Andito ako ngayon sa may kusina at tumutulong sa paglinis. Sanay na naman ako sa ganito at baka pag magpasukan na ay baka hindi na ako makatulong.
Sa pamamagitan nito makakabawi ako sa pagpapatira nila sakin dito. Habang nandito ako, napansin ko na si Justin ay matagal talaga magising. 9 o 10 na siya bumabangon.
Ang speaking of Justin ayown na bumaba na siya ng hagdanan na humihikab pa. Nahagip naman ako ng mga mata nito. "Morning" bungad ko sa kaniya
"Bakit ka naglilinis?" tanong niya at tiningnan ako
"Kasi gusto ko" sagot ko sa kaniya. Umupo siya sa may upuan ¹ b5malapit sa lamesa. Lumapit ako sa kaniya "Anong gusto mong kainin?"
"Seryoso ka?" tanong nito tumango naman ako "Kumain ka na?"
"Tapos na" sagot ko
"Ano bang ulam mahal?" tanong niya at ngumiti "Masarap ba kasing sarap mo?"
Hinampas ko naman siya "Susuntukin kita pag di ka pa tumigil" saway ko "Afritada na manok tapos kinilaw na isda"
"Umupo ka na rito, hayaan mo na si manang" sabi niya
"Eh gusto kong tumulong" sagot ko
"Tina naman alam mo ba na feel ko asawa kota na naghahand ang agahan ko?" tanong niya kaya namula naman ako bigla "Kung ayaw mong pakasalan kita kahit hindi pa tayo umupo ka na baka hindi pa ako makapagpigil!"
Mabilis naman akong umupo sa harap niya "Manang kakain na ako" sigaw niya
Yes, yan yung red flag niya. Tamad.
Pero bago ko pa malaman ang klase ng ugali nito, ay inlove na ako sa kaniya. Mahirap ba talagang burahin to?
"Busy sila" sabi ko at nagpa cute "Pwede bang ako nalang ang kumuha?"
"Hindi nga pwede" sabi niya at tiningnan ako ng masama
"Kung hindi ako pwede ede ikaw nalang ang kumuha. Malaki ka na Justin." sabi ko "Ano nalang sasabihin ng magiging anak natin? na tamad ka tamad ang tatay nila walang alam sa lahat"
Bigla ko namang narealize yung sinabi ko. Gulat lang ito at patakbong pumunta sa may lutuan para magsandok ng makakain niya.
Lihim naman akong napangiti. Marunong ka naman pala eh.
Kumuha naman ako ng tubig sa ref pati baso at nilapag sa may lamesa "Magpakabusog ka mahal na prinsipe" sabi ko at ngumiti tumango naman siya "Akyat lang ako"
Nasa guests room nga pala ako tumutuloy. Hindi ko nga alam kung bakit ang bait bait ng mga magulang niya sakin. At yung turing nila ay parang pamilya na nila ako.
Sabay kaming apat kumakain minsan naman nauuna na yung mag asawa kasi maaga itong nagigising habang kami ni Justin nga 8 to 10 na kumakain. Pag sa dinner naman sabay2 kami tapos hindi talaga nila pinaparamdam sakin na hindi ako parte ng pamilya nila.
Humiga ako sa kama dahil sa pagod. Totoo nga yung kasabihan na "Mabuti pa yung ibang tao parang pamilya"
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag iisip ng kubg ano-ano.
Nagising naman ako dahil may nararamdaman akong kung anong tumutusok sa mukha ko. Pag dilat ko nakita ko sa Justin na seryoso sa ginagawang pagpindot pindot sa may pisnge ko.
"Ang gulo mo" reklamo ko
"Matulog ka lang. Wag mo kong pansinin, naglalaro lang naman ako" sabi niya at patuloy pa rin sa pagpisil pisil sa pisnge po
"Hindi naman ako laruan ah" Angal ko pero ngumiti lang siya
"Ang gulo naman ng baby ko" sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko
YOU ARE READING
I Dare you to Love me (JuniorHigh Series 3)
Short StoryAtenna Baguinaon doesn't believe in true love because for her, there's no such thing as true love; everyone just desires gratification. As she puts it, " Wala naman talagang totoong nagmamahal sa akin, dahil lahat sila ay nagnanasa lang. Pati nga pa...