Naging okay ang lahat sa dumaan na araw at buwan.
Isang buwan na din simula nung napagpasyahan kong iwasan si Dash. Kahit magkaklase kami. Nagpanggap ako na walang kilalang dash. Kung meron man, sa pangalan lang.
Akala ko sa pag iwas ko na ganito makakalimutan at mabubura yung nararamdaman ko sakanya. Alam niyo yung nakakatawa? Mas lalong lumalalim nararamdaman ko sakanya. Ngayon lang ako naging ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Masyadong kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.
True love? Kalokohan.
Wala namang gano'n e. Joke. Oo na meron na. Pero hindi ko tanggap. True love sa isang taong hindi naman ako kayang mahalin? Kalokohan talaga e.
"Hoy charlie!" Sigaw sakin ng lalaki sa harap ko. Sa sobrang lakas ng sigaw e talagang magigising kahit patay na.
"Kanina pa nasayo yung tagay. Baka mapanis na yan." Si topher.
"Ano ba iniisip mo? Hindi naman lilipat sakin yang tagay kung tititigan mo lang. Gago ka ba?" Si paulo naman na nasa tabi ko.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang baso na nasa harapan ko. Ininom ang laman at parang wala lang sa akin yung pait. Manhid? Hell no. Nilapag ko ulit yung baso na sinyales na ubos na. At hindi ko pa rin sila pinansin. Hanggang sa..
"Pre kung sa pamilya mo na naman yang problema mo. Tanggapin mo na. Andiyan na yan e." Sabi ni paulo na tapik ang braso ko.
Tumingin lang ako sakanya at ngumisi.
Kung pwede ko lang sakanila sabihin na hindi yun ang problema ko. Kung pwede ko lang sabihin na si dash yung dahilan. Yung dahilan kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit ako nahihirapan. Yung babaeng yun. Siya yung dahilan ng lahat ng to. Kahit anong iwas at inom ko. Wala, hindi ko pa rin siya makalimutan. Etong nararamdaman ko? Panira to. Tangina naman. Kung hindi ba naman maharot tong puso ko. Umibig sa babaeng manhid. Ang tanga e. Sobrang tanga. Napakaharot.
Bumuntong hininga ako at sumandal sa sofa. Tumingin sa kisame at parang tanga na iniimagine yung mukha ni dash.
Natapos ang inuman na hindi ako nagsasalita. Ang lakas makabaliw noh? E wala e. Buong inuman si Dash iniisip ko. Inlove? Lol. Broken.
Naglalakad ako pauwi ng may bumangga sakin. Pagtingin ko kung sino. Bigla akong napangisi. Lintek kang tadhana ka. Ginagago mo ba ko?
"So-so-sorry." Sabi ng babae na nakayuko. Lumakad na siya para umalis at bigla akong nagsalita.
"Okay lang. Atleast napatunayan kong hindi ako manhid." Sa pagsasabing manhid. Diniinan ko yun.
Nakakagago e. Isang buwan ko siyang iniwasan. Pero sakanya? Parang wala lang. Hindi nga siya nag attempt na kausapin ako nun. Parang wala lang sakanya na iniiwasan ko siya. Ako umaasa na sana isang araw kausapin niya ko. Na sabihin niya na kailangan niya ko. Pero wala. Ganun na ba siya kamanhid? Sobrang manhid. Siguro masaya na siya sa lalaking 'yon.
Hndi ko na siya hinayaan pang magsalita. Naglakad na ko ulit. Tinaas ang kanang kamay ko na sinyales na aalis na ako.
Wala pa kong narinig pa. Walang pumigil sakin. See, wala lang talaga sakanya.
Pangalawang araw na pagkatapos mangyare yun. Papasok ako ngayon sa room kung saan ako may klase. Paupo na sana ako ng may mapansin akong papel sa taas ng desk ko. Sa tingin ko, test paper lang yun o papel na naiwan nung estudyante sa unang klase. Dinampot ko iyon at umupo. Inayos ang bag ko at tiningnan ang papel. Laking gulat ko sa nakasulat.
"Hi charlie. Kita tayo mamaya sa 7eleven mamayang 1pm. Hihintayin kita doon.
-Lol"
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.