka ...diyan ako" halakhak niya. Naman e!

"Tseh! Hindi naman yun ang ibigsabihin ko 'no. "

"Diba start na ng pasok bukas? 11 na... matulog ka na , bukas nalang . I'll call you tomorrow"

Ngumuso ako ...ayoko pa matulog ee.

Parang nalaman niya ang nasa isip ko na ayaw ko pa matulog kaya naman sinermunan ako.

"Jill, you need to sleep . Diba maaga pa ang pasok mo bukas ? Baka bukas magmukha kang Zombie"

"Zombie ka jan! Oo na, matutulog na po . Babay... tawag ka bukas ahh?" Paalam ko bago nag log out at pinatay ang computer. Pagkatapos humiga na ako sa kama at natulog.

Kinabukasan , napuyat nga ako. Kaya naman pumasok ako sa first day nang bangag . Wala naman kaming ginawa masyado dahil wala pang mga prof. Yung sumunod na araw , doon na nagpakita ang ibang mga instructor namin at agad na nagturo kaya naman ang daming nainis kasi bakit daw mag tuturo eh second day palang naman. Tapos ang iba namang prof. ,pinagpakilala kami lahat para daw makilala namin ang isa't-isa.

"I'm Jana Castillo ,18 yrs old. " pakilala ng katabi ko.

"So , Jana tell us about yourself " sabi ng instructor namin.

Nag sabi siya ng mga bagay na tungkol sa kanya , mga favorite food, sports , etc. Nang matapos siya ako naman ang nagpakilala.

"Hi! My name is Jillian Lezielle Monzales, 17 yrs old . I love reading books,and eating . In sports, i like playing volleyball and badminton , i also like baseball and soccer but i don't play them . " pakilala ko at umupo na .

Hindi ko kaklase si Zeke halos sa lahat ng kinuha naming subject, ang course niya ay business management samantalang ako ay HRM sa iisang subject lang kami pareho pero sa sched . Namin halos pareho na.

Nagulat ako ng kinausap ako nung katabi ko.

"Jillian, you like volleyball also?" Tanong niya.

Oo nga pala , volleyball din sport niya.

"Ahh.. oo eh."

"Do you want to try-out for the new volleyball team? Balita ko kasi nag hahanap sila sa mga Freshmen."aya niya sa akin.

Umalis na din kasi yung instructor namin , break na namin kaya nag aayos na ako ng gamit para pumunta sa canteen.

"Ganun ba? Sige ,try ko . Kailan ba iyon?" Sinarado ko ang bag ko at tumayo na. " Sama ka? Canteen tayo" aya ko sa kanya.

"Sa sabado na iyon. Tamang tama , wala pa din kasi akong friend dito"

Wala? Edi ako.

"Bakit ako hindi ba?" Tanong ko at nilingon siya

Ngumiti siya. "Sige ba! Sabi mo iyan ah? Friends na tayo."

Nginitian ko rin siya at tumango.

Naglalakad nakami papunta sa Canteen ng may madaanan kaming kumpulan ng tao.

Worth ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon