Nakatingin lang ako sa test paper ko. Nagiisip kung sasagutin ko ba. Kahit sagutin ko to wala naman akong masasagot.Shit. Bahala na.
"Pre tingnan mo si Dash." Sabi sakin ni Kenneth at siniko ako.
Tumingin ako sa babae malapit sa bintana. Malalim ang iniisip niya. Habang naka-earphone at tahimik lang. Napakamisteryosa niya talaga.
Siya si Ardashkin Villareal. Hrm student. Hindi palangiti pero palakaibigan.
"Ardashkin "Dash" Villareal!" Tawag sakanya ng prof namin.
Siniko siya ng katabi niya para ipaalam na tinatawag siya ng prof namin.
Tinanggal niya isang earphone niya sa tainga at nagsalita "Yes ma'am?"
"Tapos ka na ba sumagot sa test paper mo?" Tanong ni Ma'am.
Nagulat ako ng tumayo siya at papunta sa lamesa ng prof namin. Nilapag niya ang test paper na may halong padabog kaya nagulat kaming lahat.
"Im done Mrs. Dimaculangan." Ngumisi siya sa prof namin at bumalik sa upuan niya.
Nagulat naman si ma'am at napa "Good" na lang siya.
"Ibang klase talaga." Sabi ni kenneth sakin na nakatingin sa gawi ni Dash.
"Sinabi mo pa." At pang sang ayon ko naman.
Natapos ang klase ng kalahati lang nasagot ko sa test paper at dahil vacant ko. Tumambay muna ako sa room na sunod kong sibject at naggitara.
Yes. Magaling ako mag gitara at medyo maganda ang boses ko. Namana ko kay Mama ang talent kong ito.
Nagsimula na ko mag gitara at kumanta.
Kung ako ang may ari ng mundo.
Ibibigay ang lahat ng gusto mo.
Araw araw pasisikatin ang araw.
Buwan buwan pabibilugin ko ang bwan.
Para sayo...
Para sayo....
Susungkitin mga bituin.
Para lang-
Napahinto ako sa pagkanta ng may naaninag ako na pamilyar na babae.
Tahimik siyang nakikinig sakin.
Si dash.
Hindi ko napansin na pumasok pala siya.
Tiningnan ko siya at nagtanong."Bakit?"
Nagsalumbaba siya at tiningnan ako.
"Masama bang makinig Mr. Charlie Rendo?" Ngisi niya at tinaasan ako ng kilay."Hindi naman." Sagot ko.
Di na siya kumibo.
Naging tahimik kaming dalawa.
Imbis na tumugtog ulit naisipan ko na lang kunin ang phone ko sa bulsa at magfacebook."Magaling ka palang kumanta Rendo." Narinig kong sabi ng babae malapit sa tabi ko.
Tiningnan ko siya at tumango.
"Limited edition lang ang paki ko. Magpasalamat ka." Utos na sabi niya.
"Bakit ako magpapasalamat sayo?" Tanong ko sakanya na may halong pagtataka.
"In short. I appeciate it." Nakatingin lang siya akin. Akala ko ngingiti na siya pero akala ko lang.
"Ang alin?" Tanong ko ulit.
Bumuntong hininga siya.
"Yung pagkanta mo. Kaya magpasalamat ka dahil minsan lang ako magkapaki sa iba." Sagot niya.
Napa-Ahh ako sa isip ko.
"T-thankyou" utol kong sabi. Tf? Ba't ako nautal? ._.
Di na siya ulit kumibo at lumabas sa room.
Natapos ang vacant ko at yung scenario pa rin kanina ang nasa isip ko.
At hanggang ngayon na nakahiga ako sa kama. 'Yun pa rin ang iniisip ko.
Stop thinking. Sinasayang mo lang oras mo inutil.
Sabi ng utak ko ng paulit ulit.
Hanggang sa nakatulog ako. Siya pa rin nasa utak ko.
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.