𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗲𝗻𝘁𝘆-𝗙𝗶𝘃𝗲

363 29 2
                                    

-𝗧𝗬𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗚𝗥𝗔𝗠𝗠𝗔𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗘𝗥𝗥𝗢𝗥𝗦 𝗔𝗛𝗘𝗔𝗗!!

𝗜𝗞𝗔𝗪 𝗟𝗔𝗡𝗚

|𝗛𝗲𝗿 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗢𝗳 𝗩𝗶𝗲𝘄|

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Ngayon ay napakaraming tanong ang tumaktabo sa utak ko.

Gaya na lamang ng ;

Paano kung makahanap ng kaibigan si Amadeo at makalimutan na niya ako?

Paano kung may kasama na ngayong iba si Knoxx?

Paano na ang mga kakilala at mga kaibigan kong maiiwan ko?
Napakaraming paano.

"Anak , ayos ka lang?" Maliit akong napangiti at tumango sa tanong ni mama. Ngumiti naman ito sakin at hinaplos ang tuktok ng ulo ko.

"Magugustuhan mo doon , tsaka marami ring mga bata doon na kaedaran mo lang panigurado ay magkakaroon ka agad ng kaibigan."

I'll find a new friends , but no one can change  that my best friends will always be the best.

The bond, the monents. I'll treasure that all.

"Ma , magtatagal po ba tayo doon?" Tanong ko.

"Hindi sigurado anak. Pero mukhang aabutin tayo doon ng taon." Ngumiti ako , ngiting may halong lungkot.

Hindi na lang ulit ako nagsalita at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Kita ang mga matatayog na mga punong kahoy , sa di kalayuan ay may mga burol din. Maganda sa mata ang kulay berdeng mga dahon , at napakasarap sa pakiramdam ng malamig na hangin.

Ito ang pangalawang beses na pupunta ako kila Lola , kung hindi ako nagkakamali ay tatlong taong gulang lamang ako ng una akong pumunta doon at ngayon ay labin' isa na ako. It's been 8 years since I last saw my grandma.

Nang makarating sa terminal ng bus ay bumaba na kami. Taimtim kaming naghintay ng jeep , mga ilang minuto rin ang ginugol namin sa paghihintay bago nakasakay sa pampaseherong jeep papunta sa bayan.

Ang ibang mga pasahero sa loob ng jeep ay pansin kong napapatingin sakin , may nakita pa akong batang lalaki na sa tingin ko ay isang taon ang agwat sakin. Nasa tapat ko siya , nakita kong ngumiti ito at kumaway pero hindi ko pinansin.

I remembered what Knoxx told me , ayaw niyang makipagusap ako sa mga lalaki kaya pinili kong hindi nalang pansinin ang estrangherong ito.

Bumaba kami sa sakayan ng trycicle, muli ay sumakay kami.  Sadyang napakalayo nga talaga ng kabihasnan sa probinsya nila Lola.

Maganda ang probinsya namin pero hindi ko maitatangging napakaganda ng probinsya nila Lola.

Maraming mga punong kahoy dito sa kanila , mga halamang namumulaklak  sa gilid ng daan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto kami sa tapat ng medyo kinakalawang na gate , bumaba ako mula sa trycicle at pinagmasdan ang bahay na nasa aking harapan.

Para itong sinaunang bahay , moderno lang ang disenyo nito at gawa rin sa kahoy na kawayan habang ang kalahati naman nito ay gawa na sa semento.
Dalawang palapag ito.

Lumikha ng mahinang tunog ang pagbukas namin ng gate. Napangiwi pa ako dahil masakit iyon sa tainga kahit mahina lamang iyon.
Parang sa mga horror movie ang naging tunog non.

Sinalubong kami ni tiya Linda, maganda si Tiya Linda ang kaso nga lang  ay mukhang walang balak mag boyfriend o magasawa ito, sabagay dalaga pa lang naman siya.

She's A Rape VictimWhere stories live. Discover now