Boyish15

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng inuman namin ng mga tropa ko kagabe.

Kahit may hangover pa, pumasok pa rin ako. Exam kasi, kailangan ko din bumawi sa isang linggo na di ko pagpasok.

Sabi din ni kenneth na isang absent ko pa daw sa subject naming economics, drop na daw ako.

Kung pwede lang di na mag aral at magmukmok na lang habang buhay sa kwarto ko, ginawa ko na. Mapapatunayan ko pang may forever diba?

FOREVER TANGA.
FOREVER SAWI.
FOREVER POGI.

Oo na, alam kong di kayo payag sa pangatlo. Kaya FOREVER DASH na lang.

Oha, nasaktan na naman ako. Tanga ko talaga.

Napabuntong hininga ako ng makita ko ang gate ng eskwelahan namin.

"Tss. Back to reality." Bulong ko.

Ayoko talagang pumasok kase makikita ko si Dash. Di ko pa kayang makita siya. Babalik na naman ako sa 0 ng pagmumove on ko. Hay buhay, bahala na nga.

Pagpasok ko ng gate, deretso lang ang lakad ko. Tingin tingin sa mga estudyante na nakaupo sa mga bench.

Asan kaya sila kenneth?

May 1hr pa naman bago ang klase ko. Kaya napagdesisyunan kong umupo muna sa isang bench na bakante.

Pagupo ko, nilabas ko ang phone ko at earphones.

Nagmuni muni na ako ng may biglang nagtext.

Panira naman to.

Tiningnan ko kung sino, pero unknown number lang.

Binasa ko ang message. Nagulat ako sa nabasa ko. Napalinga linga ako.

To Charlie
Ang cool mo talaga pag naka-earphone ka. Anyway, ang saya kong makita ka ulit.

From Lol

Hindi ko alam kung magre-reply ba ako. Tiningnan ko ang paligid pero wala naman akong nakitang may hawak ng phone nila.

Im clueless tf.

Kaya naglakas loob akong tawagan ang numero.

Pero can't be reach na.

Okay creepy na ah. Ang weird na nga ng screen name niya. Ang creepy pa na hindi macontact number niya.

Kaya bago pa ko mabaliw sa kinauupuan ko. Nagpanggap ako na kalmado kahit sobrang nagtataka na ako sa katauhan ni Lol.

Naglakad ako ng mabilis sa college building. Inakyat ko yung hagdanan.

Pagkarating ko sa third floor. Kung san naka-connect ang hallway papuntang main building. Habang naglalakad, napanatag na ang loob ko.

Woah im safe. Kung sino man siya. Tigil tigilan niya ko. Napaka weird.

Habang nag iisip at naglalakad. Kumanan ako para makarating na sa main building.

Pero napahinto ako, nakaramdam ng panlalamig. Pagbilis ng tibok ng puso ko.

Habang tinititigan ang babaeng nasa harap ko.

Nakaupo at nakikinig ng kanta. Nakapikit na tila bang ninanamnam ang lyrics ng kanta na lumalabas sa headset niya.

Ang sakit na ang saya na makita siya.

Lalo siyang gumanda. Yung mga natural niyang kilay. Mga mapula niyang labi.

Ang ganda niya.

Napakaswerte ng boyfriend niya. Sana ako na lang.

BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon