Bumaba na kami sa hagdan, nakita naman namin si Loury na tahimik lang na nakaupo at mabibigat ang mga pinapakawalang hininga.
"Okay ka lang?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Hinimas ko ang balikat niya. Napapagod naman niya naman akong tiningnan
"Ewan? HAHA" sabi niya at huminga ng malalim "Ba't pa kasi nag exist ang problema?"
"Para e challenge tayo?" nag aalinlangan kong tanong
"Challenge o para tanggalan tayo ng hope? pinapahirapan ata tayo nito eh" sabi niya
"Alam niyo" napatingin kami sa kaniya sa likod "Pasingit na ah, iba kasi difinition niyo ng problem"
Huminga siya ng malalim "Para sakin yung problema kasi is 'battle of life' natin at kung wala kang problema, wala kang matututunan" sabi niya "Sinusukat nito kung anong kaya nating gawin, parang exam,kada quarters yan talaga malaking problema ko"
"Well, may point ka" sabi ko
Hindi naman kasi pwedeng mawala yung problema sa life, he's right. Wala naman kasing forever na kasayahan kasi marami dapat tayong emotion na maramdaman para balance
"Nagtataka kayo kung bakit walang problema si Franz at Laica at laging kayo lang?" sabi niya tumango naman kami "Siguro dahil hindi pa sila ready. Swerte niyo nga kasi in young age may problema na kayo, kaya paglaki niyo kakaratihin niyo lang okay na agad kasi sanay na kayo"
"Matalino ka pala jj?" sabi ni Loury mahina naman ako, para siyang nang aasar eh
"Hindi naman ako matalino HAHAHHA bobo ko nga eh" sabi niya hindi na namin siya pinansin. Ang saya nang naging gala naming yun, nagiging masaya lang talaga ako pagkasama ko ang mga kaibigan ko
At si Justin, hindi lang pala siya friendly, marunong rin siyang mag advice siguro mas okay kung e kekeep ko siya. Charoot
Nang umuwi na ako sa bahay, napatanong naman si papa "Napapadalas na yang paggala mo ng mga kaibigan mo ah?" sabi niya at tiningnan ako
"Bakasyon na po kasi at sinusulat namin to papa, wala rin naman akong masyadong gastos kasi sila ang sumasagot" sabi ko
"Hindi ka nila hinihingan ng ambag?" sabi niya Umiling ako
"Hindi po, medyo may kaya po kasi sila at hindi uso ambagan. Kung sinong nangyaya siya manlilibre" sabi ko "Tsa nga pala papa may sinaing na?"
"Nagluto na ako, inaantay ko nalang kayo para makakain na tayo" sabi niya
"Ahhh, okay po, bihis lang ako" paalam ko at pumasok na sa kwarto. Nilock ko ng maayos yung pinto, mahirap na baka may biglang magbukas.
Natapos ang araw at dumating nanaman ang bagong araw, at dahil wala akong magawa at kakapadala pa lang ni kuya, inutusan na ako ni papa na nag-grocery.
Simula nung bakasyon hindi na ako ginagalaw ni papa, nabuksan na ba ang puso niya at nagsisi na ba siya sa ginawa niya? Ahmm I think it's imposible.
Matapos akong mamili naglakad lang ako pauwi. Bali nasa street 4 yung Market. Nang madaanan ko ang street nila justin, nagulat naman ako ng bigla niya akong hilain
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko
"Sa bahay" sabi niya. Inagaw niya naman yung dala kong eco bag. Nakapasok na kami sa gate nila at nagsalita ulit ito "Buti dumaan ka, sakto at gusto kang makita ni mama"
"Huh?" napalunok naman ako sa sinabi nito. Bat niya ako ipapakilala sa mama niya?
Pumasok na kami sa bahay nila, medyo malaki ito, tiles yung sahig at malinis yung bahay. "Ma andito na siya" sigaw niya mula sa sala. Nilapag niya ang eco bag ng pinamili ko sa may kusina nila gosh!
YOU ARE READING
I Dare you to Love me (JuniorHigh Series 3)
Short StoryAtenna Baguinaon doesn't believe in true love because for her, there's no such thing as true love; everyone just desires gratification. As she puts it, " Wala naman talagang totoong nagmamahal sa akin, dahil lahat sila ay nagnanasa lang. Pati nga pa...