Kinabukasan, araw ng linggo. Wala akong pasok. Kaya nagbasketball ako kasama sila kenneth.
Isang oras din kaming naglaro at napagdesisyunang magpahinga.
"Tol." Si kenneth na umupo sa tabi ko.
"Oh?" Di ko siya tiningnan. Sabay tungga ng tubig.
"Sama ka bukas samin nila topher." Sabi niya. Uminom na din ng tubig.
"Saan?"
"Sa bahay ng girlfriend ko. Birthday niya kase e. Pupunta din mga kaibigan niya. Siya lang mag isa sa bahay nila nun kaya gusto niya doon gawin ang party niya. Maraming chikababes na kaibigan yun tol. Hahaha" sabi niya na kinatawa naming dalawa.
Aba ang loko may girlfriend na pala. Ngayon lang sinabi sakin. Di ko naman masisisi to e. Minsan na lang kase ko sumasama sa mga gimik nila.
"Sige ba." Sabi ko.
May chikababes daw e. Dejokelang. Si dash pa rin mahal ko.
Damn it, charlie. May mahal na yun. Erase erase.
Pagkatapos ng pahinga. Naglaro ulit kami dahil may mga dayo na dumating. Nakipagpustahan kami at nanalo kami sa pustahan. Pagkatapos ng laro umuwi na kami.
7pm na rin pala. Pagpasok ko ng bahay hinanap ko si mama.
Inikot ko buong first floor ng bahay namin pero wala siya.
Umakyat ako para tingnan siya sa kwarto nila ni papa.
Nakita ko siya dun na mahimbing na natutulog.
Nilapitan ko siya at kinumutan. Tinitigan ko si mama at bumulong na.
"Ma mahal na mahal ko siya." Yumuko ako at bumulong ulit " Namimiss ko na siya ma. Kahit anong iwas ko sakanya, siya pa rin."
Umupo ako sa tabi ni mama. Bumuntong hininga. "I love you ma. Magiging okay din ako." Bulong ko ulit at hinalikan ko ang noo niya.
Naghalfbath at toothbrush na ko at natulog na.
Nagising ako dahil may humuhimas sa kanang pisnge ko.
Pagmulat ko nagulat ako sa babaeng nakaupo sa gilid ko at nakatitig sakin.
Kinusot kusot ko ang mata ko. Tiningnan ulit yung babaeng nasa gilid ko.
Nandun pa rin siya. Nakatitig sakin.
"Dash..." Tawag ko sakanya na may halong pagtataka kung bakit nandito siya.
"Yes it's me." Sabi niya at hinawakan ulit pisnge ko.
Walang ngiti. Walang saya akong nakikita sa mukha niya kundi lungkot ang nakikita ko sa mata niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Dash i miss you. Sorry kung iniwasan kita. Ayoko lang masaktan ka."
Walang sagot. Kundi titig lang ang sagot niya sakin. Titig na nagsasabing "okay lang".
Gamit ang isa kong kamay hinimas ko ang kanang pisnge niya. "Dash ako kaya kailan mo mamahalin?"
Hindi ko namalayang tumutulo na pala luha ko. Pinunupunasan niya iyon na lalong kinaiyak ko.
Wala siyang imik. Walang sagot sa tanong ko. Onti onting naglalaho siya na ikinagulat ko.
"Dash anong nangyayare?" Tiningnan ko ang kamay niya pero wala na akong nararamdaman.
"Dash ano ba to?!" Lalo akong naiiyak dahil onti onti na siyang nawawala.
Lalong lumulungkot ang mga mata niya. May nakikita akong kumikislap na luha sa mga gilid ng mata niya.
"Charlie salamat. Salamat at umiwas ka. Mas lalong ayaw kitang saktan. Paalam....."
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.