Well hindi naman kami masyadong naging close nung jj pero patuloy lang siya sa pagsunod at panliligaw sa akin.
Nakangiti akong binuksan ang cp ko. Hindi ko naman ine-expect na may message request si Jj sakin. Nag add friends din siya at agad ko naman itong kinonperm. Wala namang masama diba?
Chineck ko ang message niya.
Justin Olarte
Kumain ka na?Ako
Tapos na, papunta na nga akong room eh.Justin Olarte
Sabay sana tayo, sayang naman.Ako
Asan ka ba?Justin Olarte
Papunta paAko
Ah nasa gate na ako ehJustin Olarte
Kaya nga sayangTinago ko na ang cp ko at naglakad na papasok ng room. Pagpasok ko, nakita ko silang tatlo nakangiti sa akin. Sanay na ako na mas nauuna sila kaysa sa akin.
Marami naman akong natutunan dahil kay franz HAHAH tinuturo niya kasi samin yung hindi namin alam. At talagang fast learner talaga siya.
" Ms. Baguinaon " tawag ng teacher ko. Tumayo naman ako " Patulong naman ako sa pagdala ng laptop ko papunta sa kabila "
Hindi naman ako tamad kaya sinunod ko, ako ang may dala ng laptop. At akala ko talaga uutusan niya lang ako, pero nagulat ako ng kinausap niya ako. " Masaya ako para sayo dahil tumataas na ang grades mo sa akin " sabi niya at ngumiti
" Hindi talaga ako masyadong matalino sa science ma'am, pero dahil andiyan si Franz mas naiintindihan ko lahat ng itinuturo niyo " sagot ko at ngumiti
" Alam mo, nakita kong may potential ka pagdating sa pag observe ng experiment " sabi niya
" Talaga po ma'am? di ko na po kasi napansin yun, dahil masyado na ring busy. Hanggang ngayon nga di ko pa alam kong anong magiging pangarap ko " sagot ko
Naglalakad lang kami, di ko naman alam kong saan kami pupunta kaya sumusunod lang ako kay ma'am. " Malalaman mo rin yan, tsaka grade 8 ka pa naman " sabi niya " Nakikita ko talaga ang sarili ko sayo Athena. Kaya sana kahit na marami kang problema wag kang susuka huh? "
Nginitian ko siya " Syempre naman ma'am " wala sa sarili kong sagot. Pumasok kami sa isang room ng grade 9. Pagkakaalam ko grade 9 dalton to. Pagpasok namin agad naman siyang binati ng mga estudyante
" Goodmorning ma'am " bati nila.
" Take your seat " sagot ni ma'am. Sumunod lang ako sa kaniya papuntang lamesa at nilapag ang laptop niya " Salamat Athena "
" Welcome ma'am, mauna na po ako " paalam ko tumango naman siya.
Maglalakad na sana ako ng may narinig akong nagsalita " Ma'am mag cr lang ako " si justin yun. Kinindatan niya ako at nakita rin yun ng dalawang lalaking katabi niya
" Bilisan mo " sagot ni ma'am. Hindi ko na sila pinansin at lumabas na. Nagulat ako ng nakasunod pala sa akin si Justin
" Hi " weirdo niyang sabi at naglakad patalikod para sabayan ako
" Kala ko iihi ka? " tanong ko. Tumawa naman siya
" Hindi ako naiihi. Sinabi ko lang yun para samahan ka " sabi niya. Umayos na siya sa paglalakad. At sumabay sakin
" Adviser mo pala si Ma'am Ocay " sabi niya tumango naman ako " So ste ka pala "
" Oo, bobong ste " sagot ko
" Ikaw bobo? wee? baka nga mas malaki pa grades mo sa akin " sabi niya " Anong next sub niyo? "
" English " sagot ko tumango naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/366023496-288-k945025.jpg)
YOU ARE READING
I Dare you to Love me (JuniorHigh Series 3)
ContoAtenna Baguinaon doesn't believe in true love because for her, there's no such thing as true love; everyone just desires gratification. As she puts it, " Wala naman talagang totoong nagmamahal sa akin, dahil lahat sila ay nagnanasa lang. Pati nga pa...