𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗦𝗲𝘃𝗲𝗻

525 51 0
                                    

-𝗧𝗬𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗚𝗥𝗔𝗠𝗠𝗔𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗘𝗥𝗥𝗢𝗥𝗦 𝗔𝗛𝗘𝗔𝗗!!

𝗧𝗛𝗘 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗙𝗘𝗥𝗘𝗘

|𝗛𝗲𝗿 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗢𝗳 𝗩𝗶𝗲𝘄|

Pagpasok ko palang ng university ay sinalubong na agad ako ni Amadeo naka PE. uniform siya kagaya ko dahil araw ng byernes ngayon

"Salamat ulit sa dinner kagabi."
Ngumiti lang siya sakin at tumango

"Wala yun tsaka alam mo ba may bago daw transferee sa High School eh galing pa nga daw yun sa mas mataas na university kaya maraming nagtataka kung bakit siya nagtransfer dito." mas gusto ko talaga kapag diretso siya magsalita at walang halo ng kakonyohan.

"Baka trip niya lang?" hindi siguradong patanong na sabi ko.

"Siguro, tara na muna sa cafeteria mamaya pa naman ang klase natin eh." nagpatianod nalang ako sa paghila niya.

Alas nuebe ang simula ng klase namin ngayon 7:53 am palang naman kaya maaga pa.

Nag order lang ako ng sandwich at pink milk habang fries tsaka coke naman sakaniya.

May mga i-ilang studyante din dito sa cafeteria. Ang iba ay nagbubulong bulungan pa tungkol doon sa transferee lalo na ang mga high school students sabagay wala namang dapat pakealam ang kagaya kong elementary student.


"𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢 𝘬𝘭𝘢𝘴𝘦 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘥𝘪𝘣𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢-𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺?"

"𝘐'𝘮 𝘴𝘰 𝘦𝘹𝘤𝘪𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘮𝘦𝘦𝘵 𝘩𝘪𝘮 𝘧𝘰𝘳 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘴𝘰𝘮𝘦 𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘱𝘢'𝘵 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘰𝘱𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢'."

" 𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘥𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢,  𝘨𝘰𝘴𝘩 𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘵𝘦."Sumangayon ang mga kasama niyang babae sa huling tinuran ng isang high school student.



"Grabe talaga yang mga high school student na yan basta may transferee ay para ng binudburan ng asin kung makatili akala mo naman eh papansinin sila ng tranferee." anas ni Amadeo

Tama naman siya, ganyan talaga yang mga high school student kada may transferee , ewan ko ba kung anong meron sa mga tranferee eh pare-pareho lang din naman kaming mga studyante hayst.

Napabuntong hininga nalang ako , itunuon ko nalang ulit ang pansin ko sa pagkain. Inilabas ko din yung blue notebook ko sa PE. babasahin ko yung mga gagawin naming exercise at stretching mamaya para naman may alam ako.

"Pero alam mo curious talaga ako , ano kayang nakain ng taong yun at nagtransfer siya dito eh samantalang ang daming nangangarap na makapasok sa University na yun. Pero hindi sila pinapalad dahil sa masyadong malaki at mahal ang tuition fee, at sabi pa nila sobrang hirap daw ng exam doon to the point na ikaw na mismo ang magqui-quit." Tama nga naman siya bakit naman kaya mag ta-transfer ang isang studyante kung maayos naman ang university na pinagaaralan niya.

Baka trip niya lang talaga lumipat.

"Baka gusto niya ng bagong experience? I guess? hindi ko alam." I pouted.

She's A Rape VictimWhere stories live. Discover now