50

401 4 0
                                        

When conscience and guilt conquered your whole system, will you still stay?

I didn't.

"It's not your fault, babe, bakit ka makukonsensiya?" tanong na naman ni Jonah. Madalas niya itong sabihin pero hindi ko magawang hindi sisihin ang sarili ko. "Maski ako, kapag nangyari iyan sa mahal ko sa buhay, gagawin ko rin iyong ginawa niya. Only death is the justice when it comes with rape."

Nanatili akong tahimik.

"Babe, nandiyan ka pa ba?" Huminga siya nang malalim. "Bumalik ka na sa kaniya. Nasasaktan mo lang ang sarili mo."

"H—hindi ko kaya," iyak ko. "Pinapatay ako ng konsensiya."

"Ayan ka na naman, hintayin mo akong pumunta diyan, hahambalusin ko ang pagmumukha mo hanggang matauhan kang hindi mo iyon kasalanan."

Everyone is telling me that it was not my fault, but my mind keeps on telling me it was. Maski ang kambal na kapatid mismo ni Agon, hindi nila ako sinisisi. Though, masakit daw para sa kanila na naikulong ng ilang taon ang kuya nila, mas masakit naman daw iyong nangyari sa'kin at kailangan ko ng hustisya dahil doon, na ibinigay naman ni Agon. Ipinapagaan pa nila ang loob ko at sinasabing hindi raw masyadong nahirapan sa loob si Agon dahil halos dalawang taon itong hiwalay sa ibang inmates dahil sa PTSD nito. Doon pa raw sa kulungan mismo tuluyang gumaling ang asawa ko.

Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang news last year, tungkol sa kriminal na isa sa mga ipinalaya ng president. Marami kasing nag-sign ng petition para sa kaniya. Na-document din sa TV ang kuwento niya, hindi ko nga lang napanood noon at kung pinanoid ko man ay hindi ko lang din malalamang siya iyon dahil sa blurred ang mukha niya at binago pa ang boses niya.

Reclusion temporal ang naisampang kaso sa kaniya. For murdering one of the famous chefs. Noong una raw ay accident lang ang tingin ng mga kapulisan sa nangyari, dahil sa iyon ang kuwento ni Agon na kusang sumuko sa kanila. Pero noong naghukay ng impormasyon si Attorney Carter, ang attorney ng Rodriguez, napag-alaman nilang minsan nang crim student si Agon at flat uno pa ang grades nito. Kaya inilagay nilang murder ang kaso. Then Agon was interrogated, and he admitted the crime. Inamin din niya na pinlano niya ang pagpatay at ini-apply pa niya ang natutuhan noon sa paaralan, kaya reclusion perpetua ang unang naisampa sa kaniya.

Until my brother filed an appeal to the Court of Appeals, to lessen the sentence of Agon with the help of Aljun who had an evidence that time. Aljun testified that my husband just protected me, his wife from injustice.

Ang rason naman kung bakit late nag-testify si Aljun ay dahil ikinulong siya ng nanay ni Etham para hindi kumanta. Nakalaya lang siya noong nahanap siya ni Kuya. Aljun also testified that my testimonies were all true, that I was taken advantage of by his uncle, with an evidence— the dashcam of his car.

With that, the court found out that all of the testimonies of the Rodriguez were all lies. Attorney Carter also withdrew from representing the Rodriguez, as he just found out that he was defending the rapist all along. Ibang attorney na tuloy ang kinuha ng mga Rodriguez kaya naipababa iyong kaso ni Agon from reclusion perpetua to temporal. Bukod doon ay nasampahan ng kasong perjury lahat ng nag-testify sa mga Rodriguez, pati mga kaibigan ni Etham, maski na si Nadine. Kahit pa nakalaya na sila ngayon maliban sa nanay ni Etham na nasampahan ng kasong kidnapping, ay pakiramdam ko ay natanggal iyong mabigat na nakadagan sa akin. Buong akala ko kasi, hindi ko na makakamit iyong hustisya dahil sa kasinungalingan ko kaya sumuko na ako. Bilang parusa ko na rin sa sarili ko dahil sa tatanga-tanga ako. Tapos, malalaman ko na lang, inilaban pala nina Agon, Kuya at Aljun.

Bigla, may pumatak na luha sa mga mata ko. Bigla, bumalik iyong pakiramdam kong parang may pasan-pasan akong mabigat na bagay—mas mabigat kumpara sa kanina because of the fact that my husband shouldered all of those painful comments just for me. Thinking he was jailed for six years because of me, and was about to take twelve to twenty years if he wasn't just granted a pardon. Pero paglaya niya, ikinulong ko ulit siya sa mga overthinking ko.

Loving Agon (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon