Wala naman makakaintindi sakin.
Paulit ulit tumatakbo sa isip ko yan. Nagiisip ng paulit ulit.
Bakit? Bakit niya nasabi yun?
Oo. Inaamin ko na sobra akong nakokonsensya sa sinabi ni Dash. Ang hirap magisip kung bakit ganun ang reaksyon niya nung sinabi ko iyon sakanya. Parang sobrang makabuluhan sakanya ang pagsambit ko sakanya noon. Hindi kaya may kinalaman ang nakaraan niya?
Ah basta. Aalamin ko yun.
Nasa blue house ako mag isa ng mapagdesisyunang mafacebook dahil dala na rin ng bored.
Scroll down scroll down.
Kin Padilla
Atm @stairwaytoheaven2ndfloor. Lol.Napangiti ako sa nabasa ko. Nagkaroon tuloy akl ng ideya na puntahan siya doon.
Nasa college building siya at nasa likod ko lang iyon.
Papunta na ko mahal!!!! Im coming!!! Hahahaha. Lul.
Naglakad ako ng mabilis at nakita ko siya. Naka earphone na naman at nakatingin sa kawalan. Napaisip ako kung lalapitan ko ba siya. Nagtatalo ang isip at puso ko sa pagdedesisyon kung ano ang gagawin ko.
Lumapit ako sakanya ng nanalo sang isip ko sa pakikipagtalo sa puso ko. Nakatitig ako kay dash habang nakatulala pa rin sa kawalan. Para bang nakatingin ako sa isang painting habang wala sa sariling nakatitig lang sakanya.
Pero nawala pagfocus niya sa pagtitig sa kawalan ng makita ako.
Inirapan ako.
"Ano?" Sabi niya.
Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.
"Ahm. Wala lang. Masama bang tumabi?" Tanong ko na nginitian siya.
"Bawal. Shuu get lost!" Pinipilit niya kong itulak para makaalis.
Pero ako napako na ata dito at parang wala lang sakin ang pagtulak niya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko yung naging reaksyon niya ng isambit ko sakanya na hindi ko siya maintindihan.
E totoo naman kase. Hindi ko siya maintindihan. Kaya napagdesisyunan kong itanong ito.
"Bakit dash? Bakit?" Tanong ko na sumeryoso ng tingin sakanya.
Tiningnan niya ko at waring nagtataka sa tanonv ko "Anong bakit?" Tanong niya.
"Bakit ka umiiwas? Bakit ka nagtatago sa hindi naman talagang ikaw? Bakit?" Tanong ko.
Alam kong sa kabila ng matigas na pagkatao niya ay nandoon ang totoong si Dash.
"Pakialam mo ba?" Inirapan ako iniwas niya ang tingin niya sakin.
Halatang ayaw niyang pagusapan pero nagpumilit ako.
"Dash gusto kitang intindihin. Kaso ang labo mo e." Sabi ko sakanya.
Umiling iling siya at bumalik sa gawain. Ang makipagtitigan sa kawalan.
"Hindi mo ko maiinitidihan." Malungkot niyang sabi.
"Ipaintindi mo nga, dash. " utos ko sakanya.
"Gusto mo talaga malaman?" Tanong niya at tumingin sakin.
Tiningnan ko siya at tumango at nginitian na hinihintay siyang magsalita.
"Fine fine fine. Oo na. Hindi ako ganito dati. Pero PAIN. PAIN IS EVERYWHERE. Kaya lagi akong sinasaktan at nasasaktan noon. At ngayon nagbago dahil sa sakit." Yumuko siya na parang maluluha na.
Hinayaan ko lang siya magsalita. Tinititigan ko lang siya habang nakikinig.
"Dahil sa ugali ko iniiwan ako. Ano bang mali sa ugali ko?" Tiningnan niya ako.
Halata sa mga mata niya na kailangan niya ng sagot ko. Hindi ko sinagot at nginitian lang siya.
Bumuntong hininga siya at nagsalita ulit.
"Dahil ba sa bipolar ako? Kaya kahit sino walang gustong intindihin ako? Kahit pa mga kaibigan ko. Nilayuan ko sila para hindi na sila mahirapan. Para hindi na sila magsuffer. Pero ang sakit, ang sakit isipin na walang nakakaintindi sayo." Sinalo niya ang mga mata niya.
Umiiyak siya. Umiiyak si dash. Nadudurog puso ko habang pinapakinggan at nakikitang umiiyak siya.
Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na "tama na"
Nagsalita siya ulit.
"Alam mo ba pakiramdam ng inapakan ng paulit ulit? Masakit diba? Sobrang sakit. Yan yung pakiramdam ng sinaktan ng sunud-sunod ng mga lalaki. Galit ako sakanila, bakit? Nananahimik ako. Masaya na kong walang lalaki sa buhay ko. Pero dadating sila sa buhay ko. Kukulitin ako. Guguluhin. Susuyuin. Nahulog ako. Pero sinaktan lang nila ako. Ang sakit sakit. " hagulgol na niyang iyak. Sapu-sapo ang mga mata at dibdib.
Tama na dash. Tama na.
Niyakap ko na siya. "Dash naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na."
Umiyak siya lalo. Pinipilit niya akong itulak pero niyakap ko pa siya ng sobrang higpit.
"Dash wag. Tama na." Tiningnan ko siya.
Andito na ko dash. Andito na ko.
"Tama na. Wag ka na umiyak." Tinanggal ko ang yakap sakanya at pinunasan ang magkabilang pisnge niya.
Sobra siyang nasaktan. Sobra.
Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. At tiningnan siya sa mata. "Dash hindi man kita maintindihan. Pero pipilitin kong intindihin ka. Kahit naiirita ka sakin araw araw. Kahit magmukha na akong tanga sa pambabara mo. Babalewalain ko lahat ng iyun. Mapatunayan ko lang sayo na hindi ako nila na hindi sumukong intindihin ka."
Tiningnan niya at lalo siyang umiyak. Kitang kita sa mata niya ang sakit na nararamdaman niya.
Sakit na walang nakakaintindi sakanya. Sakit na nadulot sakanya ng mga gagong lalaking pinaglaruan siya.
Iyak lang ng iyan si dash. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging matigas ni dash ay nagawa niyang umiyak sa harapan ko. Ang weak side ni dash ang nakikita ko ngayon. Sobrang kumikiro na ang puso ko sa nakikita kaya nakaisip ako ng kapilyuhan sa utak ko.
Ayoko na siyang makitag umiiyak kaya.....
"Dash sige na tumigil ka na sa pagiyak." Iniangat ko ang ulo niya at gamit ang dalawang kamay ko ay pinunasan ko ang luha na walang sawang umaagos sa mga pisnge niya.
Hindi pa rin siya tumitigil. Kaya ginawa ko na ang kapilyuha ko.
"Sige pag umiyak ka pa. Hahalikan kita." Sabi ko sakanya habang pinupunasan pa rin luha niya.
Umiyak ka pa para halikan kita. Hahahaha.
"Ulol ka." Tiningnan niya ko ng masama. Sinuntok ang dibdib ko.
Yan mas gusto kong nakikita mga nanlilisik mong mata kaysa luhaan.
"Oh umiiyak ka pa oh. Gusto mo ba sa noo kita halikan ha? ;)" Kinindatan ko siya at tumawa.
"Shut up. Eto na nga oh. Wala ng luha." Iniwas na naman niya tingin niya sakin.
"Dash." Tawag ko sakanya.
"Oh?" Tiningnan ako.
"Kahit nagsusungit ka. Nakakainlove ka pa rin." sabi ko at nginitian siya ng sobrang tamis.
Natulala siya at halatang namula ang pisnge niya.
"Totoo. You're pretty." Sabi ko pa.
O baka himatayin ka na ah? Hahahahaha
Nagkasalubong ang kilay niyang makakapal. Tinulak ako sa dibdib.
"Leche ka!" Kinuha niya ang bag niya at dali daling bumaba.
"Hoy teka lang! Hahahahaha" hinabol ko siya habang tumatawa.
Pero biglang nawala. May samulto talaga yung babaeng yun!!!!
Napangiti na lang ako.
Nakapag open na siya sakin. Kaibigan na din ba niya ko?
SANA.
Ngayong alam ko na lahat. :)
BINABASA MO ANG
Boyish
RandomHoy babaeng lalaki pumorma! Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.