Ang makita si dash ng nakangiti ay priceless.
Isang linggo na nakaraan nung nangyare sa room.
Minsan ko na rin makita si Dash. Chinicheck ko timeline niya. Tinatamad daw siya pumasok sabi niya sa post.
Matalino naman si Dash. Wala nga lang sipag.
Puro na lang ako Dash.
DASH
DASH
DASH
Umay ha.
Nakita ko si kenneth na may kausap na babae. Nilapitan ko.
"Yo tol." Nakipag apiran ako at nag Hi sa babae.
Nagsmile lang yung babae.
"Wait lang ha. Una ka na sa room. Sorry." Sabi ni kenneth dun sa babae.
Si kenneth yung seryoso saming magtotropa. Laging busted sa mga nililigawan. Kaya kami todo tawa sakanya kapag broken siya umiiyak habang nag iinuman.
"Di ka pa ba sawa tol?" Tanong ko sakanya at ngumisi.
"Try lang ng try." Sagot naman niya tas ngumiti.
"Kelan inuman natin niyan? Hahaha" Biro ko sakanya.
"Loko ka. Bakit ba? Panira ka din ng moment e." Sabi ni kenneth na may lungkot sa mukha.
"Nakita mo si Dash?" Si dash na naman!!!!!!!!
"Hindi. Bakit pre nililigawan mo?" Siniko niya ko sa may tsan at may halong loko ang ngiti.
"Gago ka ba. Nagtatanong lang ako." Tumatawa pa ko ng malakas.
"Ah si Dash ba pre hanap mo?" Tanong ni Kenneth sakin na nakatingin sa likuran ko.
"Oo nga. Nakita mo?" Tanong ko pa at nagtataka kung bakit nakatingin siya sa likod ko.
"Bakit?" Tanong nung babae na nasa likuran ko.
Bumilis tibok ng puso ko. Pamilyar yung boses niya. Im nervous.
Pumihit ako patalikod.
Nakita ko yung babaeng hinahanap ko kay kenneth.
Nahanap ko na siya. Yung babaeng nakatitig sakin ngayon. Yung one and only ko. Yung prinsesa ko. My happiness. My-
Napatigil ako at napahawak sa kanang pisnge ko.
Aray! Nasa isip ko.
Sinampal ako ni Dash.
Pati tao sa lobby nagtinginan.
Si kenneth gulat na gulat.
"Pre iwan ko muna kayo. Hehehe bye dash." At biglang nawala si kenneth ng parang bula.
"Ano ba?!" Sigaw ko sakanya.
"Bakit ako ng bakit dito hello? Pero nakatitig ka lang sakin. Ang creepy na kaya sinampal na kita. Baka kase nakakita ka na ng multo." Paliwanag ni Dash.
Hindi naman multo nakita ko e. Yung baby angel ko <3
"Hahaha ganun ba baby? Sorry na. Di na mauulit. Tara sa cafeteria. May surprise ako sayo baby ko :D" Inakbayan ko siya at tumalikod sa mga tao sa lobby dahil pinagtitinginan na kami.
Tinakpan ko yung bibig niya dahil alam kong sisigawan na naman ako nito.
Nakarating kami sa hallway.
Tinapakan niya paa ko at kinasigaw ko ng malakas "Shit!!!!"
Buti walang tao. Puta.
Nakatingin lang siya sakin ng masama.
"Ano bang problema mong babae ka ha?!"
"Ikaw ano problema mo?!" Sigaw din niya.
"Ikaw! At yang ugali mo na hindi ko maintindihan!" Malakas na yung sigaw ko na yun.
Natahimik siya. Akala ko sasagot pa siya e. Pero wala.
Tinalikuran niya ko. Parang may kumislap sa gilid ng mata niya.
"Wala naman makakaintindi sakin. " sinabi niya iyon ng malungkot na boses. Umalis na siya.
Iniwan na naman ako.
Hahabulin ko sana siya para mag sorry.
Pero may sa multo ata yung babaeng yun biglang nawala ng parang bula e.
Hay nakakakonsesya tuloy. :(
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.