10

56 2 0
                                    

Lasing na lasing ako habang nakahawak kay Justin. Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko. Buti nalang alas 3 na ng umaga kaya kunti nalang ang tao dito sa bahay na mga nakikilamay at yung iba ay busy sa pagsusugal kaya't hindi nila ako napansin na naglakad papuntang kwarto.

"Ba't ba kasi ang damo mong iniinom!" sabi ni Justin at nilapag ako sa maliit kong kama. Napahiga naman agad ako, dahil sa subrang pagod ng aking nararamdaman at parang wala na akong lakas para igalaw ang sarili.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya "Inuman lang naman ang pag uusapan, sino ba ako para magpahuli?" tanong ko rito

Pinitik niya naman ang noo ko "Aray!" angal ko. Inayos niya ang unan ko at pinahiga ako doon

"Ang bata mo pa para sa inom! Baka mamaya tunaw na yang atay mo!" sabi niya. "Diyan ka lang, wag kang malikot baka mahulog ka sa sarili mong kama! Kukuha lang ako ng mainit na tubig para mahimasmasan ka. May libing pa bukas baka hindi ka magising"

Ipinikit ko ang aking mata sa pagod, bakit ba napaka caring niya sakin? Sanay na ako sa pag iinom pero bakit kubg maka asta siya ay parang ikakamatay ko ito?

Maya maya bumalik na ito kaya idinilat ko na ang aking mata. Hindi ko na napansin na umuwi na pala yung mga babaetang yun dahil sa kalasingan.

May dala itong bimpo at tubig na nasa planggana. Nilapag niya ang planggana sa may side table ko at sinimulan niya nang punasan ang noo ko.

"Dapat kasi may limit ka sa pag iinom!" sabi niya habang tinitingnan ako

"Ang oa mo naman" sabi ko at sinamaan niya naman ako ng tingin

"Anong oa sa sinasabi ko?" tanong niya "Babae ka kaya dapat kunti kalang uminom, dahil baka kung anong mangyayare sayo!"

"Kaya ko naman ang sarili ko" sabi ko "Ngayon lang talaga sumubra ng inom. Eh ba't ikaw hindi ka nalasing?"

Patuloy lang ito sa pagpupunas. Pati mga kamay ko pinunasan niya na "Kung nagpakalasing ako, sino ng mag aasikaso sayo?" tanong niya "Syempre dapat may limit lahat, tsaka ayaw kong nakikita mo akong mahina"

"Sess" tumawa ako "Normal lang naman yan"

Maya maya pa may kumatok. At alam kong si kuya Arthian yun. May binabalak ata siya ngayon kasi alam niyang lasing ako, buti nalang nandito si Justin "Pag tinanong ka niya kung bakit ka nandito, sabihin mo 'binabantayan ako' " sabi ko nagtaka naman si Justin "At sabihin mo rin na tulog ako. Huwag mo akong iiwan kung papaalisin ka niya. Okay?"

"Bakit?" tanong niya

"Papaluin niya ako kasi uminom ako" sabi ko at nag peace sign.

"Sige" sagot niya

Binuksan niya na ang pinto at nagkunwari naman akong tulog "Anong ginagawa mo rito sa kwarto ng kapatid ko?" ainig kong tanong ni Kuya

"Pinabantayan ko po si Tina, lasing po kasi ito kaya pinunasan ko siya ng maligamgam na tubig" sagot ni Justin

Naramdaman ko naman ang pagpasok ni Kuya "Ang bilis niya namang matulog" sabi ni kuya

"Kanina pa po soya tulog. Bumagsak po kasi siya dun sa lamesa sa likod sa oras ng inuman kaya dinala ko na rito" sabi ni Justin

"Kung ganun, pwede ka ng umalis, ako ng bahala sa kapatid ko" sabi ni Kuya

"Naku kuya, kaya ko naman pong alagaan yung jowa ko. Magpahinga nalang po kayo. Tsaka hindi na rin naman bago samin ang magkasama sa isang kwarto" sabi niya "Normal lang naman sa magjowa ang mga gantong gawain. Kaya wala kang dapat ikabahala sakin"

Ano bang pinagsasabi niya? Kakaiba rin tong isang to ha!

"May nangyari na ba sa inyo?" tanong nito.

"Nakakahiya mang aminin pero meron na po" sabi niya!

I Dare you to Love me (JuniorHigh Series 3)Where stories live. Discover now