21

189 5 0
                                    

"Kanino galing to?" Tanong ko.

Tiningnan ko ang snacks na nilapag ni Melanie. Isang tingin ko palang sa snacks ay halata ko ng galing ito sa resto ni Jai "Kay Jai ba?" Tanong ko

"Ayy hindi po, pinapabigay daw po ni Mr. Olarte. Dumaan siya kanina at kakaalis lang po" sabi niya

"Bakit niya naman ako binibigyan ng snack?" Tanong ko at tiningnan siya

"Ewan po ma'am" sabi niya "Sa labas lang po ako"

Tiningnan kong mabuti yung snacks. And I notice na halos lahat ng nandun ay ang mga favorite kong food sa resto ni Jai. Isang box ng Tower chips at chocolate milkshake.

I called Jai "Hello? Welcome Franz and Jai Sweet and treats, do you need help?"

"Asan si Jai?" Tanong ko

"Ikaw pala ma'am Atenna, saglit lang po" sabi niya.

Kilala na ako ng mga empleyado ni Jai, dahil na rin siguro madalas ako dun sa resto niya. "Oh ano Tina kailangan mo? Ba't dito ka tumawag? Sa phone ko nalang sana"

"Pumunta ba diyan si Justin?" Tanong ko

"Oo, kanina nagpa reserve siya ng Tower chips and Chocolate Milkshake. Sayo niya ba binigay? Nagtanong kasi kung ano'ng madalas mong kainin dito"

"Ano pa'ng sabi niya?" Tanong ko

Hindi ko mapigilan ang sarili ko maging curious. Alam kong plano kung paikutin ang isang yun at kailangan ko lang masiguro na naiikot ko na siya.

"Bakit ba?" Tanong niya "Balita ko, nag date kayo?"

"Hindi yun date, para yun sa trabaho" sagot ko

"Okay sabi mo. Ano pa bang gusto mo'ng malaman? May trabaho pa ako" sabi niya

"Musta si Franz?" Bago ko ng usapan

"Bye" sabi niya at binaba ang tawag.

"Baliw" bulong ko

Uunahan kita Justin, sisiguraduhin ko na makukuha ulit kita.

Kinain ko nalang yung binigay niya, sayang naman diba. Habang kumakain May unknown number naman na nag text.

Unknown Number:
Eat well.

Me:
Paano mo nakuha number ko?

Alam kong siya yan. Pero saan niya nakuha ang number ko?

Unknown Number:
Hindi na naman importante yun diba? I have meetings kaya take care.

Ede bahala ka duh. Ayaw kong ma last chat 'no.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at nang matapos ako, nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho. At sa subrang pagod, hindi ko naman namalayan na naka idlip na pala ako sa office ko.

Nagising naman ako dahil sa may narandaman akong humimas sa mukha ko. Pagkagising ko, nakita ko siyang seryosong nakatingin sakin.

"You're awake" sabi niya at ngumiti

"Sinong nagpapasok sayo rito?" Tanong ko at umayos ng upo. Chineck ko ang mukha ko dahil baka may laway ako.

"Don't worry hindi ka naglaway, di tulad ng dati" sabi niya at tumawa

"Excuse me! Kahit dati hindi ako naglalaway duh!" Sagot ko sa kaniya pero mas lalo lang lumakas ang tawa niyo.

"Baliw" bulong ko

Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong 10 na pala ng Gabi. Hindi pala ako naka idlip. Limang oras pala ako nakatulog

"Siguro pagod na pagod ka, kaya ka nakatulog kaninang 5" sabi niya "Umuwi na ang mga empleyado mo, kaya sinamahan na lang kita rito"

I Dare you to Love me (JuniorHigh Series 3)Where stories live. Discover now