Inasar lang namin ng inasar nang dumating na sila Jai,aicel at kasama rin pala si Justin!
Lumapit naman sila sa amin na nakangiti. " Woii sasama ka? " tanong ko. Kumindat naman siya
" Syempre ako na to, di naman pwedeng si Jai at Aicel lang ang mag improved no, dapat tayo rin " sabi niya.
Iniwan namin sila at humanap ng mauupuan malayo sa kanila, gusto rin kasi nilang mapag isa. Si laica at Aicel nga rin umalis kasi iiwan daw nila si Franz at jai para makapag usap. Paano sila makakapag usap kong andun si Loury? HAHAHAHHA
" Ba't ka nga pala sumama? " tanong ko. Hinawakan niya naman kamay ko
" Kahit di kami close nila jai gagawa pa rin ako paraan para makasama ka " sabi niya " Gustong gusto talaga kitang makasama Atenna "
" Binitawan ko naman ang kamay niya " Ang dikit mo na masyado " awkward kong sabi " HAHAHA "
Lumayo naman siya " Sorry " sagot niya
Napansin naman namin si Aicel at Laica na nasa gilid lang namin at nakatingin " Tama na yan, punta pa tayong red mountain " sabi ni Laica
Tumayo naman si Justin at hinawakan ang kamay ko " Tara " sabi niya. Napansin naman nila ang paghawak ni Justin sa kamay ko
" Kayo na? " tanong ni Aicel, weirdo lang tumingin si Laica. Hiniwalay ko agad ang kamay ko
" Hindi pa " sagot ko. Tumawa naman si Aicel
" Pa? " tanong niya " So may pag asa? "
" Tumigil ka nga aicel! kainis " sabi ko at nauna ng maglakad papunta kina franz. Sumunod naman sila
"Hoy... Halina kayo" Tawag ni laica kay Jai at Franz, nagkakatuwaan na eh, baka gabihin pa kami pag nagtagal pa sila "Ang lalandi"
Lumapit naman sila sa amin at sumunod na sa paglalakad, ganun rin naman si Loury na walang jowa. Char, kailan kaya magkakajowa to? Wala rin naman pala kaming jowa eh!
"Saan tayo pupunta? " Tanong ni Franz habang naglalakad, syempre curious siya kasi wala siyang idea. Idea lang kasi namin to para naman magkaruon ng pag asa si Jai.
"Maglalakad tayo, dun tayo sa Cabungbungan"sagot naman ni laica. Mahilig talaga tung mang asar kaya kawawa talaga lagi si franz.
Palihim namang iniaabot ni Justin yung kamay ko! tinatapik ko lang ito habang naglalakad! Napansin ko naman ang paghinto nila kaya napatingin na rin ako.
"Ahm...k-kayo nalang baka hanapin ako ni papa" Paalam ni Franz. Sabi na nga ba at takot talagang maglakad to eh, pupuntahan lang naman natin kung saan naka parking yung motor nila franz nuba! Nginitian niya oa talaga kami at aalis na sana "Bye"
Syempre si laica may kasalanan kaya siya dapat umayos HAHAHA "Anong bye ka dyan? " Sabi niya "Joke lang walang maglalakad"
"Hindi, kayo nalang" Tanggi niya nanaman at ngumiti. Hindi pa ba sila sanay kay franz na di naman talaga sumasama pag naglalakad? Sira plano ni Jai nito HAHAH
"Hoy anong pinagsasabi mo dyan" Tanong ko, nagtatampo na ito eh, HAHAHHA oa nga naman "Tampo agad? "
"Anong tampo ka dyan? " Ito nanaman yung mga rason niya "Baka kase hanapin ako ni papa"
"Kasalanan mo to laica" Pagsisi ko, kasalanan niya naman talaga! Wala namang nagawa si Laica kaya niyakap niya si Franz para hindi makaalis "Manghingi ka ng tawad"
Tinawanan lang kami ni Franz, napansin ko naman si Jai na tahimik lang. Sira na plano mo blee "Alam niyo malalate na kayo sa lakad niyo" sabi niyaaa
"Walang late Late" Masungit na sabi ni loury. Pati si loury tumulong na rin sa pagkunsinti "Ang Arte"
YOU ARE READING
I Dare you to Love me (JuniorHigh Series 3)
Short StoryAtenna Baguinaon doesn't believe in true love because for her, there's no such thing as true love; everyone just desires gratification. As she puts it, " Wala naman talagang totoong nagmamahal sa akin, dahil lahat sila ay nagnanasa lang. Pati nga pa...