Chapter Fifty

226 6 2
                                    

-TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!

SAFE AND ALIVE

Knoxx Point Of View

Mahirap pa lang mag alaga ng buntis, her mood swings is not a joke lalong lalo na ang mga cravings niyang minsan ay halos ikapanghina ko na. Sino ba namang baliw ang maghahanap ng pink na orange? kaya nga tinawag na orange kasi color orange e.


"Wife, wala ngang ganoon e." And here I am, nanunuyo nanaman ng tinotoyong buntis.

"Gusto ko nga ng blue na avocado e!" Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang magsimula na itong umiyak. Minsan, hindi ko alam kung nag aalaga ba ako ng buntis o baliw, daig ko pa yung mga nurse sa mental facility e.

"Hush, okay.. I'll find a blue avocado, stop crying na." Pag-aalo ko sa kaniya, tumahan naman ito at nag papacute na yumakap sa'kin. Ito lang ata ang gusto ko sa pagbubuntis niya, she's clingy and I love it.

"Knoxx, may babae ka siguro no?” Napangiwi naman ako sa tanong niya.

I just hug her from behind, put my head on the hollow of her neck. "You're too perfect, bakit pa ako maghahanap ng iba kung sobrang sapat ka na?"


"Corny mo!" Tumawa lang ako, pinaharap ko siya bago ako yumuko at hinalikan ang baby bump niya, she's five months pregnant now.

"Hey there babies, kalmahan niyo naman yang mga cravings niyo, hindi ko na kinakaya e." Mahinang bulong ko.

"Knoxx , I'm sleepy na.." Nagpadyak-padyak ito, tinimplahan ko muna siya ng gatas at pagkatapos niyang inumin iyon ay iginayak ko na siya papuntang kwarto.

"Yey, bed time stories na!" She giggled cutely.

I pinched her cheeks and kissed her forehead. She loves bed time stories at marahil ay isa rin iyon sa pinaglilihian niya.
I took the book from the small bookshelf here in our room and start reading, she's just looking at me and listening.

"Snow White, took a bite of the apple and after that she collapsed. The witched devilishly laughed while looking at Snow White being unconscious."

"Siguro words of affirmation love language ni Snow White." Biglang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Why did you say so?" I asked.

"Kasi mabilis lang siyang nauto ng witched e." Kibit balikat niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang mag kwento ulit. "And when the Prince kissed her lips , she opened her eyes then they finally got a happy ending."

"Ih?" Aniya, mukhang bitin.

"Panget naman ng ending! Halatang gising si Snow White tapos crush niya lang yung Prince kaya nagkunwari siyang tulog para ma-kiss." Asik niya at pinikit ang mata.

I thought she's sleeping when she opens her eyes and look at me with teary eyes.

Naalarma naman ako dahil baka may masakit sa kaniya, maselan pa naman ang pagbubuntis niya at halos kakatapos lang ng isang linggong bed rest niya, mahina raw kasi ang kapit ng bata kaya mas naging maalaga ako sa kaniya.

Dito na rin ako nag t-trabaho para mas maigi ko siyang mabantayan , I hired fifteen of nurses and five doctors to check her up from time to time.

"hindi mo na ako mahal?" Umiling iling ako at mabilis na lumapit sa kaniya, I wiped her tears away and kissed her.

"I love you, okay? Tell me what's wrong hm?" I gently asked her.

"Bakit hindi mo pa ako kinikiss? you see?ginagaya ko si Snow White para ikiss mo ako.." halos hindi siya makapagsalita ng maayos dahil humihikbi ito, para naman akong sinasaksak habang nakikita siyang umiiyak, I can't afford seeing my baby hurt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's A Rape VictimWhere stories live. Discover now